CHAPTER 14

1400 Words
MINUMURA ni Andrew ang sarili habang papasok siya sa resort kung saan ayon sa makulit niyang kapatid, ay ginaganap ang photoshoot para sa summer edition ng magazine ng mga ito. Nag-commute lang siya papunta roon dahil ipinagkatiwala na niya kay Clever ang sasakyan niya. Wala naman talaga siyang balak puntahan si Tiffany. Ngunit habang nakikipag-usap sila sa executive secretary ng may-ari ng Barcenas Real Estate ay hindi naman siya makapagconcentrate. Naiisip niya si Tiffany. Alam niyang hindi pa ito tuluyang magaling pero nagtatrabaho na ito agad. Nakababad pa naman ito sa pool na ang suot ay dalawang maliit na piraso lamang ng tela. Siguradong lalamigin ito. Kaya kahit mas mahaba pa ang oras na binubuska siya ng kapatid niya nang tawagan niya ito upang magtanong kaysa ang pagsagot nito sa mga tanong niya ay tiniis na lang niya. Nagtanong naman siya sa paraang hindi nito mahahalata ang tunay niyang pakay. Ngunit madalas pakiramdam niya may third sense ang kapatid niya at malalaman at malalaman din nito ang totoo kahit hindi siya magsalita. Mabuti na lang at bago pa siya mapikon ay sinabi rin nito kung saan ginaganap ang photoshoot ng mga ito. Saglit siyang nagtanong sa front desk kung nasaan ang pool area bago nagpatuloy sa paglakad. Naiinis na talaga siya. Iyon ang unang pagkakataon na nadistract siya sa trabaho. At dahil pa iyon sa isang babae. Isang babaeng kinaiinisan niya pa. Well, hindi na. Ngayon ay isang tao na lang ang kinaiinisian niya. Ang sarili niya. Dahil hindi niya mapanindigan ang mga sinabi niya noon kay Clever. Nang marating niya ang pool area ay muntik na siyang mapamura ng malakas. Kahit na maraming tao sa paligid ay agad niyang natanaw si Tiffany na nasa gitna ng pool. Ngunit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit biglang nag-init ang ulo niya. It was her and her partner’s pose. Buhat buhat ito ng lalaking swimming trunks lang ang suot. Nakapaikot sa balakang ng lalaking modelo ang mga hita nito habang ang dalawang kamay ay nasa mga balikat ng lalaki. Dikit na dikit ang katawan ng mga ito. Nakayuko si Tiffany habang nakatingala naman ang lalaking nakatapat na ang mukha sa dibdib nito. Ang lalaki naman ay nakahawak ang magkabilang kamay sa mga hita nito. And that malicious stare of his is just pissing him off. Naikuyom niya ang mga palad. Parang gusto niyang hatakin si Tiffany palayo sa lalaking iyon. Parang gusto niyang lunirin ang lalaking iyon. At lalong nag-iinit ang ulo niya dahil wala siyang karapatang gawin iyon. Kailan lang ba naging maayos ang relasyon nila ni Tiffany? Kahapon lang. So don’t act so stupid Andrew. “Hi Kuya, ang bilis mo ah,” nakangising pukaw sa kanya ni Mandy. May kipkip itong folder sa dibdib. Nanunudyo siya nitong tiningnan. “Malapit lang naman kami rito kanina,” simpleng sabi niya at muling sumulyap sa pool. Damn, gaano ba katagal na dapat nasa ganoong posisyon ang mga ito. “So, pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit mo naisipang pumunta rito? Hindi naman yata ako ang ipinunta mo rito.” Muli niya itong sinulyapan. “Gaano katagal pa ang shoot niyo? Kailangan ba talagang ganyang ang posisyon nila?” sabi niya na hindi sinasagot ang tanong nito. Lalong bumakas ang amusement sa mukha nito. “Depende kay Bernard.” Turo nito sa photographer na abala sa kakakuha ng larawan. “At pakana niya rin ang pose na iyan. It is beautiful actually. Siguradong maganda ang kalalabasan niyan. May kakaiba kasing chemistry iyang si Tiffany at si Harold.” “I don’t like that guy.” Muli itong napatingin sa kanya. “Kuya ha. Magkakilala ba kayo ni Tiffany?” naghihinalang tanong nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Don’t give me that crap kid. Ikaw ang nagbigay sa kanila ng address ko.” Bigla itong napangiti at napatawa. “Kuya, you are really funny today. So, does that mean na hindi lang basta business ang mayroon kayo ni Tiffany? Para kasing masyado kang concerned sa kanya. Which by the way, is so new to me. Kailan ka pa naging concerned sa isang babae maliban sa amin ni mommy?” nanunudyong tanong nito. He suddenly felt defensive. “Maraming beses na.” Tinaasan siya nito ng kilay. “Hindi no. Nakalimutan mo na ba ang reklamo ng mga naging girlfriend mo? Andrew was never concerned with me. He doesn’t love me. He just wanted someone to be with in bed, other than that wala na siyang pakielam,” sabi nitong nag-iba pa ng boses. Kumunot ang noo niya. “How did you know that?” manghang tanong niya. Nagkibit balikat ito. “Kinausap nila ako. Akala nila kapag tinulungan ko sila mas bibigyan mo sila ng atensyon. Na hindi naman nangyari. Kaya nga nakakapagtakang masyado kang concerned kay Tiffany. Siguro may nangyari sa inyong kakaiba ano? I heard you two are neighbors,” anitong may pilyang ngiti sa mga labi. Namamangha na naman siya sa takbo ng utak nito. Kababae nitong tao. Bigla siyang natigilan ng tumimo sa isip niya ang huli nitong sinabi. “At kanino mo naman narinig na magkapitbahay kami?” salubong ang kilay na tanong niya. “Sa akin,” sagot naman ng isang nakangiting babae. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Isa pa itong makulit na babae. “At paano mo naman nalaman iyon Kape?” pangaasar na tanong niya rito. Nagkibit balikat ito at ngumiti. “Because I am a reporter. It is my job to know. Ano nga palang ginagawa mo rito kuya Andrew? May nangangailangan bang serbisyo ng arkitekto dito?” tatawa-tawang sabi nito. Pinagdiinan pa nito ang salitang kuya. Pang-asar nito iyon noon pa man. Kaibigan ni Mandy si Coffee mula pa noong kolehiyo. Sa pagkakaalam niya ay magkaklase ang mga ito. Madalas ito sa bahay nila dati at madalas siyang guluhin ng mga ito noon. “May binabantayan,” sagot ni Mandy. Tiningnan niya ito ng masama. “Teka, baka kailangan ako sa banda roon. Diyan muna kayo,” sabi nito at lumayo. Hindi na niya ito pinigilan at itinutok na lang ang mata kay Tiffany. Saglit itong ibinaba ng lalaking modelo at mukhang nakikinig ang mga ito sa sinasabi ng photographer. Hindi naman halatang galing ito sa sakit. She’s listening intently to the instructions. Maya-maya rin itong tumatango. She looks so intense. Isang tingin pa lang ay mapapansin ng seryoso ito sa ginagawa. Propesyunal na propesyunal. “Hmmm… that look in your face is really interesting,” pukaw sa kanya ni Coffee. Nilingon niya ito. “Nandiyan ka pa pala,” aniya sa nangaasar na tinig. Hindi ito natinag at ngumiti pa. Sabagay, alam niyang hindi ito maaapektuhan ng mga ganoon. “So, Mr. Alvarez, anong mayroon sa inyo ni Ms. Tiffany Del Valle at ganyan ka makatingin na parang…” Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Parang?” Ngumisi ito. “Parang isang possessive boyfriend. So, what’s the score?” “Wala,” tipid na sagot niya at muling sumulyap sa pool. Nagtagis ang mga bagang niya nang makitang nakadikit na naman ang lalaking iyon kay Tiffany. “Wala raw, showbiz ka na ngayon ha.” Hindi na niya ito pinansin. Kapag sumagot siya ay kukulitin na naman siya nito. “Anyways, pagnagbreak sila, pwede mo bang lapitan agad si Tiffany? I don’t like the way Harold stares at her,” sabi nito. “I don’t like it too.” Tumawa ito. Napatingin uli siya rito. “My, my, Andrew, I can’t believe the day will come that you will be like that.” Kinunutan niya ito ng noo. Tinapik pa siya nito sa balikat. “Siya, may pupuntahan pa akong scoop. Don’t worry, dahil magkakilala naman tayo, off the record muna ang nalaman ko ngayon. See you!” sabi nito at mabilis na lumayo sa kanya. Napailing siya at muling itinutok ang atensyon sa pool. Namulsa siya. The words of people close to him are starting to bother him. Ano nga bang nangyayari sa kanya? Sumigaw ng perfect ang photographer. Bumitaw na si Tiffany sa lalaki. Then, she glanced his way. Their eyes met. Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito. At nang sabihin ng photographer na “It’s a wrap” ay nagsimula siyang kumilos bago pa siya makapag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD