KABANATA 1

1786 Words
KABANATA 1 "The future belongs to those who believes in the beauty of their dreams." Tahimik na kumurap si Celeste nang mabasa ang huling mga salita na 'yon galing sa binuklat na libro. Mula sa kinauupuan, sa loob ng kaniyang kwarto, ay malakas na isinara niya ang libro at itinapon sa kalapit na kama. "Beauty of their dreams..." bulong niya sa sarili. Nilingon niya ang nakabukas na bintana sa kaniyang harapan at tumulala sa malaking araw na malapit nang magpaalam sa kalangitan. "Pa'no kung walang pangarap sa buhay?" "Ma'am Celeste?" Mahinang kumatok-katok ang kasambahay nila na si Manang Tonya habang panay naman ang pagpihit sa naka-locked na doorknob. "Ma'am? Gising po ba kayo? Pinapatawag po kayo ng Daddy at Mommy ninyo. Dinner na po." Napabuga si Celeste ng hangin at tahimik na natawa. "Mommy?" Hindi siya sumagot. Tumayo at tamad na tamad ang kilos na kinuha ang nakasabit na school uniform na blouse mula sa likuran ng pinto saka 'yon sinuot at lumabas na ng silid. "Dad, ang aga niyo po yata." Pinasigla na bati niya nang makapasok sa dining area at makitang nakaupo na sa dulo ng dining table ang ama. Lumapit siya rito para humalik sa pisngi, nadaanan niya ang stepmother niya na may kakaibang tingin sa kaniya at sa kaniyang ama, ngunit nag-iwas din ng tingin at nagpatuloy sa ginagawang paglalagay ng tubig sa mga baso. "Yes, because I believe we have to talk about some serious matter." Napaangat ng mga kilay si Celeste at naupo sa katabing upuan sa harap ng hapag. "About what?" Sumulyap ito sa suot niyang uniform. "Anong oras ka umuwi kanina?" "4:30, me and my classmates also went to the newly opened cafe near the university so-" "You and your classmates? Saan ka galing?" Tumango si Celeste. "Yup, but of course tinapos muna namin ang mga class namin. Nagsabi ako sa driver natin na late akong sunduin sa university kaya-" "Saan ka galing?" Ilang segundong confused at kinabahan si Celeste sa tono at ekspresyon ng Daddy niya sa pagtatanong, mabuti na lang at maingay na pumasok si Jade sa eksena. Nakasuot pa ito ng school uniform at halos malaglag ang suot na bag sa pagmamadali. "Mama! Daddy! Nakapasok po ako sa top performing students sa buong batch namin!" Masayang pag-aanunsyo nito habang ipinapakita ang hawak na papel. "Really?! I told you, anak, kaya mo!" Masayang komento ng stepmother ni Celeste na si Marceline. "Well, good job. What do you want for a prize?" "Daddy! Hindi naman na po kailangan, maging proud lang po kayo ni Mama, okay na po ako ro'n!" Sweet na yumakap ito sa kaniyang Daddy kaya nag-iwas ng tingin si Celeste at tinusok-tusok ang pagkain sa kaharap na plato, walang gana pero pinilit na kumain. "Congrats." Bati niya lang na labas din sa ilong. "Thank you!" Nang may maalala ay nagsalita ito muli para kausapin ang mga magulang. "May isa pa po pala akong good news! Matutuwa po kayo rito!" Natatawang lumapit si Marceline. "Ano pa? Sige, make us proud." Masayang lumabas ito ng dining area matapos magpaalam na kukuhanin lang ang kung ano man na tinutukoy nito. Ilang segundong dumaan ang nakakabinging katahimikan sa silid matapos magsara ng pinto. "Mabuti pa 'yong kapatid mo, nagseseryoso sa pag-aaral." Kumibot ang mga labi ni Celeste nang marinig 'yon pero hindi siya tumigil sa pag-kain. Kunwa'y walang narinig. Sanay na siyang kinukumpara ng Daddy niya. "Nagpupuyat para mag-aral. Hindi para maglaro ng computer games. O tumakas sa gabi para gumimik. Right, Celeste?" "At least I got home early yesterday. And last day." Ani Celeste. "Siya palaging gabing-gabi. Hindi niyo tinatanong kung saan galing at anong ginawa? Hmm, 'yung mga tahimik at mukhang mababait pa naman minsan ang-" "Late umuuwi si Jade most of the time dahil nasa library siya ng university." Pagsingit ni Marceline, stepmother niya, habang naglalagay ng mga kubyertos sa tabi ng mga plato sa hapag. "Nag-aaral. Hindi kung saan-saan lang diyan nakakarating at pumupunta. Magkaiba 'yon, Celeste." Mahinahon na saad nito. "Wala rin akong boyfriend, siya mayro'n. Didn't you tell us that it's prohibited? Boyfriends?" "Kilala namin ang boyfriend ni Jade. 'Yung mga lalaking kasama mo na paiba-iba bawat gabi ang hindi namin kilala, Celeste. Doon kami nag-aalala." Pasimpleng napairap si Celeste. Nakikialam na naman ang mabait niyang stepmother. Kahit kailan naman ay hindi niya kinausap ito, paano ba naman kasi ay sa tuwing magsasalita ito palaging pakiramdam niya patama sa kaniya at pabango sa anak nitong si Jade. May pa rule-rules pa kayo, ineexcept niyo naman si Jade. Ano 'yon, para sa 'kin lang applicable?" Mahina ngunit sarkastikong pagsagot niya. "Hindi niyo nga pinapakialamanan si Jade, pero ako..." "It's because you are now like a pain in the ass to us, Celeste! You have grown like a hard-headed, immature, spoiled bratinella!" Bulyaw ng kaniyang Daddy sa kaniya kaya naman natigilan si Celeste. Nasaktan. "Kailan ka ba titino? Bakit ka ganiyan? Ibinibigay naman ang lahat ng gusto mo!" "Ano na naman po bang problema ninyo sa 'kin. Pinuna ko lang ang pagiging unfair niyo sa 'kin kaysa sa paborito ninyong anak, nagkakaganyan na kayo." "Hindi sa gano'n 'yon, Celeste. Alam mong pantay kayong tinatrato." Ani Marceline, stepmother niya. Hindi niya ito nilingon at pinararamdam na hindi niya ito gustong nakikisali sa usapan. "Problema sa 'yo? Marami!" Bulyaw ng nagtitimpi ngunit nauubusan na ng pasensya na Daddy niya. "Palagi naman-" "Naka-uniform ka na umuuwi ng bahay na 'to pero hindi ka naman pumapasok sa klase ninyo! Sinong hindi magagalit, Celeste?!" Natigilan siya. Nasa isip niya, okay, nalaman na ang snisikreto niya. "Ilang buwan ka nang hindi nagpapasok sa klase, binabayaran at sinusuhulan mo lang ang mga professor mo para hindi ka ireport sa guidance at sa aming mga magulang mo?" Nagyuko siya ng ulo at naririnding binitiwan ang mga hawak na kubyertos. Tumikhim at mahinahon na nagsalita si Marceline. "Sa tingin mo siguro hindi malalaman at mas lalong tingin mo siguro ay hindi magagalit ang Daddy mo. Kaya namin palaging sinasabi sa 'yo na mahigpit kami sa 'yo at kay Jade ay hindi dahil-" "Shut up!" Inis na singhal ni Celeste. Galit na hinampas nang malakas ng Daddy niya ang mesa, kaya naman halos maglaglagan ang mga babasaging baso at plato sa sahig. "Bastos ka!" "Bakit?! Napapagod na 'kong marinig ang mga sermon niya, hindi ko naman siya nanay!" "At sinong nanay ang gusto mong magsalita sa 'yo?!" "Wala! May nanay pa ba 'ko?" Hinawakan ni Marceline ang braso ni Jackson, na ama ni Celeste, para pigilan ito sa pagsasalita pa. Gayong kitang-kita nila pareho na nagtutubig na ang mga mata ni Celeste kahit na matapang ang pagsagot nito nang pabalang sa kanilang dalawa. Galit ngunit may pinanghuhugutang sakit at lungkot. "Kahit tatay ay wala! Tatay ka lang ni Jade pero hindi mo pa rin ako kadugo, isinisiksik ko lang ang sarili ko rito sa pamilyang 'to kahit naiinis na kayo sa presensya ko. Kaya wala!" "You know that that's not true, Celeste." Eksaktong pumasok ng silid si Jade, masayang hawak ang papel tungkol sa pagkatanggap nito ng special scholarship sa ibang bansa dahil sa taas ng mga grado niya sa unibersidad na pinapasukan. Umiiling na tumayo si Celeste mula sa kinauupuan at lumabas ng silid. May utak naman siya, she used to be a top-performing student before. Competitive, palaging gustong ma-please ang mga magulang. Hanggang sa malaman niyang hindi siya totoong anak ng mga magulang na kinikilala niya. Pabagsak na nahiga siya sa kaniyang kama matapos i-lock ang pinto ng kwarto at hinayaang tumulo ang masaganang mga luha, habang nakatulala sa puting kisame ng madilim niyang silid. Naaalala niya pa ang nakaraan. Na-kidnap siya noong bata pa lang at ang may kagagawan ng lahat ng 'yon ay ang kinikilala niyang 'totoong ina' niya. "Mommy! Bakit mo 'to ginagawa? Nahihirapan na po ako rito, ang init-init, ang baho ng lugar, ang sakit pa ng lubid na 'to na ilang oras nang nakatali sa mga kamay at mga paa ko!" Nagulat siya nang hatakin ni Beatrice ang buhok niya. Si Beatrice ang kinikilala niyang totoong ina, si Marceline ang stepmother at bagong girlfriend ng Daddy Jackson niya. Kumakampi siya kay Beatrice habang kinamumuhian si Marceline dahil pinapaniwala siya nitong inaagaw ni Marceline at ng anak nitong si Jade ang lahat sa kanila. Pero malalaman niya rin pala ang masakit na katotohanan. "Mommy! Nasasaktan ako!" "Don't call me 'mommy' anymore, you little rat! Nandito ka para mapagbintangan ko sa harap ni Jackson na si Marceline ang may kagagawan ng pagkawala at pagka-kidnap mo." Nanggigigil na saad nito sa kaniya. "Pero hindi kita pakakawalan. Hindi kita anak." Nangunot ang noo niya. "Beatrice... bata lang ang kausap mo." Pagsingit ni Sahlee, kaibigan ni Beatrice, habang natatakot sa nakikitang nangyayari at sa madilim na warehouse na kinalalagyan nila ngayon. "What do you mean, Mommy?!" "Oh yes, it's about time na malaman mo ang katotohanan. after this, hindi naman na kita kailangan." "Beatrice!" "Shush!" "Hindi kita anak. Hindi ka rin anak ni Jackson. Namatay na ang anak ko no'ng nasa ospital pa lang siya, ninakaw lang din kita para hindi ako iwan ni Jackson. Kailangan ko ng bata, ng anak, ng props!" Hindi nakapagsalita si Celeste sa mga naririnig. Bata pa siya noong mga panahon na 'yon nang marinig ang katotohanan pero matalino siya para maunawaan paunti-unti ang kung ano mang sinasabi nito sa kaniyang harapan. "Ikaw pa naman ang kakampi ko, ikaw lang ang mayroon ako... Mommy..." "E 'di hanapin mo ang tunay mong mga magulang. 'Yun ay kung gusto ka pa nila? Napaka-arte mo pa namang bata. Mabuti pa nga 'yung anak ni Marceline, kahit papaano marunong manahimik!" Nakabalik siya sa bahay at Daddy niya nang matapos ang drama na 'yon. Nahuli si Beatrice, naipakulong, at lumaki siyang bitbit ang sama ng loob. Kung noong una ay minamalditahan niya si Jade dahil akala niyang ito ang anak sa labas, ngayon ay marunong na siyang lumugar. Siya pala kasi ang anak sa labas. Literal na labas ng pamilyang kinalakihan niya. Matapos ang ilang minuto, nabuo ang plano sa isip niya. Buo rin ang loob nang lumapit sa study table para kumuha ng malinis na papel at itim na ballpen. Tinali niya ang kaniyang buhok at inumpisahan ang farewell letter para sa pamilya. "Celeste! Ano kamo? Maglalayas ka sa inyo?" "Oo nga, paulit-ulit ka." Inilayo ni Celeste ang phone sa tenga dahil sa lakas ng boses ng kaibigan na kausap. "I mean, bakit pa! Alam mo bang maraming naiinggit sa university sa buhay mo! Ang yaman-yaman niyo!" "Yaman is not everything. Sige na, ihahatid mo ba 'ko sa pier or not? Alangan namang magpahatid pa 'ko sa driver namin sa paglayas ko." "Nag-aalala ako sa mga gusto mong gawin sa buhay! So sa pier ka magpapahatid, sa'n mo naman balak pumunta?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD