"L-isse!" nanginginig ang boses ni Shane nang akmang lalapit sa akin. Nang mahawakan nito ang braso ko marahas ko itong tinabig. "Lisse, I'm sorry! I'm sorry!" "Hindi ko kailangan ng sorry mo, ang kailangan ko 'yong anak ko!" mariing sabi ko saka yumakap sa asawa ko na walang imik pagkatapos ipaliwanag sa akin ang sitwasyon. Habang umiiyak ako sa bisig ng asawa ko nakasalampak naman sa sahig si Shane at ngumangawa nang iyak. Nakausap ko na ang Papa ko at ayos naman ang kalagayan ng anak ko sa poder nito. At kahit magwaldas ng pera ang asawa ko wala pa rin itong mapapala sa paghahanap nito. Alam kong hindi masisisira ang relasyon ni Shane sa asawa ko dahil sa nangyari pero at least Wala na sa impyernong bahay na ito ang anak ko at magagawa ko na ang gusto ko. --- "Kumain ka, Lisse. K