LEON IS CURRENTLY SITTING ON THE LOUNGER. Kami naman ni Joy ay abala sa pagsangkap ng mga iihawin para sa tanghalian namin, habang si Tay Kanor ay inaapuyan ang griller. May mga bangus na nilagyan namin ng kamatis, sibuyas at kung ano ano pa sa tiyan nito, tapos ay binalot namin ng aluminum foil, tapos ay mayroon ding marinated chicken and pork. Today is Saturday and we have decided to eat on the poolside. Balak din naming mag-swimming mamaya. Habang abala kami ni Joy ay paminsan minsan akong sumusulyap kay Leon. He’s only wearing a floral board shorts and a sunglass. Wala siyang suot na pang-itaas kaya sagana ang mga mata ko sa magandang tanawin. Kung tutuusin, kung hindi ko lang alam na wala siyang makita ay iisipin kong hindi siya bulag. Kasalukuyan din siyang nagpapahid ng sunblock s