HINDI NAMAN NA KAMI NAG-AKSAYA PA NG ORAS NA KUMAIN NG TANGHALIAN. Sa totoo lang ay napakagaan sa loob kapag ganito kami kasaya. Leon is genuinely happy, like I said, I know because I can see it in his eyes. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit masaya ako, kasi alam ko na kahit pa palabas at kasinungalingan lang ang lahat ng ito ay napapasaya ko pa rin siya. As much as possible, though, I don’t want to get used to this happiness. Alam ko rin kasi sa sarili na may hangganan ito. At sigurado ako sa sarili ko na kapag hinayaan ko ang sarili ko na masanay sa isang bagay na hindi naman dapat, sa huli ay ako rin ang masasaktan. “I think we should do this often, this is fun!” napangiti ako sa sinabi ni Leon. Halos katatapos lang kasi naming kumain ng tanghalian at nagpasya na agad sila ni