Simula

1132 Words
Three Months Ago Mapait akong ngumiti nang bitawan ko ang kanang kamay ni Leon at ipasok na siya sa operating room. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko maintindihan pero may kung anong mabigat sa loob ng dibdib ko. I should be happy, right? I should be happy that I was able to convince him to go under eye operation. This is the only reason why I’m here anyway. It’s my job to convince him and that’s just it, nothing more. Dapat ay maging masaya ako kasi tapos na ang trabaho ko at pwede na akong umuwi sa Tarlac para makasama ang pamilya ko. But why do I feel empty? Well, I shouldn’t really be asking that. It’s obvious that I have fallen in love with him in just span of two months. I know that two months may sound too fast to get emotionally attached to someone, but I also guess that it is what it is. Hindi naman kasi natin hawak ang puso natin. Hindi natin ito pwedeng diktahan kung kailan at sino ang mamahalin. Sa loob ng dalawang buwan na nakasama ko siya, kahit na hindi niya alam kung sino talaga ako ay nakilala ko siya ng lubusan. He’s a good man. I like his principles in life, I like that he’s humble. I adore his love for his parents. I just… like everything about him. His wife must be really lucky to have him, and I just don’t get why she has to leave him because if I were her, I’ll definitely love him wholeheartedly. I’ll make him feel love every day and I won’t do things that can hurt him. Pero hindi ako si Astrid. Hindi ako ang asawa niya. At sa oras na makakita na ulit si Leon, mananatili sa alaala niya na si Astrid ang kasama niya at nag-alaga sa kanya noong mga panahong wala pa siyang makita. At ako? Ako ay mananatiling isang estranghero. Pero okay lang iyon, ang mahalaga ay makakita na ulit siya at maging maayos ang lahat. Alam ko naman na makakalimutan ko rin itong nararamdaman ko para sa kanya sa tamang panahon. It may be hard at first, but I’ll be fine in to time and I’m sure of it. I would be lying if I say that I didn’t hope that there’s a chance for the two of us, but that hope is also being shattered by reality. I know where I stand. “Hija, maraming salamat talaga.” Napalingon ako kay Ma’am Salve nang sabihin iyon, saka ko lang napansin na nakaupo pala siya sa tabi ng silyang kinauupuan ko. Ngumiti naman ako sa kanya at marahang tumango, “Ginawa ko lang po ang trabaho ko. Kung tutuusin ay ako po dapat ang nagpapasalamat sa inyo kasi hindi ko na kailangang lumayo sa pamilya ko.” Sagot ko, ngumiti naman siya. “I already transferred the amount that I promised on your bank account.” Ngumiti ulit ako at marahang tumango. “Salamat po.” “Alam mo hija, sana ikaw na lang ang naging asawa niya,” nagulat ako sa sinabi niya, “he did nothing but to love Astrid wholeheartedly, he gave her everything, pero nagawa pa rin niyang iwan at saktan ang anak ko.” Sana nga po ako na lang. Sagot ko sa isip ko. Pero alam ko naman na hindi ko kayang sabihin sa kanya iyon. At alam ko rin na imposibleng mangyari kung hihilingin ko man. “Baka naman po may dahilan siya.” Nagbuntong hininga lang siya at ngumiti sa akin. “Nakita ko kung paano mo inalagaan ang anak ko, bagay na hindi ko nakitang ginawa ni Astrid sa kanya. She knows nothing but to go shopping, spend a lot of my son’s money and meet her rich friends to brag about what she has. Nakita ko rin kung gaano siya naging masaya sa pagaakalang ikaw talaga ang asawa niya. Nakakalungkot lang na hindi niya alam ang totoo. I feel bad that I lied to him.” Marahan kong hinawakan ang kanang kamay niya nang sabihin iyon. “Wala po kayong ginawang masama, Ma’am. Kayo po ang Nanay niya, at wala naman po kayong ibang gusto kung hindi ang maging maayos siya.” “Tita, please call me Tita.” Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. “Opo.” Sagot ko kahit na nahihiya ako. “If you need anything, don’t hesitate to tell me, hija. Tutulungan kita.” Napangiti ako sa sinabi niya. Isa ito sa maraming bagay na nagustuhan ko sa pamilyang Montealegre, hindi nila pinaramdam sa akin ang agwat ng mga buhay namin. Itinuring nila ako na parang isang tunay na pamilya. Napakabuti nilang tao. “Malaking bagay na po iyong perang binigay niyo para sa surgery ni Nanay.” Sagot ko. Marami pa kaming napag-usapan, pero nang dumating na ang ibang miyembo ng pamilya nila ay nagpaalam na akong aalis. Dumiretso ako sa bahay nila para ayusin ang mga gamit ko. Nang mailulan ko na ang lahat sa maleta ay umalis na ako. I have decided to stay in a nearby hotel for a few more days. Wala akong ginawa doon kung hindi ang humiga at isipin si Leon, kung kumusta na ba siya. Matapos ang dalawang araw na pananatili sa hotel ay nagpasya akong bumalik sa hospital para pasyalan si Leon. Nasa labas lang ako, nakasilip. Alam ko naman na hindi niya ako makikita dahil maraming lalaki ang nasa loob. Tingin ko ay kaibigan niya ang mga ito. Maingay sila at nagtatawanan, maging si Leon ay nakikitawa sa kanila. Napangiti ako kasi mukhang okay na siya. “Yeah, as of the doctor I’ll be discharge later. Dapat nga kahapon pa nang tanggalin na ang benda sa mata ko, pero kilala niyo naman si Mama, hindi napipigilan sa gusto niya. Siya lang ang may gusto na manatili ako rito, gusto nga niya isang linggo.” Saad niya. “Well, Tita was just concerned. Lalo na ang tigas ng ulo mo.” Marahang natawa si Leon sa sinabi ng isa niyang kaibigan. “Why is my wife not here anyway? Is she busy? I’ve been wanting to see her for days now. I missed her.” Narinig kong saad niya at nanlumo ako kahit na alam kong wala naman talaga akong karapatan, tapos ay bigla siyang napalingon sa pinto kung saan ako nakasilip. Saglit na nagtama ang paningin namin at kumunot ang noo niya, kinabahan naman ako at mabilis na umalis. “Miss, wait!” Narinig kong saad niya pero hindi ako huminto sa paglalakad palayo. Masaya ako na okay na siya, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay siguraduhing maging okay rin ang puso ko. It’s time to wake up from this fairytale-like-dream, it’s time to finally go back to reality. Goodbye, Leon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD