Chapter 1

2225 Words
Present Time Nagbuntong hininga ako at ngumiti habang nakatitig sa salamin. This is another usual day where I have to get up and prepare early to help my father sell fish on the market. Ito ang buhay namin dito sa Tarlac, simple pero masaya. Mahirap pero kailangang kumayod. Sa tingin ko ay nasanay na ako sa araw-araw na paggising ng maaga para tulungan si Tatay sa palengke. I took a glance at the wall clock and saw that it’s just four in the morning. Sobrang maaga pa pero kailangan dahil marami talagang namimili ng madaling araw sa palengke dahil sariwa pa ang mga binebentang karne ng baboy, manok o isda. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako mula sa silid ko para puntahan si Tatay, naabutan ko siya sa kusina at nagkakape kasama si Lando, ang pinsan ko na tumutulong din sa amin sa palengke. “Anak, hindi mo naman kailangang sumama pa. Kaya na namin ni Lando doon.” Bungad sa akin ni Tatay nang lumapit ako sa kanila. “Tay, heto na naman tayo. Kaysa naman po wala akong gawin dito sa bahay, tutulong na lang ako sa inyo.” Nagbuntong hininga siya at napailing na lang. “Sa ganda mong ‘yan ay mangangamoy isda ka lang doon, at isa pa ang daming nagpapapansin sa ‘yong mga lalaki doon. Dumito ka na lang sa bahay at tulungan ang Nanay mo.” Marahan akong natawa sa sinabi niya. Kung tutuusin ay pwede ko namang gawin iyon, lalo pa at simula noong matapos ang surgery niya halos tatlong buwan ang nakakalipas ay pinagbabawalan na namin siyang gumawa ng mga mabibigat na trabaho. Pero nandito naman si Tita Mina, ang Nanay ni Lando, para tulungan kami kahit na papaano. “Ate bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang mapagkakakitaan? Narinig ko may bagong kumpanya na magbubukas sa bayan. Iyong boss daw ay kailangan ng secretary. Malaki raw ang sweldo.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lando. “Talaga? Magkano?” Sagot at tanong ko naman sa kanya. “Thirty Thousand daw isang buwan sa simula, madadagdagan pa kung nagustuhan ng boss ang performance mo.” Saglit akong nag-isip sa sinabi niya. Kung tutuusin ay balak ko rin talagang maghanap ng trabaho para hindi masayang ang pinag-aralan ko sa kolehiyo kahit na dalawang taon lang iyon. “Baka naman fake news ‘yan Lando, ah?” Nag-aalangang tanong ko. “Hindi ate, kumuha nga sila ng maraming mga construction workers. Kasama ang ilan sa mga tropa ko, ang sabi pa kailangang-kailangan na raw ng boss nila ng secretary para may katulong siya sa pag-asikaso ng pagpapatayo nung kompanya.” Saglit ulit akong nag-isip bago marahang tumango. “Sige ba, saan ba ‘yan? Susubukan ko na.” Sagot ko. Okay naman ang kinikita ni Tatay sa palengke, pero hindi gaanong malaki lalo pa at kailangan ni Nanay ng gamot pang-maintenance. “Hindi ko alam ang address ate e, pero itatanong ko sa tropa ko mamaya. Pero parang natatandaan ko na Montealegre ata ang apelyido nung boss? Hindi ako sigurado.” Natigilan ulit ako nang marinig ang binanggit niyang apelyido. That certain Montealegre couldn’t be Leon, right? Of course! Nasa Manila iyong tao. At isa pa, masyadong malaki ang mundo at masyadong maraming tao ang may apelyidong Montealegre. Hindi ko maintindihan pero kahit na alam kong imposible na maging si Leon nga iyon, o isa sa mga miyembro ng pamilya niya ay kinakabahan pa rin ako. “Huwag ka ngang makikinig dito kay Lando, dumito ka na lang.” Saad ulit ni Tatay. “Tay, hindi naman pwedeng habang buhay ay hindi ako magtatrabaho. Gusto ko rin pong makatulong sa inyo.” Sagot ko. “Sobrang laking tulong na nung perang pinagtrabauhan mo sa Manila, anak. Tama na iyon.” Natahimik ako sa sinabi niya. Alam nila kung ano ang naging trabaho ko doon. Noong una ay medyo nagalit si Tatay dahil nanloko ako ng tao pero naisip din naman niya na mabuti naman ang kinalabasan at ang intensiyon ko. Pero hindi ko sinabi sa kanila na nahulog at nagustuhan ko si Leon, ayokong ipaalam sa kanila dahil alam kong mag-aalala lang sila sa akin. “Gusto ko pong magtrabaho, Tay. Gusto kong kumita at makatulong pa sa inyo. Gusto kong ako naman ang mapagod habang kayo ay nandito na lang sa bahay. Kaya ko naman po.” Napailing ulit siya sa sinabi ko. “Ang tigas talaga ng ulo mo.” Marahan akong natawa sa sinabi niya. “Kanino pa ba magmamana ‘yan? Sa ‘yo rin naman.” Napalingon kami kay Nanay na lumabas mula sa kwarto nila ni Tatay. “Mahal, bakit ang aga mong nagising? Matulog ka pa.” Saad naman ni Tatay. “Kukuha lang ako ng tubig dahil nauhaw ako, babalik din ako sa pagtulog,” sagot niya, “hayaan mo na ang anak mo sa gusto niyang gawin nang makakilala rin siya ng maraming kaibigan, malay mo makilala na rin niya ang lalaking pakakasalan niya.” Napangiti ako sa sinabi ni Nanay at tumango. “O siya, ikaw ang bahala. Basta kung sakaling mahirapan ka ay titigil ka agad, naiintindihan mo ba?” Malawak akong ngumiti at tumango. “Opo, Tay.” Sagot ko. “Huwag ka nang sumama sa palengke ngayon, magpahinga ka para sa lakad mo mamaya.” Ngumiti ulit ako at tumango, tapos ay nilingon ko si Lando. “I-text mo sa akin ang address, Lando. Pupunta ako.” Saad ko. “Opo, ate. Kakausapin ko iyong tropa ko mamaya.” Hindi na ako sumagot. Nagpasya akong bumalik na sa kwarto ko para makapagpahinga pa. Kailangan ay presentable ako mamaya para mas malaki ang tiyansa na makuha ako sa trabaho. Hindi naman ako nahirapan na magpadating ng antok nang humiga na ako ulit sa kama ko dahil inaantok pa talaga ako kaninang magising ako. Nang magising ako ulit ay alas siete na ng umaga. Agad akong tumayo para makaligo ulit tapos ay nagbihis na. I took out a semi-formal white dress from my drawer to wear, and I matched it with a silver flat doll shoes. Isa ito sa iilang bestida na matagal na sa akin at madalang ko lang isuot, madalas ay kung may okasyon lang o kung hindi kaya ay kapag may importanteng lakad. I didn’t put any makeup on my face, it’s not my thing. I just applied a face powder and a lip gloss and I’m good to go. Kinuha ko iyong handbag ko at ang portfolio na may lamang mga nakahandang requirements at resume, tapos ay tumingin sa cellphone ko. Napangiti ako kasi may text si Lando, ang laman no’n ay ang address ng sinasabi niyang tinatayong kompanya. Hindi ko naitanong sa kanya kung anong klaseng kompanya ang papasukan ko kung sakali, siguro ay tatanungin ko na lang ang kung sino mang mag-iinterview sa akin mamaya. Pagkalabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Nanay sa sala habang nanunuod ng telebisyon, napangiti siya nang makita ako. “Ang ganda naman ng anak ko, kumain ka na ng agahan. Tiyak akong makukuha mo ang trabaho.” Marahan akong natawa sa sinabi niya. “Sana nga po, Nay. Excited na po ako.” Sagot ko at agad na dumiretso sa kusina. May nakahandang sinangag sa mesa, may pritong itlog at hotdog din na ulam. Hindi naman ako nagsayang ng oras at kumain na agad. Nang matapos ay agad akong nagmano at nagpaalam kay Nanay. Nang lumabas ako mula sa bahay ay naglakad pa ako ng halos limang minuto papunta sa kanto kung saan pwede akong maghintay ng jeep. Nang makasakay na ako ay hindi ko maiwasang isipin si Leon. Kumusta na kaya siya? Isa ito sa mga bagay na ayaw ko. Palagi ko siyang naiisip kapag tahimik ako. Kaya madalas ay binabaling ko sa ibang bagay o tao ang atensiyon ko kasi ayoko nang maalala ang mga nangyari. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya, kung tutuusin ay sobrang saya ko pa nga kasi bukod sa nabigyan ako ng pagkakataon na makakilala ng isang maganda at mabait na pamilya ay nakatulong din iyon para sa surgery ni Nanay. Ayoko lang talaga na naaalala siya dahil ayoko ring maalala ang nararamdaman ko para sa kanya. For the past few months, I tried my best to forget him. Kahit na alam kong imposibleng makalimutan ko siya, akala ko nga ay mabilis kong makakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya pero ang hirap pala. Kasi sa tuwing naalala ko siya, naaalala ko rin iyong Leon na nakilala ko. Iyong Leon na mapagmahal at mabuting tao. Sa mga oras na ito, sa tingin ko ay nasa maayos na siyang kalagayan. Bumalik na ba si Astrid? Masaya na kaya silang magkasama ngayon? Ang ideya na nagkabalikan na sila ay parang punyal na tumutusok sa dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam na masaktan kahit na walang karapatan, ano? Iyong tipong wala kang ibang magawa kung hindi ang itago lang ang lahat sa sarili mo. I sighed heavily and shook his thought off my mind. Thinking about him after all this time gets me nowhere. Hindi niya ako kilala. Ni hindi nga niya alam na may isang Precy Dulay na nag-eexist sa mundo, kaya hindi ko na rin dapat siya isipin pa. Pero kahit na anong pilit ko na sabihan ang sarili ko na huwag na siyang isipin ay hindi ko magawa? Nang makarating na ako sa bayan ay agad akong pumara at bumaba sa jeep na sinakyan ko, tapos ay naglakad ako ng ilang minuto bago narating ang address na binigay ni Lando sa akin kanina. I think it’s legit because there are really construction workers working on the area. Medyo malaki ang lupa, kaya mukhang malaki nga ang business na itatayo rito. “Ah, manong, magandang umaga po. Saan po pwedeng mag-apply?” Tawag at tanong ko sa isang lalaki na medyo may edad na, mukhang nagtratrabaho rin siya bilang construction worker dito. “Pasok ka sa building na ‘yan, Miss.” Itinuro niya ang katabing building ng bakanteng lote kung saan sila nagtatrabaho. “Sige po, salamat!” Nakangiting sagot ko at naglakad na papunta sa building. Pagkapasok ko ay bahagya akong nagulat kasi ang daming tao sa loob. Marami ring babae, karamihan sa kanila ay matatangkad, magaganda at mukhang matataas ang pinag-aralan kaya bahagya akong kinabahan. “Mag-aaply ka, Miss?” Tanong guard sa akin, ngumiti naman ako at marahang tumango. “Opo.” Magalang na sagot ko. “Anong aapplyan mo?” Tanong ulit niya. “Secretary po.” Marahan siyang tumango. “Akin na ang resume mo, ako ang mag-aabot sa loob tapos maupo ka muna. Hintayin mong tawagin ang pangalan mo para sa interview.” Agad ko namang binuksan ang hawak kong portfolio at naglabas ng isang resume at inabot ito sa kanya, saglit niyang tinignan ito bago tumingin ulit sa akin. “Dalawang taon sa kolehiyo, sigurado ka Miss na sekretarya ang aapplyan mo? Maraming nag-aapply na sekretarya, ang iba ay nakatapos ng apat na taon sa kolehiyo, ang iba ay nakapag-masteral pa.” Napangiwi ako sa sinabi niya. “Ano po ba ang iba pa na pwedeng applyan?” Tanong ko. “Okay na sige, kahit naman na hindi ka qualified sa posisyon kung sakaling magustuhan ka ng boss ay bibigyan ka ng ibang trabaho lalo pa at kailangan talaga nila ng mga tao.” Ngumiti ulit ako at marahang tumango. Naglakad na siya papasok sa loob ng isang silid para siguro dalhin ang resume ko sa boss, ako naman ay nagpasyang maupo muna. Sigurado naman ako na matagal pa ako dahil masyadong marami ang mga tao rito. “I’m looking for Precy Dulay.” Hindi pa ako nakakaupo nang may tumawag na sa pangalan ko, nagtaka ako dahil doon. Maging iyong mga taong nauna sa akin ay kumunot ang noo at tinignan ako nang dahan dahan akong naglakad palapit sa babae. “Ako po iyon.” Ngumiti siya sa akin at marahang tumango. “Come inside.” Saad niya tapos ay siya ang lumabas. Mas lalo akong kinabahan nang pumasok na ako sa loob ng silid. May nakita akong lalaki na nakaupo sa isang swivel chair pero nakatalikod at nakaharap sa bintana. “G-Good morning po, ako po si Precy Dulay.” Magalang na saad ko. Unti-unting umikot at lumingon sa akin iyong lalaki at literal na nalaglag ang panga ko nang makita si Leon. Para akong nag-ugat sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. “Have a seat.” Kahit na kinakabahan ay pilit akong naglakad papunta sa silya na nasa harap ng mesa niya at umupo. “You don’t have a college degree, how can you be so confident in applying as my secretary?” Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. “Uhm, sir—” “You’re hired.” Hindi pa ako tapos magsalita ay sinabi na niya, nagulat naman ako. “P-Po?” Ngumisi siya sa akin. “Hindi ko na pala kailangang maghanap, I feel like the world is on my side this time.” Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. “P-Po?” Naguguluhan ulit na tanong ko. “Let’s just say that…” he trailed off, “I want to know my fake wife more.” He said, and he even licked his lower lip without even removing the grin that’s plastered on it. Putspa! Alam niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD