INILIBOT NAMAN KAMI NI MANG FRED SA RESORT. Ang ganda. Sobra talaga akong namangha sa nakita ko. May tatlong malalaking swimming pool kasi, tapos ay presko pa dahil maraming mga matatas na puno sa paligid. Sa bandang likod naman ay may ilog at may mga cottages din doon. Kahit na ang ilog ay halatang inaalagaan kasi sobrang linaw at linis ng tubig. Kasalukuyan naman kaming nakaupo ngayon sa terrace ng isang villa kung saan pansamantalang tumutuloy si Mang Fred. “So, sa inyo po ang resort na ito?” tanong ni Leon. May tatlong baso ng juice sa lamisita na para sa amin at may tatlong slice din ng cake. “Hindi, Leon, sa kapatid ko ito na nasa Canada, ako lang ang namamahala,” sagot naman niya kaya marahan akong tumango. “Maraming tao ang pumupunta rito bawat araw kahit pa medyo may kalayuan