CHAPTER SIX

1215 Words
"Hello," nagtatakang wika ni Lovelyn kung sino ang tumatawag na gamit ang unknown number. Hindi niya ugali ang magbigay ng phone number kahit pa sa mga lalaking nagbibigay ng motibo sa kanya. Limitado ang binibigyan niya ng number tanging ang pinsan na si Henry at bestfriend niya ang mayroon nito, kasama rin pala ang Yaya niya na may alam sa number niya. "Yes, sino ka ba?!" pasinghal na sagot ni Lovelyn sa kausap. Pakiwari niya pinakikinggan siya nito. "Sweetheart naman hindi mo na kilala ang future mo! At maniningil na ako ng atraso," saad nito na seryoso ang boses. "Ako nga 'wag mong echosen ha?! at kung maghahanap ka ng phonepal 'wag ako dahil wala sa vocabulary ko ang ganitong walang k'wentang bagay!" aniya sa kabilang linya. Narinig niyang tumikhim ito. "Nakalimutan mo ba ako sweetheart? May atraso ka pang babayaran sa 'kin," paalala nito nanlaki ang mata ni Lovelyn ng masino ito si Wyatt, lang pala. "Ay wait iba rin natatandaan ang name," kausap pa niya sa sarili. "Eh, sa hindi ako makakalimutin," segunda pang bulong ni Lovelyn. "Hoy! Lalaki anong atraso ko sayo? Anong utang 'yang pinagsasabi mo ano ka 5'6?!" mataray na sagot ni Lovelyn rito. "Ang pandak ko naman niyan heart kung iyan lang ang height ko. Six footer to baka akala mo," tunong panunukso nito. "Piloso ang gago," bulong pa ni Lovelyn subalit narinig pala siya nito. "Sabi mo five six kaya sinabi ko lang ang totoo hindi mo naman sinabi na ang utang mo pala," nakatawa nitong sabi pero agad naman tumikhim at naging seryoso ang boses. "Now makinig ka heart magkita tayo ngayon-" hindi pinatapos ni Lovelyn ang sinasabi nito. Subalit may dugtong ulit ang salita nito. "Aantyin kita dito sa restaurant mo may mahalaga akong sasabihin sa'yo. Kung hindi ka dumating siguro sa bahay n'yo ako pupunta at mabilis siyang pinatayan ng tawag," Nagpupuyos sa inis si Lovelyn the nerve ugh! Makikita nito ako pa ang pagbabantaan niya like duh! Ako yata ang pinaka brat sa lahat ng pasaway. Nang makapag-isip si Lovelyn bumangon siya sa kama at nagpasya makipagkita sa baliw na lalaking 'yon. "Baliw pero makikipagkita?," Sagot din niya sa sariling tanong. "Eh, malay ko kung totohanin na pupunta dito sa bahay 'di yari ako kay Dad. Maganda ng manigurado," ani pa ng kan'yang isip. Skinny jeans at crop top blouse lamang ang suot niya ito ang favorite niyang araw-araw na suot at tanging lip gloss lang ang inilalagay sa labi at hindi na nag-abalang maglagay ng ibang kolorete sa katawan maliban sa relo at stud earrings na bigay ng namayapang Ina, wala na siyang ibang alahas na suot. Pagbaba galing taas hinanap ni Lovelyn ang ama at gusto niyang magpaalam dito ngunit Yaya, lang niya ang nakita at ibang mga kasambahay. Nilapitan ni Lovelyn ang Yaya niya at dito na lang ngpaalaam. "Ya. Alis po muna ako pakisabi kay Dad sa restaurant lang ako." sabay halik sa pisngi nito na nakasanayan niya simula ng bata pa siya. "Aba'y kakarating mo lang lalayas ka kaagad?" sagot sa kanya ng Yaya niya. She chuckled. "Ya parang hindi mo alam na gala itong alaga mo. Sige na po babalik ako kaagad," nag ba-bye siya at hindi na inantay na masermunan siya nito. Pagkalabas ng sasakayan sa garahe ay mabilis na lumulan si Lovelyn, sa driver seat at minaneho kaagad ang kotse. Sumaludo pa siya sa nakatalagang guwardiya bago lumabas ng gate. Nang makarating siya sa kan'yang restaurant sinalubong kaagad siya ng guwardiya upang alalayan sa pag-park ng kan'ya sasakayan. "Kuya Rowel salamat po," ani ni Lovelyn nang maayos niyang maiparada ang kan'yang kotse. "Wala hong anuman Ma'am ganda," "Kaya favorite ko po kayo Kuya at palagi n'yo ako pinasasaya," pagbibiro pa ni Lovelyn, na pareho nilang ikinatawa. Nauna si Lovelyn na pumasok sa loob ng restaurant. Iginala niya ang paningin maraming tao ang kumakain. Nang makita siya ng Isa niyang waitress ay binati siya na tinanguan lang ni Lovelyn. Ang duty ngayon ay ang kasosyo niyang chef bale tatlo sila nitong may-ari kasama ang bestfriend niya. Mamaya na niya pupuntahan sa kitchen inuna muna ni Lovelyn na lapitan sa hindi kalayuan ang binatang si Wyatt. Hindi siya nito napansin kaya patingin-tingin ito sa relo na nasa kamay. Nakasimangot na nakapatong ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa. Umibis siya sa likuran ng sa gano'n hindi siya agad makita nito. Subalit lumingon ito kaya ang balak niyang gulatin ito ay naudlot dahil nakita na siya nito. Hinanda ni Lovelyn ang kaseryosohan sa mukha habang papalapit sa table nito. Para siyang natutuwa at nangingining ang dalawang tuhod dahil sa matiim na titig nito. "Gosh grabe naman makatitig ito nakakatunaw," ani ng kan'yang isip. Nang nasa tabi na siya nito ay mabilis itong tumayo at ipinaghila siya ng upuan. "T-thank you," sagot niya rito ngunit nanatili siyang nakatayo. Tinitigan siya nito bago magsalita. "Mabuti at pumunta ka heart," maiksing sagot nito. Sinimangutan ni Lovelyn ang binata. As if naman may choice siya. Ikaw ba naman takutin na pupunta sa bahay at ipapaalam sa ama ang katangahan niya aba sino ba ang hindi magkukumahog na siputin ang epal na ito. "H'wag kang feeling close kung hindi ka nagbanta baka wala ako rito. Kaya umpisahan mo na 'yang sasabihin mo at naiinip ako," irap pa niya rito. Ngumisi ito sa kanya at sandaling napatulala si Lovelyn sa ganda ng ngipin nito. At nabaling ang titig niya sa mata. Napakunot noo si Lovelyn, dahil tila nakita na niya ang mata na 'yon hindi lang niya mawari kung saan at kailan. Subalit ipinagsawalang bahala ito ni Lovelyn at alam niyang maraming magkakapareho ang mata. "Umupo ka muna heart," utos nito sa kan'ya. nakipagpaligsahan siya ng tingin dito ngunit siya rin ang unang nagbawi. Padabog siyang umupo upang ipakita sa lalaki na hindi siya sang-ayon sa mga utos nito. Tatawag sana ito ng waiter ng pigilan ni Lovelyn ang binata. "Hindi na Mister parang magtatagal tayo niyan," angal niya pa rito. Napailing ito at hindi na nakareklamo. Pagkuwan ay tumikhim ito bago magsalita. "Gusto kong magpanggap tayong magkasintahan mula sa araw na ito," balewalang sabi nito sa kan'ya. Nanlaki ang mata ni Lovelyn sa walang kwentang sinabi nito. "What?! pakiulit nga ako sa sinabi mo!" hindi makapaniwala na wika ni Lovelyn. "Yes, you heard me right. I don't accept no for your answer," kampante na sagot nito sa kan'ya at tamad na nakatitig sa kan'yang mata. Nag-init ang ulo ni Lovelyn, sa sinabi ng binata. Ano 'to isang laro. Hindi pa nga siya nagka jowa tapos ngayon itong lalaking ito gusto siyang jowain. Ano siya swerte naman. "Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo. Bakit naman ako makikipagrelasyon sa'yo e, hindi nga tayo magkakilala!" "Wyatt Santillan. guwapo mabango-" Pinigilan ito ni Lovelyn. "Who cares? Sa kayabangan mo basta hindi ko tinatanggap," pagkatapos ay tumayo na siya sa kinauupuan at iniwan ang binata. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay nagsalita ang binata. "Bibigyan kita hanggang bukas na palugit, at that time kailangan ko ang sagot mo or else alam mo ang mangyayari," malumanay na wika nito subalit na ando'n ang pagbabanta. Napakuyom sa kamay si Lovelyn at malalim na huminga. Kapagkuwan ay lumingon at masamang tumingin sa binata. "Bahala ka sa buhay mo!" iyon lang at nag walk out na siya sa lamesang kinauupuan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD