CHAPTER FOUR

1471 Words
Maaga pa lamang ay gising na si Lovelyn. Ngayon araw ang catering niya sa gaganapin na birthday ng anak ng pinsang si Henry kaya pagkatapos mag-ayos ay bumaba siya ng kwarto at deritso sa kusina upang mag kape man lang. "Yaya, kape lng po nagmamadali po ako ngayon," wika niya sa kanyang Yaya na naghahanda para sa almusal. Nang maubos niya ito ay mabilis na humalik si Lovelyn sa kanyang Yaya at malalaking hakbang na palabas ng bahay. Kailangan maaga pa lang ay nasa restaurant na siya dahil alas- tres ang birthday ng kambal na anak ng pinsang si Henry. Matatapos naman nila ang pagluluto dahil dalawa naman silang chef sa kanya restaurant. Sakto alas-syete ng umaga ay nasa restaurant na siya. Binati siya ng pang-umagang nakaduty na gwardiya. Dumating na rin ay apat niyang makakasama sa pagluluto. Hindi kasi 24 hours ang restaurant niya hangang alas dose lang to ng gabi. Pinagtuka tuka niya ang gawain. Laking pasalamat niya ay wala pang alas-onse ng tanghali ay tapos na nilang lahat ang mga putahi. Inayos nila iyon at kinarga sa service van. Pagkatapos maikarga ay umalis na sila patungo sa bahay ng pinsan. Hindi naman sila natagalan sa biyahe kaya naayos nila agad sa mansyon ang mga pagkain. Nakipag-kwentuhan pa siya sa asawa ng pinsan na si Lynelle habang wala pa ang emcee ng party. Nang mag-umpisa na ang party ay nakakatuwa ang mga anak ng pinsan si Henry dahil ang babait na bata. Samantala sa di kalayuan ay nagsidatingan ang mga bisita ng pinsan si Henry kaya nag-paalam si Lynelle sa kanya na pupuntahan na muna ang bagong dating na mga bisita. Gusto siyang isama ngunit tinanggihan niya ito. Ang iingay kaya hindi siya sumama. Napakunot noo siya ng mag ring ang phone niya na nasa shouderbag. "Hello," wika niya. Lumayo siya upang maintindihan niya ang sinasabi ng kabilang linya. Napahawak siya sa bibig dahil sa balita ng ng inu-upahan niyang imbistigador may nakuha raw itong lead sa matagal na niyang pinahahanap ang dahilan ng away nila ng ama. Masaya siya dahil may progress na ilang years niyang pagbabakasakali sa nangyari noon. Na hanggang ngayon ay tanda pa rin niya hindi maiwasan ni Lovelyn ang magbalik tanaw sa nangyari ilang taon na ang nakakaraan. "Surprised!" wika ng mommy ni Lovelyn paglabas niya ng kanilang bahay. "Omg..., is this for real Mommy?" hindi makapaniwala na tanong niya sa Ina. "M-may bago po akong motorcycle?" tanong niya ulit sa Ina at larawan nang saya sa kanyang magandang mukha. "U, huh!" tango nito at masayang ngumiti dahil sa nakitang kasiyahan sa mukha ng anak. "Of course naman, dahil birthday ng nag-iisang Princess ko. Hindi ko makakalimutan ang matagal mo nang nakalista sa wish list sa birthday mo," nakangiting sabi ng Mommy niya. Emosyonal na tumakbo at yumakap siya sa Ina. "I love you Mommy, thank you so much! You are the best in whole universe," sabi niya habang nakasobsob sa dibdib ng ina. "Always welcome, and I love you more baby, always remember that okay! Kaya, hindi mo na kailangan mambola," nakangiting sabi ng Mommy niya at marahang nakahaplos sa mahaba niyang buhok. Nilapitan niya ang bagong model ng Ducati na tanging bilyonaryo lamang ang kayang bumili nito. Nagkakahalaga ito ng mahigit isang million pesos. Luho kung maituturing sa lahat, ngunit sa katulad niyang nag-iisang anak ng mayamang negosyante ay madali niyang nakukuha, lalo pa at sa katulad nilang may mga negosyo ng motor parts sa buong bansa. Nakahiligan niya mula pagkabata ang pagmamaneho ng iba't-ibang uri ng sasakyan. Nakalahok na rin siya nang competition na kung saan ay tinanghal siyang champion. Dahil wala siyang itinatago at turingan ay parang magkapatid kaya kahit secret ang gusto niyang regalo ay accidentally niya itong nasabi. Na siyang labis na kinatuwa ng kanyang Mama, wala daw sekreto sa kanya at kaagad nasasabi sa iba. Masaya niyang hinaplos ang nakaparadang motor sa kanyang harapan, halos halikan at yakapin na niya ito. Tumingin siya sa ina at nang hingi ng permiso. "Mommy, pwede po i-try ko please," pa cute niyang paalam sa kanyang Mama. Mahinang tumawa ang kaniyang Mama at tiningnan ang wrist watch. "Sure baby, pero it's already Five o'clock, mamaya lang darating si Dad mo may celebration tayo ng Ala-sais. Parating na rin ang mga Tita at Tito mo, ganoon din ang mga pinsan mo," mahabang sagot ng kanyang ina. "Babalik po tayo kaagad Mom, kung gusto mo po samahan mo ako Mommy, para sigurado na babalik tayo kaagad, please po?" pakiusap niya sa ina. "Sige na nga pero sandali lang tayo ah! At masasabon tayo pareho ng 'yong Daddy paghindi tayo abutan pagkadating nila." Sagot ng kaniyang Ina. Tuwang-tuwa si Lovelyn sa pagpayag ng Ina, dahil malapit lang sila sa overlooking doon niya dinala ang bagong motor na angkas ang Ina. Samantala sa hindi kalayuan ay mayroon kotse na mga lasing ang sakay. Nasa dalawampu ang mga edad, apat ang sakay sa loob. "Dude bagalan mo ang pagmaneho at nasa zigzag tayo at malapit din sa mataas na lugar," saway ng isang lalaki sa kanilang tatlong kasama. "Ano kaba dude?! Ang killjoy mo! Sa babae ka lang 'ata magaling at matapang," wika ng lalaking nasa manibela at binilisan lalo ang pagmaneho ng sasakyan. "s**t! Malalagot ako nito kay erpat sa kalokohan namin," sukat ba naman nag- party sa bahay ng classmate niya kahit oras ng pasok nila sa eskwelahan. Graduating siya ng civil engineering sa taon na ito. Mga barkada niya sa university na kapwa anak ng mayayaman ang kasama sa loob kotse. Sigawan at hiyawan ang mga kasama niya sa loob ng sasakyan samantala siya ay kinakabahan na hindi niya matukoy. Nang biglang pagliko ng sasakyan ay may naka-motorcycle na parehong babae ang sakay, sa pakiwari niya ay nasa Labing-anim ang edad ng babae na nasa manibela at masayang nakikipagtawanan sa kanyang angkas. "s**t! Pare bagalan mo at malapit na tayo sa bangin!!" Malakas na sigaw niya sa may hawak sa manibela. "f**k! Dude, bagalan mo!" muli kong sigaw dahil walang balak na makinig sa kanya. Noong una naiiwasan namin ang mga nakakasalubong na kotse kahit mabilis ang kanyang patakbo. Ito ang sinasabi ng kanyang Ama na bad influence ang kanyang barkada. Dahil madalas silang masangkot sa gulo. Pero hangga't maaari ay hindi siya gumagaya sa mga ito kahit nga ba minsan ay asar na ang mga ito sa kanya. Nang ang sinusundan namin na motorcycle ay tila mabagal lang ang patakbo, dahil paliku-liko ang daan 'yon ang hindi napaghandaan ng nasa driver malakas ang pagbangga ng motor at tumilapon ang dalawang sakay na babae sa kalsada. Nawala ang kalasingan nila dahil sa nangyari. Kita niya na duguan ang dalawang babae na nakahandusay sa kalsada. Sapilitan niyang binuksan ang pinto kahit alam niya na pwede niyang ikamatay kapag natapat siyang mahulog sa bangin. Napaigik siya sa sakit ng katawan dahil sa pagbagsak ay may tumama sa kanyang likuran. Ngunit hindi niya pinansin ito. Kinurap niya ang mga mata ng may dugong umagos sa gilid ng kanyang kilay. Pinilit niyang gumapang paakyat sa kalsada. Mabuti nalamang at mababa ang binagsakan niya. Nakita niya ang dalagitang umiiyak na hawak ang ulo ng babaeng mas matanda dito. "M-mommy, please don't die..., sorry po at pinilit kitang isama," wika nito sa pagitan nang iyak. Duguan din ang mukha nito. Pinilit ko silang lapitan. Ang mga kasama niya ay mabilis na pinaharorot ang sasakyan palayo sa pinangyarihan ng aksidente. "M-mommy no...! may mag-rescue po sa 'yo kaya don't sleep please..!" Malakas na iyak nito. Kahit nanlalabo ang kanyang paningin ay kita niya ang maamo nitong mukha kahit puno ng dugo ang damit maging sa kanyang pisngi. Parang hinihiwa ang puso n'ya sa naririnig nitong pag-iyak. Kulang ang sakit na kanyang natamo sa nakikita n'yang paghihirap ng dalagita. Pinilit n'yang manghingi ng tulong kahit hirap lumakad. "s**t! Bakit ang tagal naman dumating ng mga rescue team!" nawawalan ng pagasa na sabi nito. Patuloy ang pag-iyak ng dalagita na hawak ang Ina at nakapatong ang ulo sa hita nito. Nang dumating ang rescue team, kahit hinang hina ang pakiramdam ay kaagad niyang sinakay sa sasakyan ang Ina ng dalagita. Sa kabila ng aksidente umaasa s'yang sulyapan kahit saglit ng walang tigil na iyak ng dalagita. "B-baby, lagi mo tatandaan m-mahal na m-mahal ka ni Mommy, p-palagi kang magiingat," hirap nitong bigkas. "Hu 'wag na po kayo magsalita Mommy, malapit na tayo sa ospital.?" Pakiusap ng dalagita na hindi bumibitaw sa kamay ng Ina. Dahil natagalan ang pagdating ng rescue team at masyadong malaki ang pinsalang natamo ng ginang sa pagbagsak ng ulo sa batuhan ay maraming dugo ang nawala dito. Ramdam niya 'yon ng buhatin niya ang ginang halos lantang gulay na ang mga binti at balikat nito. Pagkadating sa ospital sakto lang na binawian ito ng buhay. "Mommy... please gumising po kayo...!" hagulgol nito. "Mommyy...!!!" Malakas na sigaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD