Tahimik lang ako buong dinner. Hindi ako nagsasalita kahit nag-uusap sila at lalong hindi ako lumilingon sa side ni Six. Nang matapos naman kami ay dumiretso ako ng akyat sa kwarto ko. Alam kong mula nang dumating si Six kanina mula sa hacienda ay nakasunod ang mga mata niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Umalis kasi ulit siya noong nabasag niya ang base kanina na parang wala lang. Tapos pag-uwi niya hindi ko na siya pinapansin/ Wala lang, ayoko lang siyang pansinin saka may anak naman siya ng mayor na nagpapapansin sa kaniya kaya doon na siya. Tapos bukas a-attend sila ng party sa bahay ng mga ito kaya magkikita ulit sila. Kumibot ang bibig ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa isipang iyon. Ipinilig ko ang ulo ko at nagsimulang hubarin ang damit na suot ko. Mas mabuti pan