Arietta's POV HINDI ko mapigilang mapaatras nang sabihin niya sa akin 'yon. Kahit siya ay nagulat sa naging reaksyon ko. Paano niya nalaman? Kailan pa? "Arietta," tawag niya sa pangalan ko. Pinilit kong tumawa sa harapan niya para hindi siya masyadong makahalata, pero mukhang huli na. "Zeina, nagbibiro ka ba? Si Reed kapatid ko? Hindi nga kami magkamukha. Isa pa ay sikat siya kaya imposible naman 'yang sinasabi mo." "Nakita ko kayo kanina sa harap ng office ni Miss Perez at hindi ako nagkakamali sa narinig ko. Arietta, you called him Kuya Reed." Napatigil ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Tinawag ko siyang Kuya Reed dahil mas matanda siya sa akin at kailangan kong magpakita ng respeto. Magkaibigan lang kaming dalawa, Zeina,” pagdadahilan ko. Umiling naman