Arietta's POV HINDI ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. Bigla na lang akong umalis sa harapan ni Steven. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya pati si Kuya Reed ay nagtaka sa naging reaksyon ko nang makita niya akong mabilis na pumunta sa kuwarto ko. Narinig ko pang sinigawan niya si Steven kung anong nangyari at kung anong ginawa nito sa akin. Gusto ko sanang bumaba at magpaliwanag sa naging aksyon ko, pero hindi ko magawa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na pinaalis na ni Kuya Reed 'yong mga kaibigan niya. Nasira ko pa ang bonding nila. Ang gusto ko lang naman ay mag-walk out at mag-isip kung anong sasabihin ko sa kaniya kapag nagkita ulit kami bilang Arietta, lalo na at nalaman kong nahuhulog na pala siya sa akin. Kinabukasan ay nagising ako na sobrang sakit ng ulo k