Chapter 3

2198 Words
Arietta's POV ANO kaya ang ginagawa niya rito? Mabuti na lang at tulog siya kaya malaya pa rin akong nakagagalaw. Tinignan ko naman siya nang mabuti. Mukhang masarap ang tulog niya at hindi man lang niya alam na nandito pala ako sa harapan niya. Okay naman siya kapag tulog. Parang napakabait ng mukha niya hindi katulad kanina sa room na parang kakainin niya na ako ng buhay. Napapikit naman ako nang biglang umihip ang malakas na hangin. Sobrang sarap naman sa pakiramdam ng hangin na iyon. Napadilat ako at napatingin sa kaniya. Mukhang masarap talaga ang tulog niya dahil hindi siya nagigising. Nakita ko naman 'yong ilang buhok niya na nilipad papunta sa mata nito. Panigurado akong hangin ang dahilan no'n. Tatanggalin ko sana nang makita kong napadilat siya at diretsong nakatingin sa akin. Huli na bago ako makaiwas. "What are you doing, lady?" malalim na boses na tanong niya. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Ilang segundo pa akong nakatingin ng diretso sa kaniya bago ko iniwas ang tingin. "Y-Yong buhok mo," kinakabahang dahilan ko. Napaatras naman ako nang tumayo siya. "Tsk," maikling sagot niya lang at 'saka naglakad palayo sa akin. Pero parang may pumipigil sa akin na huwag siyang paalisin kaya pikit matang tinawag ko siya. "Jaypee!" tawag ko sa pangalan niya. Napahinto naman siya pero nakatalikod pa rin ito sa akin. "Ano kasi," kinakabahang pagsisimula ko. Paano ko ba sasabihin 'yong gusto kong tanungin sa kaniya? Baka naman mapahiya lang ako sa huli. "Puwede bang makipag-kaibigan?" nahihiyang tanong ko. Napalingon naman siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit ayon ang tinanong ko. Siguro napansin ko na siya lang 'yong taong walang interes sa buhay. Sino nga naman ba ako? Hindi naman ako kagandahan katulad ng mga babaeng nakakasalamuha niya. "Ayoko!" maikli at may diing sagot niya, ‘saka ito naglakad palayo sa akin. Wow! Direct to the point. Wala man lang explanation kung bakit. Napanguso na lang ako. Mukhang tama nga si Kuya Reed na hindi ka papansinin ng lalaking 'yon unless maganda ka. Okay lang 'yan, Arietta. First day mo pa lang naman ngayon. Makakahanap ka rin ng magiging kaibigan mo. Iyong totoong kaibigan. Iniligpit ko na lang ang gamit na pinagkainan ko at dinala ito sa cafeteria bago ako bumalik sa room ko. Mabilis na natapos ang klase at masasabi kong success ang unang araw ko ngayon. Hindi man ako nagkaroon ng kaibigan, pero at least walang nagtapon ng spaghetti at nagbuhos ng malagkit na juice sa katawan ko. Mas okay na iyon, compared sa mga bully. It will be easier and safer for me to enter this school kung ganito lang ang mangyayari sa araw-araw. I immediately arrange my things nang matapos ang klase. Pasimpleng nag-text din ako kay Kuya Reed kanina na hindi na ako sasabay sa kaniya pauwi at sinabing magco-commute na lang. Alam kong hindi siya papayag sa gusto ko kaya hindi na rin ako nag-reply sa kaniya. Mas mabuti kung tatakas na lang ako. Sanay na rin naman akong mag-commute. Noong hindi pa ako nag-aaral dito ay mas madalas kong ginagawa iyon kapag hindi ako nasusundo nina Daddy. Katulad ni Kuya Reed ay hindi rin sila payag sa mga nagiging desisyon ko, pero wala na silang magawa. Palagi ko kasing dinadahilan na wala namang nangyayaring masama sa akin at safe naman ang pag-uwi ko. Pero hindi pa rin sila kumbinsido. Tanggap ko naman iyon dahil nag-aalala sila sa kaligtasan ko. Nang makita ko si Kuya Reed na busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nito ay nagmadali akong lumabas sa classroom. Mas okay na kung mauuna ako sa kaniya. "Where's the girl beside me?" Narinig ko pang tanong niya sa kaibigan nang makalabas ako sa silid. Hindi ko na pinakinggan ang huling sinabi niya at umalis na ako sa lugar na iyon. Matagumpay naman akong nakaalis sa building, pero hindi pa ako naglalakad paabante nang marinig ang pangalan ko na siyang ikinatigil ko. "I don't like her. Unang araw pa lang niya masyado na siyang pabida." "Anong gusto mong gawin ko sa kaniya?" tanong ng kausap niya. Boses lalaki ito. "Just don't mind her. I will look at her for now." Bigla naman akong nakahinga sa sinabi ng babae. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang mga taong 'yon at 'saka umalis na sa lugar na 'yon. Mabuti na lang at mabilis lang akong nakasakay sa bus. Walang masyadong pasahero at walang traffic. Paniguradong mas mabilis lang akong makakauwi nito. Pagdating ko sa bahay namin ay nakahinga ako nang maluwag. Wala pa ang sasakyan ni Kuya Reed. Naunahan ko pa siyang makauwi rito kasi paniguradong yari na naman ako sa kaniya. Nagulat pa nga si Manong guard nang makita ako sa labas ng gate. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat nang buksan niya ang gate para papasukin ako. Mabilis din akong sinalubong ng mga maids at bumati kasabay ng pagkuha ng isa sa kanila ng gamit ko. Pagkarating ko sa may sala ay laking gulat ko na nandoon silang tatlo. Si Mimi, si Dada at ang kambal ko. Nakatayo habang nakatingin ng diretso sa akin. "Oh no!" bulong ko sa sarili ko. Nagpa-panic ako at hindi ko alam ang gagawin ko. "You are doing it again, Arietta!" galit na sabi ni Kuya Reed. Napayuko na lang ako. Paanong nandito siya, pero wala ang sasakyan niya? "Lumapit ka rito, Arietta," utos ni Dada kaya sumunod ako. Takot ko lang sa kaniya dahil masyado pa naman siyang strict kapag nagagalit. Ayoko nang maulit 'yong nangyari dati noong gumawa kami ng kalokohan ni Kuya Reed. Grabe 'yong pagparusa niya sa amin. Naranasan kong lumuhod sa asin at mapalo ng belt niya. Hindi pa sana niya kami patatayuin nang makita niyang dumudugo na 'yong tuhod ko. After no'n ay hindi ko na talaga inulit. Mabuti nga at isang beses lang nangyari 'yon sa amin ni Kuya Reed. Si Mimi naman kapag nagagalit o naiinis bigla na lang nangungurot at iyon ang pinakaayaw ko, lalo na ni Kuya Reed. Pero hindi naman ako puwedeng magalit sa ginawa ni Mimi dahil in the first place kasalanan ko naman din 'yon. "Ilang beses ba naming ipapaalala sa iyo na bawal kang mag-commute?" galit na tanong ni Mimi sa akin. Matatalim ang tingin ang pinupukol nito sa akin. "Mimi, baka kasi makita ng mga ka-schoolmate ko po na magkasama kami ni Kuya Reed," paliwanag ko. "Valid reason ba iyon, Arietta? Ano naman kung makita kayong dalawa? Magkapatid naman kayo!" may diing sagot ni Mimi at mukhang naiinis na siya sa mga dahilan ko. "That's the reason po, Mimi. Ayokong malaman nila na magkapatid kami ni Kuya Reed. Ayoko pong lumapit sila sa akin dahil may kailangan sila sa kambal ko. Sikat po si Kuya Reed sa School. Mimi, alam niyo naman pong ayoko sa gano'n. Hindi ko nga po pinapaalam na ako ang may-ari ng school na 'yon.” Napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano pa ang gagawin para mapapayag sila. Sana sa paraan ko ng pangungumbinsi ay matanggap naman nila ‘yon. “Please, Mimi, Dada, and Kuya, pumayag na kayo na mag-commute na lang ako. Marunong naman po ako, eh. Hindi ko po pababayaan 'yong sarili ko. Sige na, Mi and Da," pangungumbinsi ko sa kanila. "Okay," sagot ni Dada kaya napatingin ako sa kaniya. Did he say okay? Ilang beses pa akong napakurap bago ako lumapit kay Dada at mahigpit siyang niyakap. "Thank you po!" sagot ko at hinalikan si Dada sa kanang pisngi. "What? No! Francis, naman! Hindi puwedeng mag-commute si Arietta. It's either sasabay siya sa Kuya niya o ipapahatid ko siya!" sagot naman ni Mimi at masamang tinignan si Dada. Napahiwalay naman ako sa yakap kay Dada. Sabi ko na nga ba at hindi siya papayag. "Malaki na siya at sa tingin ko kaya niya namang protektahan ang sarili niya." "She's just a girl, Dad!" sagot naman ni Kuya Reed. "I know Reed but think of it. Ayaw rin ng Mommy mo na mag-drive ka ng sasakyan but here you are, driving with your own car. Isipin mo rin na gano'n ang nararamdaman ni Arietta noong gusto mong mag-drive pero hindi ka pinapayagan ng Mommy mo." Napabuntong hininga naman si Kuya Reed at wala na siyang nagawa. "Don't worry, baby. I talk with your Mimi later," nakangiting sabi ni Daddy sa akin. "Anyway, we need to prepare. Birthday ng Daddy ni Jaypee and they are inviting us to come, and please wear formal." "I forgot," mabilis na sabi ni Kuya Reed at agad na nagpaalam para umakyat na sa taas. Sa tingin ko ay maghahanda na iyon. Hindi siya puwedeng mawala sa birthday ng Daddy ng kaibigan niya. "Mag-ayos ka na, Arietta," utos ni Mimi. Napatingin naman ako kay Dada. Do I really need to go? "Puwede po bang magpa-iwan na lang ako rito? I'm not into this kind of celebration po," sabi ko sa parents ko. Kahit noon naman ay hindi rin ako sumasama kapag may event. Palagi akong naghahanap ng dahilan para hindi makasama. "No, you need to come. Pinayagan na kita sa gusto mo and as a return you need to come with us," sabi ni Dada kaya wala na akong nagawa. Baka kasi bawiin niya ang pagpayag kanina na mag-commute na lang ako sa pagpasok sa school. "Nasa kama mo na iyong susuotin mo." "Okay po." Pumunta naman ako sa kuwarto ko. Nakita ko roon 'yong above the knee na yellow dress. Hindi ako mahilig sa dress, pero si Dada ang may utos. Ayoko namang suwayin iyon. Saglit akong naligo at pinatuyo ang buhok at 'saka ko sinuot ang dress. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kolorete sa mukha at isinuot ko na lang ang salamin ko sa mata. Palabas na ako ng aking kuwarto nang bigla may mag-sink in sa utak ko. Ang sabi kanina ni Dada ay aalis kami dahil birthday ng Daddy ni Jaypee. Si Jaypee ang kaibigan ni Kuya Reed na classmate ko rin. Hindi niya puwedeng malaman na magkapatid kami ni Reed. Mabilis akong pumunta sa kuwarto ni Mimi. Hindi na ako nag-abala pang kumatok. Nakita kong kakatapos lang ni Mimi na mag-ayos habang si Dada naman ay nakatingin lang sa kaniya. Nagulat naman sila nang makita ako. "May problema ba, Arietta?" tanong ni Dada. "Mimi, tapos na po ba kayo?" tanong ko kay Mimi. "Yeah, why?" "Puwede niyo po ba akong lagyan ng make-up?" Parehas naman silang nagkatinginan sa isa't isa nang sabihin ko 'yon. Kailangan ko lang talaga para hindi ako makilala. "Are you okay, baby?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Dada. Tumango naman ako at naglakad papunta kay Mimi. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umupo na. Alam kong gusto rin ito ni Mimi. Nakita ko pa ang reflection niya sa salamin na nakangiti. Gustong-gusto niya talaga na ayusan ako simula bata pa lang, pero madalas lang talaga akong tumatakas. "Please, make it dense, Mimi." Naguluhan man ay sumunod na lang si Mimi sa gusto ko. After kong maayusan ay nagpasalamat ako sa kanila para lumabas. Nagulat pa nga si Kuya Reed sa itsura ko nang makita ako. "You look so beautiful, baby," sabi ni Dada sa gilid ko. "Manang-mana ka talaga sa Mom mo at mana naman si Reed sa kagwapuhan ko." Nakita ko naman ang pagtawa ni Mimi at Kuya Reed sa kaniya. Minsan lang kasi magsabi si Dada ng ganoon sa amin. "Let's go," Kuya Reed said. Sa isang sasakyan lang kami lahat at si Dada 'yong nagda-drive. Nakita ko pang napapatingin si Kuya Reed at Mimi sa akin. Hindi pa rin siguro sila makapaniwala na nag-ayos ako. Nakarating kami sa isang hotel at sa tingin ko mga mayayaman ang imbitado roon. Isa ang Daddy ni Jaypee sa mga business partner ni Dada. Kung tutuusin sobrang dami niyang partners at alam kong kasama na roon ang mga parents ng kaibigan ni Kuya Reed. Pagkarating namin sa loob ay ramdam ko na ang tensyon. Nakita ko kung paano lingunin ng mga tao ang pagpasok naming pamilya. Lahat ng attention ay napunta sa amin at kahit may ginagawa sila ay napatigil ang mga ito. Marami rin ang nakipagkamay kay Mimi at Dada. Sino ba namang tao ang lalagpasan ang parents ko? Kilala silang dalawa dahil na rin sa marami itong business na pinapatakbo at sa tingin ko lahat ng mga nakipagkamay sa kanila ay na-meet na nila sa negosyo. Bigla akong kinabahan nang lumapit ang pamilya nina Jaypee sa amin. Hindi ko alam kung napapansin ba ako ni Jaypee dahil parang wala itong paki-alam sa akin. Binati niya lang si Kuya Reed at bumalik na naman 'yong walang pakialam na reaksyon niya. "I'm glad you came," sabi ng isang matanda na sa tingin ko ay tatay ni Jaypee. May ilang bagay pa sila na pinag-usapan na hindi ko maintindihan. Pero nang mapadako ang tingin sa akin ng tatay ni Jaypee ay bigla akong kinabahan. "Is that your daughter? Ngayon ko pa lang siya nakita," sabi nito at nginitian ako. "She looks like her mom, beautiful. What's her name?" "Arietta," sagot ni Dada na siyang ikinalingon ko sa kaniya. Kasabay ng paglingon ni Jaypee sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD