Chapter 4

1950 Words
Arietta's POV NAPALINGON naman ako nang marinig ang pangalan ko na sinabi ni Dada. Kasabay nito ay siya ring paglingon ni Jaypee sa akin. "What? Sorry, it's so loud here. I can't hear you." Nakahinga naman ako nang maluwag at hindi ko na hinintay si Daddy na sumagot pa at mabilis akong lumapit sa matanda at inabot ang kamay ko. "It's Rita, Sir," pagpapakilala ko sa sarili. Inabot niya naman ang kamay ko. "I would like to greet you with a happy birthday." "Thank you, iha." "Ouch!" daing ko nang maramdaman ko ang kurot ni Mimi sa aking tagiliran. "What happened, Rita? Are you okay?" Ngumiti naman ako sa tanong nito at hindi pinahalata ang sakit ng kurot ni Mimi sa akin. "Yeah, I'm okay. I think it's an ant that bites me." Mabilis kong nilingon si Mimi sa likuran ko, and I mouthed her not to tell him my real name. Kahit sina Dada at Kuya Reed ay hindi na pinakialaman ang naging desisyon ko. I think they're both know my reasons. "By the way. He's my son Jaypee." Napalingon naman ako sa lalaking nakatingin din sa akin. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang kamay ko. "Rita," pagpapakilala ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at lumakad papunta kay Kuya Reed. Naiwan naman ang kamay ko sa ere. "I'm sorry about his attitude, Rita. He's always like that. Don't mind him." "It's okay, Sir. Baka allergic lang talaga siya sa babae." Napatawa naman ang matanda sa sinabi ko. Bumalik na lang ako sa puwesto ko kanina. Ilang beses pang nag-usap 'yong parents ko at 'yong Daddy ni Jaypee kaya hinayaan ko na lang sila roon. Siguro okay lang naman kung kumain na ako? Kanina pa ako natatakam sa mga pagkain na sini-serve sa mga bisita and I can't wait to taste those foods. Lumapit ako roon sa table ng mga pagkain. Pinalagay ko sa plato ko ang alam kong masarap. Napapangiti pa nga ako dahil ang daming food na nilalagay sa akin ng lalaki. Hindi naman siya bias sa akin, nu? Nag-thank you naman ako after kong kumuha ng pagkain. Naghanap ako ng table na available at mabuti na lang dahil nakahanap ako kaagad. Sakto ang table na ito sa aming pamilya. Sana makita nila kaagad ako rito. Hindi naman kalayuan ang puwesto ko kung saan ko sila iniwang nag-uusap. Hinanap pa ng mga mata ko kung nasaan si Kuya Reed pero hindi ko na siya makita. Siguro kasama niyang umalis si Jaypee. Sayang at hindi niya matitikman kaagad ang mga pagkain dito, mukhang masarap pa naman. Nagsimula na lang akong kumain at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang sarap nga ng pagkakaluto nila rito. Nakadagdag pa ito sa gutom ko dahil hindi kaagad ako nakakain kanina pagkauwi ko galing sa school. Pero hindi pa man ako nangangalahati sa kinakain ko nang may umupo sa table ko. Expected ko na sina Mimi iyon pero pagkalingon ko biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. Anong ginagawa niya rito? "Hi, miss. You are familiar. Nagkita na ba tayo?" nakangiting sabi niya. Nabitawan ko naman ang kutsara at tinidor na hawak ko. Mabilis kong hinanap ang mga kasama ko, pero hindi ko na sila makita sa puwesto kung saan ko sila kanina iniwan. Nasaan sila? Bakit nila ako iniwan? Bakit kung kailan ko sila kailangan ay bigla naman silang nawawala. Bumalik ang tingin ko sa lalaking kaharap ko. "K-Kilala mo ako?" kinakabahang tanong ko. "Yes," mabilis na sagot niya, "I told you. Familiar ka sa akin." Napakurap ako ng ilang beses nang titigan niya ako nang mabuti sa mukha. "Sinasabi ko na nga ba. Ikaw 'yon!" Napayuko ako sa naging reaksyon niya. Kilala niya nga talaga ako. "Please, don't te--" "Ikaw 'yong future mommy ng anak ko." Napatingin ako ng diretso sa kaniya at hindi kaagad nakasagot. Ilang segundo rin ang nakalipas bago ako naka-react sa sinabi niya. "W-What?" tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. "Ikaw ang future mommy ng mga anak natin," nakangising pag-uulit niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko ay mabubuking na ako. Kinuha ko naman ang kutsara at tinidor na nabitawan ko at nagpatuloy sa kinakain. "Hey, wife!" pagtawag niya. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Nakalimutan ko na nandiyan pa pala siya. Tinignan ko 'yong nasa likod ko baka kasi may tinatawag siya, pero wala namang taong lumapit sa kaniya. Binalik ko ang tingin sa kaniya na nakatingin na rin pala sa akin. Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at tinuro ang sarili ko. "Ako ba?" tanong ko sa kaniya. "Yes! You are my future wife." "H-Ha? Future wife?" kinakabahang sagot ko. Ano bang pinagsasabi niya? At nasaan ba ang mga kaibigan niya? Bakit nandito siya mag-isa sa harap ko at pinagti-trip-an ako? "You're so cute. Anong pangalan mo?" "Ari-- Its Rita." Napatayo naman siya at pumunta sa gilid ko. Nagulat ako nang kunin niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Nice to finally meet you, Rita. I'm Steven Young your future husband." Ilang beses akong napakurap nang makita ko ang ngiti niya at pagkindat sa akin. "Steven!" Napalingon naman siya sa likod nang may tumawag sa kaniya. "Tsk! Siya na naman." Nakita ko sa likod si Ferdinand na naglalakad palapit sa amin. Bakit ba nandito silang lahat? Oo nga pala at birthday ng Daddy ng kaibigan nila. Ano pa nga ba ang ini-expect ko? Dapat talaga hindi na ako sumama kina Mimi. Mas okay nang lumayo sa mga kaibigan ni Kuya Reed kaysa makakuha na naman ng atensyon galing sa kanila. Napansin ko naman na hawak pa rin ni Steven ang kamay ko kaya mabilis ko itong binawi sa kaniya. Hindi niya naman iyon napansin dahil nakatingin siya ng diretso kay Ferdinand. "Kanina pa kita hinahanap. Nakita mo na ba sina Jaypee? Sabi ni Reed sa akin magkasama raw sila, pero hindi ko naman sila makita. Bakit ka kasi humiwalay sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Ferdinand kay Steven. Hindi niya pa siguro napansin na nandito ako. "Oh! Nandiyan na pala sina Reed at Jaypee." Napalingon naman ako sa tinuturo nito at nakita ko nga silang dalawa na papalapit sa amin. Napapikit ako sa naging sitwasyon ko. Bakit ba kasi ako laging napupunta rito? Ang tahimik na ng buhay ko kanina habang kumakain kung hindi lang naki-epal si Steven. Masama kong tinignan 'yong lalaking katabi ko. Nakakainis naman! Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Pagkalingon ko nakita ko si Reed na nasa harapan ko na. "Kanina ka pa hinahanap nina Mommy. Saan ka ba pumunta?" tanong nito sa akin. Napatingin naman sina Steven at Ferdinand sa akin at parehas silang nakakunot ang noo. "Kumain lang ako." Sabay turo ko roon sa plato ko na may laman pang mga pagkain. "Nasaan 'yong phone mo?" "Iniwan ko sa bahay," sagot ko. "Tsk. Puntahan mo muna sina Mommy. Nag-aalala na 'yon sa iyo," sagot niya at hinila ako para makatayo. Napatingin naman ako sa gilid ko dahil hindi pa rin umaalis si Steven doon. "Dude, excuse me lang. Dadaan 'yong kapatid ko," sabi niya kay Steven na siyang kinagulat niya. "Kapatid mo?" tanong niya. "Oo, bakit?" "s**t!" I heard him curse at mabilis na gumilid. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon 'yong naging reaksyon niya. Laking pasalamat ko kay Kuya Reed dahil nakaalis ako roon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag naipit ulit ako kasama sila. Mukhang nauubusan ako ng hangin sa paligid kapag kasama sila. Mabilis kong hinanap sina Mimi at nakita ko sila na nakaupo roon sa may malapit sa stage. Napatayo si Mimi nang makita ako. Ilang beses ko pang naramdaman ang kurot niya sa tagiliran ko, pero alam kong ginawa niya lang iyon dahil nag-aalala siya sa akin. Ilang oras din kaming nag-stay roon. Hindi na ako humiwalay kina Mimi. Ayoko na ulit maipit doon sa grupo ni Kuya Reed kapag nahiwalay ako. Mas mabuti na kung ganito na mas safe ako. After ng ilang oras ay sabay-sabay na rin kaming umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kuwarto at nagbihis ng pangtulog at nagtanggal ng make up. Nasa higaan ako nang kumatok si Kuya Reed sa may pinto. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko nang pumasok siya ng dire-diretso na nakatingin sa akin. Mukhang seryoso siya kaya hindi ko mapigilang kabahan. Ano kayang sasabihin niya sa akin? "Matutulog ka na ba?" bungad na tanong niya at tumango ako. "Puwede ba muna tayong mag-usap?" Tumango ulit ako. Nakita ko naman siyang umupo sa dulo ng kama na hinihigaan ko. "Ano 'yon, Kuya Reed?" kinakabahang tanong ko. "Alam ko ang dahilan kung bakit Rita ang sinabi mong pangalan sa kanila. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko sasabihin ang totoong pangalan mo kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Mas okay na rin siguro 'yon para hindi ka nila guluhin, lalo na kung nasa school ka. I will call you Arietta kapag hindi ka nakaayos and I will call you Rita kapag nakaayos ka. Because I know if someone knows your real identity in school they will use it as a bait for me." Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya at sa mabilisang pagpayag ay tumango na lang ako bilang sagot. "Thank you, Kuya Reed." "But in one condition." Napakunot noo ako at hinintay ang sasabihin niya. "Stay away from him. Stay away from Steven." Pagkatapos sabihin ni Kuya Reed 'yon ay lumabas na rin siya. Hindi niya man lang hinintay ang sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong layuan si Steven. May sakit ba siya na nakahahawa? Hays! Bahala na nga. Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-ayos sa sarili. Loose shirt, pantalon at white rubber shoes ang isinuot ko para makagalaw ako ng maayos. Hindi na rin akong nag-abala pang suklayin ang buhok ko na gulo-gulo. Liliparin din naman ng hangin 'yon kapag nag-commute ako mamaya. Tinali ko lang ang buhok ko at mabilis kong isinuot ang salamin ko sa mata. Nakita ko si Mimi na naghahanda ng pagkain, mukhang maaga yatang nagising ito. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat pa nga siya nang makita ako, pero nginitian ko lang siya at nagsimula ng kumain. Mabilis akong nagpaalam kay Mimi nang matapos kumain at hindi ko na hinintay si Kuya Reed para sumabay papuntang school. Nakangiting lumabas ako ng bahay namin habang bitbit ang bag ko sa likuran. First time kong mag-commute papunta sa school na walang iniisip kung pagagalitan ba ako kaya hindi ko mapigilang ma-excite. Pagkalabas ng gate ng subdivision ay naglakad ako papuntang waiting area at doon nag-abang ng bus. Isang sakayan lang kasi kapag sumakay ako sa bus at maglalakad na lang ako ng kaunti pagdating ko roon sa kanto malapit sa school--- kung saan ako ibinaba ni Kuya Reed kahapon. Pumara ako nang makita ko na 'yong sasakyan kong bus. Gumilid naman ito para makasakay ako. Napasimangot pa ako dahil nang makaakyat ay ang dami na pa lang pasahero sa loob. Napakarami na pa lang pasahero. Paano pa kaya kapag na-late ako? Hindi na siguro ako makakasakay sa lagay na 'yon. Muntik na akong matumba nang magsimulang umandar 'yong bus. Mabuti na lang talaga at nakakapit ako kung hindi ay mapapahiya ako kung matutumba ako rito. Inayos ko naman ang suot kong salamin at saktong nakita ko 'yong isang space roon sa may gitna. Mabilis akong lumapit doon at umupo. Napatingin ako sa katabi kong lalaki na diretsong nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin naman ako roon at napangiti. Maganda talaga mag-sightseeing kapag ganitong mag-isa ka dahil feel na feel mo ang adventure. Muntik na akong mahulog sa upuan ko nang mapalingon sa gawi ko 'yong lalaking katabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD