“GUSTO mo nang kape?” naisipan niyang itanong kay Enzo nang itigil nito sa tapat ng kanilang apartment ang minamaneho nitong kotse. Nakita niyang kumislap ang kakaibang tuwa sa mga mata ng binata nang lingunin siya nito matapos nitong patayin ang engine ng sasakyan. “Oo naman, masarap ang kape lalo ngayong umuulan.” Nakangiti siyang nagkibit ng balikat saka umakmang bababa ng sasakyan pero pinigil siya kaagad ng kasama. “Mahirap na, baka magkasakit ka” anitong inabot sa backseat ang isang payong saka ito bumaba. Umikot sa gawi niya saka hinila pabukas ang pinto. Agad siyang pinanginigan nang maramdaman ang kakaibang lamig ng hangin at tubig ulan. Pero sandali lang iyon. Nang akbayan siya ni Enzo, mabilis na nag-iba ang temperature ng katawan niya. Naramdaman niya ang mabilis na pag-iin