(Isabella POV) Pinagluto ko ng umagahan ang mag-aama ko. Tulog na tulog pa kasi si Chris dahil siguro sa pagod at kalasingan kaya mahimbing ang tulog. " Mommy!" tawag sa akin ni Belle. Para itong maiiyak na. Kaya nagmadali akong puntahan ito. " Belle anak nandito si Mommy." nakita ko itong nakatayo sa may puno ng hagdan. Nakalabi na at patingin tingin sa paligid. Binuhat ko ito at hinalikan ang pisngi nito. " Nagluluto lang ng breakfast si Mommy. Hindi pa ba gising si Toper?" umiling si Belle. Dinala ko ito sa may kusina. Buti na lamang tapos ko ng lutuin ang umagahan namin. Hinahanda ko na lamang ang mga plato at baso. " Gusto mo ba ng milk anak?" tanong ko. " Yes po Mommy." pinahid ko ang natuyong luha sa pisngi. Habang tinitimpla ang gatas ng anak ko. Nakarinig ako ng yabag pabab