Chapter 1. No Answer

1213 Words
HANNA APRIL BRILLENTE Alas sais ng umaga ang naka-set na alarm ko pero hindi pa man iyon tumutunog ay nagising na ako. Inunahan ko na, aba! Para na rin maaga akong makapagluto, kahit ang totoo, mayroon naman kaming kasama sa bahay ni Gino. Kumuha siya ng helper—si Donna—twenty nine years old. Ayoko sanang magkaroon pa kami ng helper dahil may trust issues ako. Natatakot ako na baka akitin ng kasambahay ang asawa ko at iyon pa ang maging dahilan para masira ang pagsasama namin. Pero syempre, hindi ko naman sinabi kay Gino na iyon ang dahilan ko. Ang sabi ko lang sa kaniya ay kaya ko naman kahit wala kaming maid. Pero nag-insist pa rin siya dahil hindi raw makakabuti sa akin, lalo na at buntis ako kung ako pa ang mag-aasikaso rito sa bahay. Kaya pumayag na rin ako dahil mukha namang hindi niya papatulan si Donna. She's out of his league, totally! Para na rin daw may kasama ako lalo na kapag wala siya at nasa bar. At sa totoo lang, I didn’t expect him na magiging ganito siya ka-sweet at maalalahanin sa akin. Na kahit ako nga ay nagulat lalo pa at alam kong in the first place ay wala naman talaga siyang feelings sa akin. Sa pagkakatanda ko rin ay gusto niya lang akong pakasalan para makalimot siya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto niyang kalimutan. I couldn’t master the courage para magtanong sa kaniya dahil nag-aalala ako. Natatakot ako na may maungkat pa sa past niya kung magtatanong ako. Kaya naman ginagawa ko na lamang ang lahat ng makakaya ko para tulungan siya at higit sa lahat ay tulungan ang relasyon naming dalawa na mag-grow pa lalo na at kasal na kami at magiging isang pamilya na. Speaking of family, ramdam kong hindi ako gusto ng pamilya ni Gino, lalo na ang mommy at daddy niya. Sobrang cold ng pakikitungo nila sa akin pati na rin kina mama at papa. Halatang napilitan lang sila dahil bukod sa buntis na ako ay gusto na rin nilang mag-settle down si Gino dahil sa edad niyang thirty one. Para na rin maiwasan na rin nito ang pambababae gaya ng nabanggit ng mommy niya noong naabutan niya kami sa kwarto ni Gino. Pero gayon pa man, wala akong pakialam kung hindi nila ako gusto. Si Gino naman ang asawa ko. Siya ang kinakasama ko at hindi ang pamilya niya. Mabuti na nga lang na malayo sila sa amin at hindi namin kasama sa iisang bubong. Dahil kung sakaling magkakasama kami, naku! Mukhang hindi talaga kami magkakasundo. Mukha pa namang maldita ang mommy niya. Mabuti na lang talaga at marunong din akong magtimpi minsan kaya kahit cold ang pakikitungo nila sa akin noong kasalukuyan kaming nag-aayos ng kasal ay pinigilan kong huwag silang patulan. Magulang pa rin sila ni Gino kaya ayoko silang bastusin. Isa pa, I don’t want to disappoint my husband kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ako gagawa ng mga bagay na magiging dahilan para lumayong muli ang loob niya sa akin. Ayokong sayangin ang pagkakataon na ibinigay niya sa akin, ang pagpayag niya para maikasal kami. Gagawin ko ang lahat para hindi siya magsisi sa naging desisyon niya. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas sa kwarto. I made my way downstairs at tinungo ko ang kusina para ako muli ang maghanda ng almusal namin. Simula kasi nang ikasal kami, pagkatapos ng honeymoon namin sa Japan, nang makauwi na kaming muli rito sa bahay niya ay ako ang nag-aasikaso ng pagkain namin. Gusto ko siyang ipagluto, ipaghain, gusto ko siyang nakikitang masaya kapag pinagsisilbihan ko siya bilang asawa. Kaya kahit may helper kami, kapag narito si Gino sa bahay, ako ang reyna ng kusina. Nakakapagpahinga lamang ako kapag napapaaga ang punta niya sa bar at doon na siya aabutan ng dinner. At kapag ganoon ang sitwasyon, si Donna na lamang ang pinagluluto ko ng hapunan namin. Magmamagaling lang ulit ako kapag narito na ang asawa kong yummy na, guwapo pa. “Good morning, babe…” nakangiti kong bati kay Gino nang dumating siya sa kusina. Nakasuot siya ng kulay puting t-shirt, cotton short at ang panloob niyang tsinelas na kulay pink at may balbon. Ako ang bumili no’n, couple kami at hindi man lang siya nagreklamo kahit pambabae ang kulay. “Bakit ikaw na naman nagluluto? Nasaan si Donna?” tanong niya habang nagsisimula na sa pagtimpla ng kaniyang kape. Halatang bagong hilamos din siya dahil basa pa ang ilang hibla ng buhok niya. Muli ko siyang binalingan matapos kong bilingin ang isdang piniprito ko. “Tulog pa, babe. Saka sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Gusto ko na ako ang mag-aasikaso sa’yo.” “But babe, you’re pregnant.” Narinig ko ang tunog ng kutsara nang haluin niya ang kape sa tasa. “Dapat hindi mo pinipilit ang sarili mo na bumangon nang maaga. Dapat nga ganitong oras tulog ka pa.” Saka siya pumihit para harapin ang direksyon ko. Saglit niyang sinulyapan ang suot niyang relo bago ako muling tingnan. “6:30 pa lang, babe. Hindi naman ako madiwara sa oras ng pagkain. Kahit pakainin mo ‘ko ng alas dies ng umaga, it’s fine. As long as makapagpahinga ka nang maayos.” “Pero babe, ako ang maselan sa oras ng pagkain. Alam mo namang buntis ako. Maaga akong nagugutom kaya kailangan ko rin magluto ng maaga para kapag gusto ko na kumain, at least makasabay na rin kita.” Muli kong itinuon sa isda ang atensyon ko para masigurong hindi pa ‘yon sunog. “P’wede naman tayong magpaluto ng breakfast kay Donna. It’s her job after all. Hindi mo kailangan gumawa rito. You’re my wife, Hanna. Not my maid.” Hindi ko naiwasang mapangiti sa sinabi niya. Wife? Pati pepe ko kinilig. “Thank you for saying that, babe. Ang aga mo ‘kong napakilig. Hindi pa man tayo kumakain pero pakiramdam ko busog na ‘ko.” Humakbang ako palapit sa kaniya at yumakap. Isinandal ko ang kanang pisngi ko sa malapad niyang dibdib. Hawak pa rin niya ang tasa ng kape sa kabilang kamay niya at ang isa niyang kamay ang naramdaman kong lumapat sa aking likuran para gantihan ako ng yakap. “Babe, I’m being serious. Mula ngayon, ayokong ikaw ang babangon nang maaga para magluto ng almusal. Kung gusto mo talaga, sige, kahit tanghalian na lang ang iluto mo. Pero gusto ko, sa tuwing magigising ako sa umaga, nasa tabi pa rin kita at wala rito sa kusina. You got that?” Muli akong napabungisngis sa sinabi niya. I looked up at him habang nakangiti pa rin. “Yes, babe. Sige. Hindi na kita iiwan sa kama simula bukas. I love you…” Ngumiti rin siya sa akin at saka siya yumuko para dampian ng halik ang noo ko. I didn't hear his response, but his hug and kiss on my forehead was enough to make me feel that he loves me too. Even the things that come out of his mouth, how concerned he is with me and to our future baby is a proof to me that we feel the same way. He loves me too and I need to trust that...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD