Chapter 7 TOHOM
KEIRA
GROWING up my parents esteemed me to be always strong and wise. To always speak what is on my heart and mind. Na hanggat wala akong taong masasaktan at masasagasahan, huwag akong matakot na isiwalat at ipahayag kung ano ang aking saloobin. Hindi ko alam nang dahil sa pakikipag-relasyon ko kay Khian biglang maglalaho ang lahat ng aking natutunan. And now this day had come. Since yesterday, hindi nawala sa isip ko ang gustong mangyari ni Khian. Paulit-ulit na nagre-replay sa aking isipan ang kanyang mga sinabi. I want them to know about us, pero may pumipigil sa akin na magsabi sa mga magulang ko. Khian even suggested that we both need to tell them the sooner. Nakatulugan ko pa nga kagabi ang pag-iisip.
I came to my reverie when my phone suddenly vibrated on the bedside table. Inabot ko iyon and I saw Khian's name flashed on the screen. He's calling me.
"Hey" pambungad kong sabi, as soon as I pressed the answer botton.
"I'm home bb, you're still in bed?" dahil sa tanong niyang yon, napatingin ako sa wallclock ng aking kwarto. Only to find out the time, almost 10 AM na pala. Tinanghali na ako ng gising. Good thing its weekend, no voice alarm from my mother for today's video.
"Yeah" tipid kong sagot. I heard him sighed on the other line.
"You're thinking it again, didn't you?"
"Hindi ko maiwasan" banayad na sagot ko. Dahil totoo naman, I felt so guilty that I'm hidding something to them.
"Dont overthink about it, bb. We will tell them about us when I get there."
Napabuntong hininga ako ng malalim. "If you say so, hindi rin kasi ako mapakali. Parang may malaki akong kasalanan na hindi ko masabi-sabi." I gently whispered.
Kahit hindi ko nakikita sa mga mata si Khian, I know that he's worried about me. Overthinker na ata ako dahil sa dami ng mga pumapasok na senaryo sa isipan ko the moment na aamin ako sa mga magulang ko.
"Come what may, we need to accept their wrath kung iyon din ang dahilan na hindi nila tayo pagbabawalan. I know your to worry about the consequences once they know about us. Saka mo na isipin kapag nasa sitwasyon na tayo na yan. Tsaka I'm here, you know. I will not allow you to face them alone. We're in this together, remember?" pag-papaalala niya, tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Those words of him gave me a slight comfort to my worried mind.
"Sorry, hindi kasi ako sanay na naglilihim sa mga magulang ko. Maliit o malaki pa man nasasabi ko sa kanila na ang lahat-lahat, no doubts and pretentions." Pagpapaliwanag kong sabi. Hays, ano ba to. Landi pa more.
"Nag-uumpisa pa lang tayo, nagkakawrinkles ka na. Ang tigas kasi ng ulo mo, sabi nilang pag-aaral muna, pakikipag-boyfriend inatupag mo." Natatawa niyang saad sa kabilang linya. Hindi ko rin naiwasang hindi mapangiti dahil sa mga sinabi niya. Panira ng moment.
"E di maghiwalay na lang tayo agad." may hamong seryoso sa boses kong pagkasabi.
"Oooppss.! Walang ganyanan, mamahalin pa kita" takteng hambog na to. He playfully said. Lumalabas na naman pagka-air supply niya. But on the other side it warmth my heart.
"Nagiging cheesy ka na naman diyan. What's gotten into you, ang aga pa Mr. Real". I rolled my eyes.
"Boyfriend duties." humalakhak pa sa pagkakasabi niya. "I told you, I will lay hold of our relationship with sweetness everyday."
"Oo na. Ikaw na" sabi ko na lang dahil hindi magpapatalo to eh.
"I love you." see, sumegway agad.
"Mahal kita"
"Yaaayy. Music to my ears. I love twich as much bb" halatang di rin maitago sa boses ang kilig nito. Paano kaya siya kiligin Itatanong ko nga kung magagawi siya ulit dito.
"Rise and shine, get up na bb. Tatawag ako ulit mamaya" a smile crept on my lips.
"Sige, ibababa ko na. Babangon na rin ako." Sabi ko na lang at pinatay na ang telepono. Hindi ko na inantay pa ang sagot nito.
I rose up from my bed, to take a shower, baka sakaling mabawasan konti ang bigat na nasa isip ko.
After I took a shower, nagsuot lang ako ng pambahay na damit dahil wala akong plano na lumabas. Maliban na lang kong tatambay ako sa shop, but I doubt if it will happen today. I took also my cellphone before I went out. When I arrived at the kitchen, I saw my mother cooking. Bumati ako para makuha ang atensiyon niya.
"Morning Ma. Tahimik ata ang bahay" pansin kong palinga-linga. Wala akong makita kahit na isa sa kanila.
"Wala sila, nagkanya-kanyang lakad. Ikaw lang naman ang bumabangon kung kailan mo gusto. Kuya mo bumisita sa site, Papa mo nasa shop na, si Clyde nasa kabilang bahay." pahayag niya saka siya humarap sa akin.
Matamaan niya akong tinititigan. Sunod akong napalunok habang hindi niya inaaalis ang pagkatitig sa akin. Para namang napansin niya ang pagtataka sa aking mukha dahil muli siyang nagsalita.
"Nakita ko ang ginawang paghalik ni Khian sa iyo bago siya umalis kahapon" bigla akong binundol ng kaba sa narinig ko.
Kumawala ang singhap sa aking mga labi at ramdam ko ang pagririgodon ng aking dibdib.
"Hindi kita pinagbabawalan sa mga ginagawa mo, pero alam mo ang mga gusto namin para sayo. Matalino ka, alam mong timbangin ang mga bagay-bagay. Its okay for me if you have a relationship with Khian. Its pretty normal on your age. All I'm asking, you must know your limitations. Don't lose your goal in life. At ang palagi naming sinasabi ng Papa mo, diploma first before marriage certificate." Pagpapaliwanag niyang pangaral sa akin, nakatungo ang mukha ko dahil nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Boyfriend mo na ba siya?" malumanay niyang tanong.
Tumulo sa akin ang isang luha sa aking mga mata na mabilis ko namang pinahiran. I breathed out and I gathered the courage to speak. "Opo" nahihiyang sagot ko. Walang rason pa na hindi ako aamin sa nanay ko, dahil kung may isang taong mas higit na makakaintindi sa akin sa lahat ng bagay, si Mama yon.
My mother let out a wide smile. Pinatay niya muna ang sindi ng stove bago siya umupo sa upuan na nasa tabi ko. "May boyfriend na ang prinsesa ko" she told and she kissed the side of my head.
Suminghot ako at sumandal sa balikat niya. "Thank you, Ma"
"Don't think na kontrabida ako dahil alam kong may boyfriend ka na. Kakampi mo ako sa bagay na ito, but I will not tolerate you, not to be honest to your father sa kung anong meron kayo ni Khian. The sooner, the better" banayad na pagpapa-alala niya.
I just nodded my head and shifted my body to hugged her. Sa lahat ng sitwasyon, sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon on how we are so much blessed that she's our mother.
Walang namutawi na salitang lumabas sa mga labi ko. Nakayakap lang ako sa aking ina. "Kumain ka na. Dumaan din kanina si Irish dito, habang tulog ka pa. May pupuntahan ba kayo?
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at binigyan ko siya ng malawak na ngiti. One down, at least nabawasan piping usal ko.
"Birthday po ni Brandon, Ma."
"Daanan ka daw nila ni Dianne bago mag-alas sais, nasa side drawer ang black cap na pinagawa mong pang-regalo" tukoy niya sa pinapersonalized kong sumbrero.
"Salamat po" aniya ko bago ako humarap sa mga pagkaing natakpan sa lamesa.
I quickly finished my food bago ko naisipang bumalik sa kwarto ko.
I started studying some of parts of my thesis of this week's oral defense. Nawili ako sa pagbabasa that I didn't noticed the time. I glanced at the clock and it was around 5 oclock. Tinigil ko ang pagbabasa to message Khian that I will be out tonight.
Khian❤️❤️❤️
Lalabas ako mamaya, birthday ni Former Chairman. I will be with Irish and Dianne. I love you.❤️
Hindi na ako nag-antay pa sa sagot niya. Nagbihis na ako para kung sakaling mapapa-aga sina Irish nakahanda na ako. I wore my white simple shoulder detail blouse and I paired it with my black skinny pants. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. I sprayed slight of my perfume and I went out. I looked at may phone and checked if Khian replied to my message but he did not. I pouted and place it back to my pocket.
"Aray.!" halos mahampas ko si Irish dahil sa pagsabunot niya sa buhok ko. Di ko napansin ang pagpasok nila.
Tumawa lang ito at nagpeace sign. Wala namang kaming usapan sa kung ano ang susuotin namin pero pare-pareho kaming nakawhite. Ano to, makikiburol.
"Uy si Kei, nagdaday-dreaming" Dianne teased me laughing.
"Siswang baka naman malala ka na" mapang-asar na segunda ni Irish
"Si Irish mukhang-tanga" sagot kong pabalik na natatawa.
"Mukhang-tanga lang, pero ako ang pinaka-maganda sa ating lahat" she even flipped her hair. Napa-iling na lang ako.
"May chicka pala ako" si Irish ulit
"Kailan ka pa napabilang na member ng mga Chipmunks?" tanong kong nakataas ang isang kilay. (Chipmunks meaning sa amin tsimosa)
"Uy, Chipmunks agad, hindi ba pwedeng updated lang" sa lahat ng siraulo siya talaga ang pinaka-siraulo. Huwag ka ng magtaka. Nasa dugo't laman, atay at balon-balonan na niya yan.
"Shooooottt" Si Dianne na curious sa chika ni Irish.
"Namatay na raw ang gold fish ni Tita Crista" saad niya sabay halakhak
"Namu ka, walang gold fish sila Tita Crista" Si Dianne ulit na hinabol pa si Irish para masabunutan.
Tawaan at asaran lang ang ginawa namin hanggang makarating kami sa bahay nila Brandon. Pagkarating namin sa bahay nila bumati kaming tatlo sabay abot sa mga dala naming regalo. Niyaya rin kami nitong pumasok sa loob at kumain. Tinatawanan pa namin ni Dianne si Irish na kumakain pa lang, nagbabalak ng magbalot ng mga pagkain. Dine in with take out ang peg ng gaga.
And just like that, gumaan konti ang mga bagay sa paligid ko na mabigat. Their presence and words are my consolation and solace in time of distress.
What a life.