Chapter 9 INEVITABLE

1736 Words
Chapter 9 TOHOM KEIRA IT WAS our first monthsary. At hindi ko makapa sa puso ko ang excitement, parang normal lang na araw. May consultation kasi rin ako sa thesis adviser ko. Kinatok naman ako ni Kuya Clive, dahil sa kanya ako makikisabay papasok sa school at siya naman sa site nila. Eight oclock sana ang balak kong pag-alis ng bahay pero dahil hindi ako maihatid ni Papa, wala akong ibang pagpipiliin kundi ang makisabay kay Kuya. Khian cannot make it to drop me off to school dahil first day of work na rin niya today sa branch kung saan siya nagpalipat. He only called me awhile ago to say good morning and greeted me happy first monthsary. He transfered also last week sa apartment niya na kaming dalawa pa mismo ang nag-hanap. Thirty minutes drive away from our house. But it took him only five minutes to his workplace. "Kei, nakabihis ka na? Mag-aalmusal pa tayo baka malate na ako" sigaw niyang kumatok sa pinto. "Bakit ka ba nagmamadali? Alas otso ang oras ng pasok mo Kuya. Alas siyete palang" pabulyaw kong pabalik. "Kung hindi sana kita ihahatid. Okay pa Kei. Utang na loob traffic sa labas ng school mo." "Fine. Eto na, lalabas na" pagsusukong sagot ko. Agad akong lumabas sa kwarto para makapag-almusal sa kusina. Ang talim ng tingin ni Kuya sa akin habang kagat-kagat ang tinapay. "Pwede ba sa susunod, agahan mong magbihis." inirapan ko lang siya. Pinaglihi ata to ng nanay namin sa sama ng loob. Napakasungit, daig pa may regla araw-araw. Ganito palagi ang senaryo namin. Para kaming aso't pusa. Buti na lang at wala si Clyde, saka lang nandito sa bahay kapag biyernes ng gabi. Madaling araw ng lunes siya lumuluwas papunta sa eskwelan niya. May tinutuluyan siyang bed space sa tapat lang ng university na kung saan siya nag-aaral ng Marine Engineering. "May kutsilyo diyan sa lababo, kasya na tig-isa kayo" si Mama na galing sa likod ng bahay. May bitbit itong hinog na papaya at bunga ng ampalaya. Namitas siguro sa garden niya. Walang sumagot sa sinabi ni Mama na yon. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Tumayo na lang si Kuya at kinuha ang bagpack niya. "Tara na" aniya at lumakad ng nauna palabas ng bahay. Sumunod na lang ako habang hawak ang bag at cellphone ko. Parang gusto na lang din aralin kung paano mag-drive para di na ako sa kanya sasabay. Kung di available si Papa. Umangkas ako sa likuran at umupo ng tuwid sabay kapit sa mga balikat niya. Itinabi ni Kuya ang motorsiklo niya sa gilid ng gate at bumaba ako. Sakto namang nakita ko si Irsih, kalalagpas lang niya sa main canteen. "Irish" agad akong napatakbong papalapit sa kanya. Ilang araw ko din hindi nakita to, sila ni Dianne. "Huy, ang aga mo ngayon ah. Anong meron siswang?" Nakangiting tanong nito. "Tsaka parang biyernes santo ang mukha mo. Anyare atwe?" "Wala naman, actually eight thirty pa oras ng consultation sa thesis ko pero sumabay ako kay Kuya." "Walang Khian for today's video?" pang-asar na tanong niya. I shook my head. "Maaga pasok nun" sagot ko sa kanya. May panunudyo na naman ang pagmu-mukha nito. "Lunch tayong sabay nila Dianne mamaya. Hanggang ala una ka naman ngayon, di ba?" I nodded my head. Wala akong balak na mag-lunch sa loob ng university dahil maaga namang matatapos ang schedule ko pero dahil nagyaya ito pumayag na lang ako. Kabisado niya schedule ko ah. Di naman halatang Chipmunks to. "Kita na lang tayo sa main canteen. Ayaw ko sa likod ng Crim." Mahinang tumawa ito dahil sa sinabi ko. Paanong di ka aayaw doon. Tahimik kang kumakain, ang ingay-ingay ng paligod mo. Sila lang ni Dianne mahilig tumambay doon nag-huhunting ng papabols. "Sige, libre mo ah. Alam ko ang petsa ngayon. Nakatatak sa utak ko kung anong meron" walanghiya, kaya pala ang lakas ng loob mag-ayang sabay-sabay mag-lunch. "Softdrinks mo lang babayaran ko, bahala ka sa meal mo" natatawang kong sabi at tinaasan ako ng kilay. Di magpapatalo ito na hindi babanat ulit. Walang ending na sagutan pag ito ang kabangayan mo. "Saksak mo sa baga mo ang sampung piso mo. Gagi ka, may panulak walang itutulak." Sagot niyang pabalang. Oh di ba? Di ako nagkamali. Natawa pa ako lalo sa idinugtong niya " What do you think of me, i'm poorita?". Mas lalo ko siyang aasarin, "ikaw na lang itulak namin ni Dianne mamaya" humagalpak pa ako sa pagtawa. "Ukininam" malutong mura niyang sabi. Nagpaalam na ako sa kanya dahil nasa tapat na ako ng CAS building. Siya ay tatawid pa sa building ng BSBA. Nang pumatak ang oras para i-meet ko si Mrs. Benzon, tinungo ko ang Faculty Room. I presented all the tabulated survey data from the questionnaire's result by my respondents. Maigi at dahan-dahan niyang tinignan ang nasa papel na binigay ko sa kanya. She recommended that I will pass it already to my Statician, Mrs. Bautista, for her to determine the reliability and validity of the results. I did as per what she said. Almost 12 na ng matapos ko ang mga dapat kong gawin. I went to the canteen at doon ko na lang hintayin ang dalalwa. Naupo ako sa pang-apatang lamesa habang nagty-type ako ng message kay Irish na nauna na ako. Saktong pagka-send ko ng message ko kay Irish ay siya namang pag-pasok ng tawag ni Khian. "Hello?" bati ko kay Khian "Hello, bb, " bating pabalik sa akin ni Khian sa kabilang linya. "I missed you" malambing na sabi nito na siyang nagpamula sa buong mukha ko. "I-i missed you too" nahihiyang sagot ko. "Kumain ka na?" tanong niya. "Hindi pa. I'm waiting for Irish and Dianne, you?" diretsong sagot ko "Oh..Lunch time din. I will drop by to your house after work" napangiti ako ng malawak dahil sa sinabi nito. Some girlfriend might want to celebrate it in a fancy restaurant during their monthsaries or anniversaries, but I'm not one of those. I'm not a kind of a demanding girlfriend who will ask him to take me out, just because its our first monthsary. "Ok, I will see you in the evening" maikli kong sagot. Saktong paparating naman sina Irish at Dianne sa lamesa kung nasaan ako. May panunudyo pa ang mga pag-mumukha. "Take care for me, please" malambing niyang paalala. "Ikaw din. I love you" "I love twich as much bb" ganti niyang sagot, bago siya nagpaalam. Nang matapos ang tawag niya ay hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis. "Uy kinikilig ang Bruha" pambubuska ni Irish na sinudot-sundot pa ang tagiliran ko. Dahil si Irish ang makapal ang mukha na magaling sumingit sa mahabang pila siya ang inutusan namin ni Dianne na bibili ng pagkain namin. "Huy, hindi niyo ako katulong, mabigat na ba masyado ang mga puday niyo na di na kayo makatayo diyan para tulungan ako?" Walang filter ng bungangang pagtawag niya ng pansin sa amin. Ako na nahihiya minsan sa pinag-gagawa ng babaeng to. Pero hindi naman namin matitiis. Kung itatakwil namin di wala na kaming clown. Tumayo ako at lumapit sa kanya para tulungan siyang bitbitin ang mga inorder niyang pagkain. "Mga to, donyang-donya" reklamo niya ulit. Nang makalapit kami sa lamesa, bumanat si Dianne sa kanya. "Ikaw ang magbabayad sa mga kakainin natin, since ikaw naman ang reklamador" biglang lumaki ang mga mata ni Irish. Napatawa ako ng malakas bigla. "Ayh puteks, mabulunan sana kayo" agad din niyang sinabi. Kung kasama mo talaga ito hindi mo alam kung anong klaseng pag-pipigil nang tawa ang gagawin mo. Ganoon ang nangyari hanggang sa matapos kaming kumain. Ending, si Irish pa rin ang nagbayad. Sinabihan pa kaming mambubudol. Gaga talaga. Dahil wala na akong gagawin, nagpaalam na ako kina Irish at Dianne na uuwi na. Nagkanya-kanya way naman ang mga ito. Halos alas tres na ng hapon ng makarating ako sa bahay , nadatnan ko ring walang tao. Sumunod siguro si Mama sa shop. Wala din naman ako sa mood na manood ng TV kaya minabuti ko na lang na pumasok sa kwarto. Nagpalit ako ng damit saka nagpasyang matutulog. Hapon ng magising ako dahil sa ingay ng pinsan kong si Zyann. Pagtingin ko sa wall clock alas sais na pala. Bumangon ako at pumunta sa banyo para magbawas ng tubig sa katawan at magsuklay bago ako lumabas. Nakasalubong ko si Kuya Zyann sa hallway sa may pagitan ng kwarto namin ni Kuya. Ang lapad ng ngiti at sumisipol-sipol pa. "Special delivery, three big sunflowers for you my young beautiful lady" halos matawa siya sa pagkakasabi nun. Galing iyon sa likuran niya at inabot sa akin ang hawak niyang bulaklak. Kaya pala, wala naman kasi akong napansin kanina na bitbit niya. Yung my young beautiful lady talaga ang nagdala. "Thank you, Kuya" pasasalamat ko saka ko tuluyang kinuha sa kamay niya. Kinuha ko din ang notecard na nakaipit doon at binasa. Bb, I hope this flowers will make amends for not showing to you tonight.Happy 1st Monthsary. I love you bb❤️ Khian I smiled a little after reading his message on the notecard before I fold it and place it back on the flower. I noticed it also that its his penmanship. "Tinatawagan ka daw niya ng ilang beses pero hindi ka sumasagot. Naka-ilang padala na din daw siya ng message." Kuya Zyann explained. "Nakatulog ako Kuya. Bumabawi sa pagsusunog ko ng kilay sa mga nagdaang gabi." I told him. I never touched my phone also since I came home from school. "Hindi niya daw kasi inaasahan na may pa-welcome party sa kanya sa office nila, kaya hindi siya makakarating. Ang KJ na yon binulabog pa ako para pumunta doon at kunin ang bulaklak na iyan" lintanya niya na parang masama pa ang loob niya. "It's okay, Kuya" sabi ko na lang. Kasi totoo naman, may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na biglaang mangyayari. "No hurt feelings?" he asked me reassuringly. "Wala po. It's perfectly fine." I assured him also. Nang makumbinsi ko ito na okay lang talaga sa akin, ay nagpaalam ng uuwi siya. Talagang isinadya lang niya ang pinahatid ni Khian sa akin. Pumasok ako sa kwarto at inilapag ang bulaklak sa aking kama, saka ko dinampot ang phone ko. Truly to my cousin's words, 26 misscalls and 19 messages and all of them are coming from Khian. Sometimes, things will happen inevitable that we cannot control. Things don't always go the way we want to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD