Chapter 29 TOHOM
KEIRA
As I didn't closed fully the portiere curtains last night the rays of the sun freely passed through the sliding glass door in the balcony. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. I turned my body to other side of the bed when I realized it was empty. I barely opened my eyes to find that my husband wasn't lying by my side.
Nagtaka ako dahil sa pagkakaalam ko, magkatabi kami sa pagtulog kaninang madaling-araw. Nakatulog ako na nakakulong sa mga bisig niya. Hinayaan naming igupo kami ng antok dahil sa pagod. Pagod sa pagsulit ng huling gabi ng aming honeymoon dito sa resort. Di niya ako tinantanan hangga't di niya nasagad ang lakas ko. Hindi na nakakakapagtakang tanghali na ako nagising. Mag-alas kwatro na nang tumigil kami at magdesisyong matulog na.
Unti-unti akong bumangon at inabot ang aking cellphone na nakalapag sa bedside table. Alas diyes na pala ng umaga, may oras pa naman para ayusin ang mga gamit namin bago namin lilisanin ang resort.
Nag-umpisa akong igalaw-galaw ang leeg ko at ininat ang mga kamay ko. Nang maikondisyon ko ang katawan ko, bigla akong napatigil na napatingin kay Khian sa may sofa. Buong akala ko ay lumabas siya ng kwarto dahil maaga siyang nagising. Hindi ko naiisip na maaaring tulog pa pala siya.
Tahimik akong lumapit sa kanya. Pinapanood ko siyang mahimbing na natutulog pa. Parang mayroong humaplos sa puso ko. Ginamit niya ang throw pillow para maging unan sa ulo niya at hindi nag-abalang kumotan ang sarili, samantalang ang lamig sa buong kwarto dahil nakabukas ang air condition. Dahil sa laki niyang tao ang isang paa niya ay nasa sahig habang ang isang ay nakalaylay sa armrest.
Tumayo ako sa gilid kung nasaan ang ulo niya at malapitan kung tinitigan ang gwapo niyang mukha. Kahit na medyo naawa ako, napangiti ako nang makita kong medyo nakakunot ang kanyang noo. Itsura niya talaga ay parang nahihirapan siya.
Unti-unti nang tumama sa kanya ang sinag ng araw. Kiniskis niya ang ilong gamit ang daliri, at para bang magigising na siya. Agad ko namang iniharang ang katawan ko sa parte ng ulo niya upang hindi masilaw ang kanyang mga mata. Napabuntong-hininga siya at para siyang naginhawaan pagkatapos.
Nalibang ako sa panonood sa kanya hanggang naramdaman kong nangalay ang mga paa ko. Akmang gigisingin ko sana siya nang hawakan niya ang dalawang palapulsuhan ko at hinatak niya ako. Napadapa ako ng higa sa ibabaw niya at napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Inangat ko ang aking mukha at tumitig sa kanya. May naglalarong ngiti sa mukha niya kaya umawang ang aking labi at nanlaki ang aking mga mata.
"Kanina ka pa gising?" agad kong tanong.
Umiling siya gamit ang ulo niya. "Hindi", sagot niya sa paos na boses, tinig na parang bagong gising siya talaga.
"Weh.! Then?" di ako kumbinsido sa sagot niya.
Ngumisi siya kaya sumimangot ako. "Naramdaman ko lang na nasa tabi kita, alam mo na."
Tumaas ang kilay ko. "Perv.!"
Tumawa siya sa sinabi ko. " Pwede mo naman kasing ayusin ang kurtina na isarang mabuti, bakit kailangan mong tumayo dito. You don't have to block the sun for me."
Napanguso ako at mabilis akong umalis sa ibabaw niya. Sumunod naman siyang umupo . Kahit magulo ang buhok niya at ang mga mata'y mukhang antok na antok pa hindi ko maitatangging gwapo pa rin siya.
"Bakit dito ka nga pala natulog?" tanong ko.
"Di sana gising pa rin ako hanggang ngayon kung hindi ako natulog dito. Wala kang naging pahinga." sagot niya na nakapirmi ang mga mata sa akin bago siya tumayo. "Maligo ka na at maghanda. Ako na bahala sa mga gamit natin."
Hindi na ako nagsalita dahil alam ko naman na ang ibig niyang sabihin. Manunukso lang ulit baka hindi pa kami makapaghanda agad pareho. Sa halip kumuha ako ng mga damit ko.
Naligo ako at nagbihis sa loob. Nakamaong pants ako at nakaitim na t-shirt na may print na "He's my other h❤️lf ". Pagkatapos kung magbihis at mag-ayos kaunti naabutan ko ang asawa ko na kalalapag lang niya ang maliit naming maleta sa ibabaw ng sofa saka niya sinasara ang zipper nito.
"Bhie," tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at agad din niyang binalik ang mga mata sa maleta."Hmm? May kailangan ka.?"
"Maligo ka na rin at mag-ayos" sabi ko sa kanya. "Nang makaalis na tayo. Naghihintay sila, Mama."
"Sige. Isarado ko lang to maigi." sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Busy siya sa pagsasara ng zipper nito.
Hinayan ko siya at umupo ako sa kama para i-text si Mama. Naisipan ko ring padalhan ng mensahe si Irish para mag-confirm na makikipagkita ako sa kanya. Total limang araw namang aalis para sa seminar si Khian itataon ko na rin ang makipag-catch up. It's been a while, simula ng makapagtrabaho siya sa Manila.
Irish d' Chipmunks
Go ako, siswang. Message mo lang ako kailan tayo magkikita.
Bumaling ang paningin ko na dumako sa may chaise lounger na nasira. My face heated up when a image of us popped up on my mind. We did the cowgirl reverse and doggy style positions on that lounger. Ganoong posisyon namin pinadama ang pagmamahal at pananabik sa isa't-isa. Alam kong nagustuhan ng asawa ko dahil sa ilang beses din siyang malutong na napamura.
Nasa gitna ako ng pag-alala sa nangyari kagabi ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Mabilis na nag-angat ako ng tingin kay Khian. Katulad ko, tumerno siya sa suot ko. Kanya nga lang "She's my better h❤️lf" ang naka-print at nakamaong short ito.
"Kawawang chaise lounger." Tumigil siya sa harap ko habang nagpupunas siya ng buhok niya.
"Sino may kasalan?" pilya kong tanong.
"You.. Nabalian mo lang naman ng magkabilaang paa nyan."
"Ako talaga? Ikaw kaya may kasalanan."
"Sa susunod, doon na tayo sa mas matibay. Iyong hindi na basta-basta masisira." makahulugang sambit nito, may halong kapilyuhan ang mga mata.
"Heh.! Tumigil ka."
Wala pa nga akong sapat na pahinga, nagpapahiwatig na naman siya. Gusto na naman niyang maka-round. Bilib din ako sa tibay ng estamina nito, sukong-sukong na ang katawan ko siya ay hihirit pa.
"Tara na, baka mamaya ikaw pa maging tanghalian ko." pilyong aya niya nang matapos siyang magpunas sa buhok niya at kinuha ang maleta.
"Neknek mo." tinalikuran ko na siya.
Nakadalawang hakbang palang ako nang magsalita siya sa likuran ko.
"Can you hold this for me, please." he asked for a favor. Inabot niya sa akin ang wallet at cellphone niya.
Walang salita kong kinuha sa kanya ang gamit niya't hinawakan ko, saka kami tuluyang lumabas ng kwarto. Hawak ng kamay niya ang isang kamay ko, ang isa naman ay ang maleta.
Halos isang oras ang maging byahe namin bago kami nakarating sa bahay. Nadatnan namin na nakahain na si Mama sa lamesa. Agad kaming kumain pagkadating namin. Puno nang kwentuhan sa buong durasyon ng pagkain, kahit apat lang kami nila Papa. Nakikipagbatehan din ang mga magulamg ko na dumito muna ako sa bahay habang wala ang asawa ko. Sinabi ko lang na magiging okay ako sa apartment ni Khian. Para ma-adjust ko na rin sa sarili ko habang wala siya.
Nagsilid lang ako ng kaunting gamit ko sa bag. Ayaw ko nang dagdagan pa ang liligpitin kapag lilipat na kami ni Khian sa sarili naming bahay.
Hindi kami nagtagal sa bahay ng mga magulang ko dahil aasikasuhin ko rin ang mga dadalhin ng asawa ko sa pagluwas niya bukas.
"Dito ka na lang muna kasi Kei, wala naman ang asawa mo ng ilang araw." hirit pa rin ni Mama ng matapos kaming mag-paalam na aalis na.
"Uuwi po ako dito kapag makapagkita na kami ni Irish, Ma. Wala po ang asawa kong maghahatid-sundo sa akin kahit anong oras.' paliwanag ko.
"Siya na. Mag-ingat kayo. Sabihan mo ang asawa mo, dahan-dahan siya sa pagmamaneho", sumusukong sabi niya. Yumakap ako at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas sa bahay.
Nasa labas na ng sasakyan si Khian nang lumabas ako. Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya at nakatingin sa akin.
Nagumiti siya nang nakalapit na ako. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinapasok ako bago umikot para sumakay na din.
"May gusto kang puntahan o bilhin?" Tanong ni Khian sa akin nang sinimulang paandafin ang sasakyan. Umiling ako. Sinabi ko na gusto kong umuwi at mag-impake ng mga damit niya.
Tahimik naming binaybay ang daan habang nagmamaneho si Khian, pero hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Umupo ako diretso sa sofa ng makapasok ako kasunod si Khian na hawak ang mga gamit namin. Inilagay niya sa gilid ng sofa saka siya tumabi sa akin.
"Baby," tanong niya sa akin. Tinignan ko siya. "Bakit?"
"I love you." He smiled broadly at me and wink.
"Huwag kang ganyan, alam ko na naman yang style mo na yan." I told him. Sumimangot naman siya.
"Pasok na ako, ihahanda ko mga dadalhin mo. Sunod ka, malay ko may lakas pa ako, exercise tayo." Ang lapad ng ngiti konsa kanya at tumayo na.
"Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Khian
"Tayo na, sulitin mo ang natitirang oras mo bago ka aalis bukas," ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa kwarto. Narinig ko naman ang pagtawa niya.
Nakaunan ako sa braso ni Khian habang ang kamay niya ay nasa baywang ko nang magising ako kinabukasan. Pareho kaming walang saplot sa ilalim ng kumot. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko ng mukha agad niya ang nakita ko. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakayakakap siya sa akin.
Sinubukan kong tumayo pero mas naramdaman ko ang paghapit niya sa akin palapit at pagyakap ng mahigpit. Humalik pa nga siya sa sentido ko.
"Bhie, kailangan ko ng bumangon," hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.
"Later, bb.!" He said huskily. He's teasing me. Iniipit niya ang isang hita sa pagitan ng mga hita ko.
"Khian Jace Real.!" Pag-iinarte kong daing. Kinagat naman niya ang balikat ko.
"I need to get up, wala kang kakainin bago ka aalis." Natatawang sabi ko sa kanya. Tamad na tinignan niya ako. "Oo na." Nakasimangot niyang sabi bago niya inalis ang kamay sa baywang ko.
Napapailing ako. Dumakwang nalang ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Gumanti siya ng halik sa akin. Pinasok niya ang dila niya sa bunganga ko at malakas siyang dumaing.
"Khian.!" tinulak ko siya sa dibdib niya. " Sa kusina lang ako." nakangiti kong sabi. Lumayo ako at pinulot ko ang panty ko at ang t-shirt niya sa sahig. Dumiretso muna ako sa banyo at naglinis ng katawan ko bago ako lumabas papuntang kusina.
I decided to make fried rice and tocino for him. Mahaba-haba ang biyahe niya kaya okay lang kung mas mabigat ang kakainin niya na almusal. Mabuti na lang marunong ako sa pagluluto, hindi ko problema kung paano ko maipaghahain ng ipapakain ko sa asawa ko. Sampung taong gulang lang ako ng matuto ako sa lahat ng gawaing bahay. Hindi ako hinayaan ni Mama na walang alam gawin kahit mag-isa lang akong babae. Kahit minsan din naman di niya ako inuutusang gumawa.
Maayos ko namang nagawa ang almusal para sa kanya. Nagtimpla na din ako ng black tea base sa timpla na gusto niya.
Pumasok ulit ako sa kwarto namin para ilabas ang luggage niya. Nadatnan kong nakapikit pa ito, nakadapa showing his muscled back and plump butt. Dinaig pa niya ako na mas matambok ang pwet niya.
Dahan-dahan kong hinila ang luggage niya at dinala sa sala. Nireplyan ko din ulit si Irish na bukas ay wala akong gagawin kaya bukas na lang kami magkikita.
Maya-maya'y lumabas na rin si Khian mula sa kwarto namin. Nakapaligo na ito at nakasuot ng simpleng baby blue polo shirt at naka denim pants, na tinernohan niya nga white sneakers.
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. "May space ba to sa luggage, baby?" tanong niya sa akin at tinaas ang hawak niya. Di ko napansin yon kanina.
"Meron pa naman, akin na ilalagay ko." sagot ko saka ko inilahad ang palad ko. "Bakit mo dadalhin ito?" bigla kong tanong nang mapasakamay ko ito. Top blouse ko lang naman na pinakapaborito ko ang ipapalagay niya.
"Para di kita masyadong mamiss. Yayakapin ko lang yang damit mo kapag matutulog ako.", sagot nitong nakangisi. Katulad kong namumula ang mga pisngi.
Inismiran ko lang ito. "Dami mong alam, Real." pero nilagay ko lang din sa luggage niya ang blouse ko.
"Walang basagan ng trip, Mrs. Real."
"Tara na. Kumain na tayo." aya ko sa kanya. Umaaandar na naman si air supply.
"Ako dapat nagluto," ani niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya bago tumaas ang isang kilay ko.
"Gawain ko bilang asawa mo ang pagsilbihan ka." sabi kong nakangiti. Lumapad ang ngiti niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago lumunok. Nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple nito. Lakas ng dating niya sa akin sa ginawa niya. He is sinfully and effortlessly handsome. Well, that is for me , of course. Ako ang asawa kaya ako ang unang pupuri sa kanya.
Pinulupot niya ang kamay niya sa baywang ko habang papunta kami sa may dining table. Pinaupo ko siya at pinaghain ko sa harap niya ang niluto ko. Nakatingin naman sa akin si Khian.
"Huwag mo akong maliitin, mahal ko. Maliit lang akong nilalang pero kayang-kaya kitang ipagluto kahit anong putahe na gugustuhin mo." Pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa tingin niyang nakakaloko.
"Wala akong sinabi." Ngumisi siya sa akin. Linagyan ko rin ng friedrice at tocino ang plato niya. Bago ako tumayo at ininit ang tea niya sa microwave.
"Hmm.. masarap ka talaga magluto. No doubt kitchen is your favourite spot in the house." sabi niyang humahanga. Kininditan ko naman siya na ikinangiti niya lalo. Bago kami kumain din.
Naubos naman naming dalawa ang niluto ko. Mas lamang na mas marami siyang kinain kaysa sa akin. Matapos kumain ako na ang naglinis ng pinagkainan namin habang kinuha niya ang bagpack bag at luggage niya sa sala. Tinanong niya kung may pupuntahan ako ngayon o ano ang gagawin ko. Sinabi ko lang na dito lang ako sa apartment. Hanggat wala pang araw kung kailan kami magkikita ni Irish. Lilibangin ko siguro ang sarili ko sa pag-aayos ng buong apartment.
"Drive safely. Call or message me once you arrive safe and sound there." mahigpit na bilin ko.
"Opo.. Please, don't overwork yourself in cleaning the whole apartment. We can do that together once I come back." seryosong sabi niya sa akin.
Tumango ako. "Pumasok ka na. Babalik na ako sa loob." ani ko sa kanya bago mabilis na hinalikan sa labi niya.
"I love you"
"Take care"
Humalik pa siya sa noo bago siya tuluyang pumasok sa loob. Nang di ko na matanaw ang sasakyan niya ay bumalik na rin ako sa loob para gawin ang mga plano kung gawin habang wala siya.