Chapter 30 Catch Up

3480 Words
Chapter 30 TOHOM KEIRA IT TOOK me three days to finish cleaning up the whole apartment, including washing our laundry clothes. I knew guys are messy but Khian is different. Dahil marunong naman siya sa mga gawain bahay. Malinis naman na talaga, inulit ko lang at ginawa ko ang pag-general cleaning. I even cleaned the fridge, wash again all the pots, plates and utensils from the kitchen because of the dust. Pinalitan ko na rin ang kobre kama at naglagay na rin ako ng kurtina sa lahat ng bintana. Dati alam mo talagang lalaki ang nakatira dahil plain ang buong kabahayan pero ngayong makakasama na niya ako dito mas naging homey na. Dahil kung may isang bagay na ayaw ko kasi ay ang magulong bahay. Hindi ako perfectionist o maarte, mas nakakaginhawa lang kasi sa pakiramdam kung maaliwalas ang lahat ng nasa paligid. Mas komportable kang kumilos kung malinis. May inaasahan ka mang bibisita o wala hindi ka mapapahiya dahil alam mong malinis ang tahanan mo. Iwanan man namin ito kung makakalipat na kami sa sarili namin, alam naming malinis. Katatapos ko lang ilagay sa cupboard ang mga pinamili kong groceries ng mag-ring ang cellphone ko. It was a call from Khian so I picked it up immediately. "Hey" bati ko agad sa kanya. "Hello, bb." he greeted in his lively voice on the other line. "Sorry for not calling you early, I went to grab some groceries." I explained. I got his good morning message but I didn't read and replied it right away. "Na ah. . It's okay, just checking on you before the seminar will resumed again." Napangiti ako ng malapad kahit di niya nakikita. "I'm fine, simula nang umalis ka palagi na lang yan ang sinasabi mo," sagot ko dito. "One more day, I can't wait to go home, baby. I missed you so much." "Miss mo pa ako sa lagay na yan? Gabi-gabi kaya tayong magka-vidoe call, tawag ka ng tawag kung may spare time ka, halos kada oras din ang mga messages mo." bulalas ko. "Anong magagawa ko? Palibhasa ako lang ang nakakaramdam ng ganito" malungkot sa boses niyang sabi. "I missed you too, okay? Huwag ka nang magtampo diyan. Magkikita na rin naman na tayo bukas." "Anong oras pala kayo magkikita ni Irish?" pag-iiba niyang tanong. Nasabi ko kasi sa kanya kagabi na ngayon kami magkikita ni Irish, saka ako diretso pag-uwi sa bahay ng mga magulang ko. Doon na lang din niya ako daanan kapag makauwi na siya. "After lunch, sa Bicentennial Park lang naman kami magkikita kaya malapit lang. Lalakarin ko lang," sabi ko. "Mag-iingat ka pa rin. I'll hang up now, baby. I love you." "You too. I love you." I answered, before I ended his call. I cannot prevent myself from sniggling, it was so sweet of him, that something flutter inside of me always when he does that. He never changed, he always send me thoughtful messages and he constantly made sure if I'm okay even if he's away. I was getting ready when Irish message me that she's already in our meeting place. I just replied her, that I needed atleast five minutes to be there. After I took my small bag, I locked the door and went off. Nasa bukana palang ako ng park ng matanaw ko Irish na nakaupo sa pang-dalawahang bench malapit sa may playground. Nang mapansin niya akong parating na, dinaig na naman niya ang pang-grand entrance na boses niya. "Siswang.!" hiyaw ni Irish ng makita niya akong naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. Kumakaway pa ito. "Bunganga mo nga," saway ko dito ng makalapit ako. "Na miss kita.!" tili nito at niyakap ako nang mahigpit. "Noong kasal ko lang tayo huling nagkita," sabi ko pero yumakap din ako pabalik sa kanya. Natawa ako ng marealized niya ang sinabi ko. Biglang naglaho ang malapad niyang ngiti kanina. Na miss ko rin naman siya, di ko lang sinabi sa kanya. Masarap talagang asarin to. "Grabe ka, wala man lang na miss kita diyan, kahit joke man lang," nanghahabang ang mga ngusong saad niya. Marahan niya akong hinili sa tabi niya para maupo. "Kung may J.Co ka sana, sasabihin kong sobrang na miss rin kita." biro ko. "Bwisit ka, J.Co pala ang na miss mo hindi ako. Nakipagkita ka pa." sarkastiko niyang sabi. Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas sa hinanaing niya. Natauhan lang ako ng napatingin ang mga taong nasa park sa gawi namin. Tinakpan ko pa ang bunganga ko para magpigil ng tawa. "Uy.. Kwento ka na naman diyan, ano nangyari sa honeymoon niyo," pang-uungot nito sa akin. "Ano? Pati pa ba naman sa honeymoon namin ng asawa ko gusto mong malaman?" histeriyang saad ko. "Slight details lang ng may knowledge naman ako," pangungulit pa rin niya. "Tumigil ka nga. Bruhang to.!" Lalong nanghaba ang nguso ni Irish. "Ang damot mo ah." "Bakit ba kasi iyon ang tatanungin mo. Mag-asawa ka na rin para alam mo," inirapan ko siya. Minsan wala sa hulog ang mga tanong nito. Saglit siyang napalabi kapagkuwan ay bigla siyang nagsalita. "Maiba ako, kumusta na rin pala si Raine? Wala nang paramdam yon ah," tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako dahil maski ako man din ay wala ring balita sa kanya. Di rin kasi siya masyadong active sa social media lately na gaya namin ni Irish. Bago ang kasal pinadalhan ko naman siya ng wedding invitation kahit alam kong wala siya sa bahay nila. Tinawagan ko pa nga ang sabi niya uuwi siya bago ang araw ng kasal pero walang Raine sa araw na iyon. Nag-iba din kasi ang plano niyang uuwi dito sa Ilocos matapos din ang graduation niya. Doon pa rin naman siya naghanap ng trabaho niya. Kaya hindi na rin nabubuhay ang group chat naming tatlo dahil kadalasan kami lang ni Irish ang nagdadaldalan doon. "Ewan ko, malihim ang kaibigan mo na yon." sagot kong medyo natawa. Inirapan naman niya ako. Natawa ako dahil alam ko ang sunod na sasabihin niyan sa akin. Ikaw ang unang naging kaibigan niyan bago ako. Kaya nga kayo ang best of friends di ba. Madalas iyan ang katagang sinasabi ni Irish sa akin kapag si Raine ang concern sa usapan namin. "Baka magulat na lang tayo, kapag nagparamadam mag-aya na siya sa kasal niya." "Wala pa ngang boyfriend na pinakikilala sa atin kasal na agad." hirit ko. "Di mo sure." sabay ikot ng mga mata niya. Wala naman kaso, dahil ganun naman talaga. Habang nagmamature ang isang tao nag-iiba din ang isip at priority niya sa buhay. Depende lang naman sa kagustuhan ng isang tao kung ano ang least sa priority niya. As long as friendship lives in the heart. True friends will never apart. Because friendship is not measure by daily conversation or being together. Even communication is lacking, even the distance is miles away true friendship grows stronger over some time. "Hayaan na muna natin, baka nag-eenjoy masyado sa Cagayan yon. Mas pinipili niyang tumira na doon eh," sabi ko na lang para di na humaba ang pag-ooverthink ni Irish. Mas malala pa naman sa akin ang isang to. Matagal na kaming magka-kaibigan pero sa aming tatlo, ako ang mas nakakaintindi sa kanila. At least ako, I can still manage to look and balance at the two sides. Not unlike Irish being Irish, whatever comes in her mind, that will stretch with new idea, it will never return on its original aspect. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Irish, bago siya mag-ayang mag-ikot-ikot sa may department store malapit lang sa park. Tamang sight seeing lang naman ang ginawa namin habang nagpapalitan kami ng pananaw sa mga future endeavor namin. "No plans yet, Kei. May bunso pa na nag-aaral. Saka na lang din pag matapos na siya." sagot nito sa tanong ko kung ano ang palno din nila ni Aldrin. Two years na silang in a relationship sa isa't- isa. "Kung sabagay, mas masarap sa feeling kapag nakakatulong ka bago ang pansarili mong kagustuhan." "Ikaw? Baby na ba agad?" tanong din nito sa akin, habang nagbubuklat siya sa mga klase ng papel sa may stationery station. "Di pa naman namin napapag-usapan yan. Total bago pa lang naman kaming mag-asawa," paliwanag ko dito. Nauna akong lumabas sa kanya dahil nakipila pa siya sa may cashier station para magbayad. It was past 6 PM when we decided to have our early dinner in the restaurant across the department store. Magkasabay kaming pumasok na dalawa sa loob. Sumalubong agad sa amin ang isang waiter staff para igiya kami sa pandalawang upuan. As soon as we settled to sit, another waiter came to our table to get our order. I took the menu and choose what to eat. Same with Irish too. Sabay pa kaming nagbigay ng menu sa waiter. "Sabay pala tayong uuwi din pagkatapos natin dito?" tanong ni Irish sa akin. Tumango lang naman ako. "Oo, doon ako matutulog. Bukas naman ay darating na si Khian." sagot ko. Nagkaroon tuloy siya ng biglaang desisyon na doon sa bahay makitulog. Ilang sandali pa ay dumating ang aming pagkain. Nagpasalamat ako sa waiter bago ako nag-usal ng taimtim na dasal. "Makikitulog ako, para sulit ang bonding natin." sabi nito ng magsimula kaming kumain. "Mas maganda yan, dating gawi." sabi ko naman sa kanya. We used to do that before, ako lang ang hindi nakikipag-overnight sa mga bahay nila dahil hindi ako pinapayagan ni Papa. "I missed our movie night. Pati na rin ang paglalaro natin ng Super Mario," nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako dahil bumalik sa alaala ko ang mga pagkakataon na iyon kung makikitulog sila sa bahay. "Iyong maglalatag tayo ng banig sa sala namin, tapos kung sino ang matalo sa ating tatlo sa paglalaro ng super mario siya ang magliligpit ng hinigaan natin kinabukasan," ang sarap balikan ang mga iyon. "Kami lang naman ni Raine ang nagsasalitan sa pagliligpit. Di ka naman natatalo sa amin." sikmat nito na kinanguso din niya. Nakakatawang magbalik tanaw. Minsan nga dati pag kinabukasan di sila agad uuwi sa kanilang mga bahay. Makikikain muna sila. Minsan naman doon pa sila sa bahay maliligo na dalawa. Kumain lang kami ni Irish na ang paksa namin ay sa pag-alala sa mga bonding moments naming tatlo. Matapos naman kaming kumain ay hindi agad kami tumayo, nagpababa pa kami kaunti ng kinain namin. Irish was so engrossed to her phone and she's busy typing while I was busy also scanning in my f*******: news feed. I was scrolling up my feed when a photos caught my attention. Iniscroll ko pa ulit pababa para masigurado kung legit ang nakita ko. Unti-unting tumaas ang isang kilay ko ng makita ko ang dalawang uploaded na photos na nakatagged kay Khian. It's Khian and a girl in a tea house inside the Mall. Nakaupo sila sa isang high round wooden table. May mga nakaserve din na tea cup at parang citrus desserts sa harapan nila pareho. At ang caption ng post ay: "Got a chance, quick catched up to this man." Ilan na rin ang reactions sa post at may tatlong comments. Because of my curiousity, I read the comments below the post. "The reunited of ex-lovers." "Sana all may pag-catched up." "Patay kang bata ka, imention ko na ba asawa mo?.@Khian Jace Real." The last comment of the post was came from my cousin, Zyann. Dahil sa nakita at nabasa ko bigla kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Parang iniipit ang puso ko sa panibughong aking nararamdaman. Bakit sila magkasama ng ex-girlfriend niya? Hindi ko maiwasang isipin ko anu-ano ang mga dahilan bakit sila magkasama. Ipinilig ko ang aking ulo, ayaw kong isipin na niloloko ako ni Khian. Mahal ako ni Khian at maraming beses ko na iyon napatunayan. Nawala lang ako sa malalin na pag-iisip nang magsalita si Irish. "Tara na.?" sabi nito, pero nakakunot ang noo nito. Napansin siguro niya ang bigla pananahimik ko. "Sige, ako na magbabayad," sagot ko. Matapos akong magbayad sa bill namin ay lumabas na kami ng restaurant at nag-abang ng masakyan pauwi sa bahay. "Okay ka lang? Natahimik ka ata biga." tanong nito. Naninigurado sa aking inaakto. I sighed, as if I was very tired. "Yeah, Why wouldn't I be?" I told her, but the way she looked at me, she's not convinced to what I said. "Hmmm? she asked. "What is it, siswang?" Napailing naman ako rito bago ako nag-iwas ng tingin. Bukas ang mga ilaw sa kalsada na nadaraanan amin kaya kapansin-pansin ang titig ni Irish sa akin. Ilang saglit ang ginawa niyang pagtitig bago ko naramdaman ang mga braso niyang yumakap sa akin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kanina ko pang pinipigilan na luha dahil sa ginawa niya. "I know something is not right. Pero alam mong, nandito lang ako." mahinang sabi niya. Kahit malakas ang tunog ng sasakyan ay narinig ko pa rin sinabi niya. Tumango lang ako at agad kong pinalis ang luha sa pisngi ko. Hindi niya tinanggal ang mga kamay niya na nakayakap hanggang makarating kami sa bahay. Ako lang ang bumaba at siya ay uuwi pa para magbihis muna. Kahit sinabi ko ring huwag na, dahil pahihiramin ko na lang siya. "Balik ako agad." hayag niya. Nauna naman akong pumasok sa loob ng aming bahay. Naabutan ko ang mga magulang ko sa may sala na nanonood. Binati ko pa sila bago ako magsalita. "Ma, Pa matutulog po dito si Irish, ah." sabi ko sa kanila, tumango naman agad ang mga nito sa akin. Hindi na rin bago sa mga magulang ko ang biglang sleep over ni Irish kaya di na sila nagtaka. "Kumain na kayo?" tanong ni Mama, pagkatapos. "Opo, kumain na po kami bago kami umuwi." sagot ko bago ako nagpaalam na magpapalit lang ako at pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ay parang nanghihina akong napaupo sa kama. Bumalik ulit sa isipan ko ang nakita ko kanina. Napapaisip na naman ako ng kung anu-ano. Tinignan ko rin ang cellphone ko at nakita kong may message si Khian, tinatanong kung nakauwi na ba kami ni Irish. Nagreply lang ako ng, oo. Kahit samot-saring tanong ang gusto kong tanungin sa kanya ay pinili ko munang huwag magtanong. Antayin ko na lang muna siyang makauwi dito. Di ko na rin inabalang i-charge ang cellphone ko kahit nagwarning na ito na lowbatt na. Para maiwasan ko ang pag-iisip na mas lalong magpapabigat sa nararamdaman ko ay tumayo ako at kumuha ng mga damit kong pamalit. Bitbit ang mga damit na gagamitin ko lumabas ako sa kwarto, agad din akong nagtungo sa banyo at naligo. Saglit lang ang pagligong ginawa ko dahil baka darating na rin si Irish. Matapos akong maligo ay agad na rin akong nagbihis. Nagtoothbrush lang ako at nagsuklay saka ako lumabas. Lumabas na rin ako sa kwarto, saktong kararating lang ni Irish sa bahay. Wala na rin ang mga magulang ko sa sala. Bigla kaming natawa dahil agad naming napansin ang suot na pajama ng bawat isa. Kulay pink ang kanya na may mga designs na hello kitty. Ako naman ay kulay dilaw na may mga designs na dexter's laboratory. Kung nandito lang sana si Raine, kulay blue sa kanya na stitch. "Di natin pinag-usapan to ha." umirap na sabi ni Irish sa akin. Bago siya naglakad papasok at naupo sa habang sofa. "Right." sabi ko ding nakangiti at tumabi ako sa kanya. "Okay ka na? Pwede ka na bang magkwento?," sunod-sunod na tanong nito sa akin. I smirked at her and rolled my eyes. But on the other hand, as a friend I don't want to keep a secret to her. Lalo pa napansin niya ang pag-iiba ng mood ko kanina. Kwinento ko sa kanya ang nakita ko. Wala naman siyang masamang salita na sinabi, kundi pinaalalahanan niya ako. "Tanungin mo muna siya, para alam mo ang buo at tunay na kwento bakit sila magkasama." paalala nito sa akin. Bago to kay Irish na hindi agad nagbitaw ng mga negatibong salita patungkol sa paksa. "Oo naman, dahil kung hindi, kanina ko pa siya pinasabog ng mga iba't-ibang klaseng mga tanong." gatong kong natatawa. Kadalasan kasi sa iba, kung ano ang nakikita nila iyon na yon na ang paniniwalaan nila. Ako iba ang pananaw ko sa bagay na yan. There's always a three sides of the story. The sides of the both persons involve and the truth. Kahit naman nagseselos ako, I dont want to jump into conclusions. I have a trust to my man, I better listen to him first than to be consumed and air it with my jealousy. "Sana all lahat ng asawa maunawain." kunwa'y natatawang sabi nito. "Halika na, matulog na tayo." pag-aya ko sa kanya. Umiiling-iling itong nakatingin sa akin kaya tinukso ko siya habang naglalakad kaming dalawa. "Baka mas malala ka pagdating ng araw na ikaw ang makaranas ng ganito." "Takot lang ni Aldrin sa akin. Sa ganda kong to? Hindi rin siya kawalan no." mayabang na hayag niya. Ako naman ang napailing dahil sa sinabi niya. Nang makapasok kami sa kwarto ay agad kong inayos ang mga unan. Sanay kami na nag-aagawan sa iisang kumot kaya di na ako nag-abala pang maglabas ng extrang kumot para kay Irish. Humiga siya sa bandang kanan, saka ko naman binuksan ang electric fan. Pinatay ko ang ilaw saka ako tumabi sa kanya. "Good night, Chipmunks." bulong ko dito at agad namang humarap sa akin si Irish para iyakap ang isang braso niya sa baywang ko. Dumantay din ang isang paa ko sa kanya. "Sleepwell. . Bukas ka na ulit mag-isip" ganti nitong bulong. Tanging paghinga na lang namin ang naririnig sa kwarto hanggang di ko na namalayan na nakatulog na kami pareho. _______________________________________ Paggising ko wala ng Irish sa tabi ko. Kaya bumangon na rin ako at nagtungo sa banyo bago ako gumawi sa kusina. Nadatnan kong magkaharap na nag-uusap si Mama at Irish. Kumakain si Irish ng bread omelette sandwich. "Iinitan din ba kita ng sandwich?" tanong sa akin ni Mama. Umiling lang ako at tumabi sa kanya. Sumandig pa ang ulo ko sa braso niya. "Nakasimangot ka na naman, nag-iisip ka pa rin?," pagpuna ni Irish. "Hindi ah." sabi ko bago ako humirit kay Mama ng kape. "Makakapag-usap naman na kayo mamaya." "Nagseselos ka anak?" si Mama. Malamang nakwento na ni Irish dito ang nangyari kagabi. "Masama ba? Asawa ko yon alangan magpaparty ako," sagot ko naman. "At least, Tita, aminadong nagseselos siya." si Irish na ngumunguya pa rin. Sinamaan ko ito ng tingin. "Pinagpalit ka na pala agad ng asawa mo." dagdag ni Mama na parang mang-aasar. Bumalik ulit ang ang selos na naramdaman ko kagabi. Hindi ako umimik. Maingat din naman na nilapag ni Mama ang kape sa tabi ko. Kinuha ko iyon at sumimsim. "Tatatahimik yan, pero selos na selos kagabi." patuloy na parinig nito. "Walang masama sa pagseselos. Isang sangkap yan sa pagsasama niyo bilang mag-asawa. Nasa sa inyo lang din kung paano niyo tatanggapin ang pagseselos ng isa. Dahil ito ay maaaring makasira o mas magpatibay sa pagsasama niyo. Kung ganyan ang nararamdaman mo sa nakita mo, huwag mong kimkimin, aminin mo sa kanya para mapag-usapan niyo ang rason kung bakit nagseselos ka." mahabang pahayag at pangaral ni Mama. "Kanino ka nagseselos?" Halos mabuga ko ang kape na nasa bunganga ko at bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Napapitlag ako ng yakapin ako ni Khian mula sa aking likuran. Dumikit ang labi nito na humahalik sa sentido ko. "Bakit nagseselos ang asawa ko, hmmm?Kanino ka nagseselos, baby?" malambing ang tinig na tanong nito sa akin. "Bakit ang aga mong nandito na? Ngayon palang dapat sana ang last day mo?" "Dahil last speaker lang naman na ang mag-pepresent sana ngayon, nag-presentation na siya kahapon" "Tita, mauuna na po akong uuwi. Catch up again to you soon, Kei. Galingan mong magpaliwang, Khian" paalam ni Irish sa amin. Natatawa namang sumama si Mama kay Irish para ihatid nito sa pintuan. Kumindat pa ito sa akin bago umalis sa kusina. "Baby. ." "Hmmm?" "Nagseselos ka ba kay Johanna? Kaya ang cold ng reply mo sa message ko kagabi?" mas hinapit pa niya ako lalo. "Aaminin ko, dahil in the first place, di ko naman alam ang rason kung bakit kayo magkasama. Wala ka rin namang nababanggit. Tapos makikita kong ganun ang mga nakaupload na nakatagged sayo" hinarap ko siya at napansin kong kumikislap ang mga mata niya, nagpipigil siya ng ngiti. "Bakit ngiting-ngiti ka pa? Nagseselos na nga ako.!" Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang ang dalawang palad niya. "Wala kang dapat ikaselos kay Johanna. Yes ex-girlfriend ko siya pero may closure ang paghihiwalay namin. Maayos kaming naghiwalay to the point na naging magkaibigan kami pagkatapos naming maghiwalay. Yon lang yon, kaya wag ka nang magseselos sa kanya, okay? "Tssskkk.! Catch up with the ex-girlfriend" tinanggal ko ang mga kamay nito sa mukha ko at tinalikuran ko ito. "Baby," tawag nito pero hindi ko liningon. Diret-diretso akong pumasok na bumalik sa kwarto.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD