CHAPTER 5
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana ng kwarto namin ni Tyrone na pilit na sumisiksik sa nakapikit na mga mata ko.
Nilingon ko ang katabi ko, wala na pala dito ang asawa ko. Nauna na akong natulog kagabi nakatulog ako kakahintay sakanya.
Nag-inat nalang ako ng katawan pagkatapos ay bumaba na sa higaan namin upang bumaba na.
Alas sais na ng umaga, muntikan ko nang makalimutang paghandaan ng pagkain si Tyrone. Siguro'y nagmamadali lang talaga siya kaya hindi na siya nag-abala'ng gisingin ako.
Bumaba na agad ako at pumunta sa kusina, ngunit may nakita akong isang sticky note na nakapaskil sa dining table, may katabi naman itong mga gamot.
Kinuha ko ito at binasa.
Maaga akong umalis, uuwi ako ng maaga mamaya. Drink your medicines. Sayo nalang 'yang lulutuin mo. Just reminding.
Wala sa sariling napangiti ako sa nabasa ko, kahit na note lang yun at di masyadong sweet, still kinilig parin ako. Kahit na wala'ng nakalagay na pangalan ay kilalang-kilala ko pa rin ang sulat-kamay nito.
Naghanda na nga ako ng pagkain, isang scrambled egg lang saka nag-gisa din ako ng kanin.
Mag-isa lang akong kumain ngunit mukha akong baliw kakangiti dito. E papaano ba kasi, hindi ko mapigilan nadala ako sa kilig ko kanina lang, ewan ko ba sobrang big deal iyon para saakin. Samantala'ng isang simpleng note lang naman 'yon para kay Tyrone.
Speaking of Tyrone. Saan nga pala siya pumunta? Sabado naman ngayon.
Inis ko namang binatukan ang sarili ko nang may biglang sumagi sa isip ko, "Utak, Sam! Syempre sa kompanya nila." mahinang saway ko nalang sa sarili ko.
Mayamaya, habang nagpapatuloy ako sa aking pagkain. Bigla kong narinig ang ingay na sa pagkaalala ko'y ringtone ng cellphone ko na ngayo'y nasa sala.
Kinain ko muna ang ulam na nasa kutsara ko bago tuluyang tumayo at pumunta sa sala upang sagutin ang tawag.
Nagtungo ako sa sala at kinuha ka agad ang cellphone ko sa lamesita na nandoon.
Tiningnan ko muna ang caller. Numero lang ang aking nakikita. Sa pagkakaalam ko di ako mahilig magbigay ng number sa iba, bali nalang kina mommy, daddy, at Tyrone bago pa kasi itong simcard ko.
Iwinaksi ko na lamang ang mga isiping iyon sa at pinindot na ang answer button.
"Hello, sino po sila?" panguna ko.
"Hello, Sam." Isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin galing sa kabilang linya.
"S—Sino 'to?" tanong ko na lamang dito.
"Try to guess." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"Please, hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo."
At isa pa, gutom ako. Saka, baka bigla-bigla'ng dumating si Tyrone at marinig niya ako'ng nakikipag-usap sa lalaki.
"Okay, alright. Si Alex 'to" sagot naman nito na ka agad na nagpatigil sa akin.
Napansin yata nito'ng natahimik ako, "Hello, Samantha? Still there?"
"A—lex?" Tanong ko.
"Yes, it's me." he replied. Nanlaki agad ang mga mata ko.
"Bakit napatawag ka? Saka, saan mo nakuha itong number ko?" sabi ko na lang.
"Nothing, namiss lang kita. And about your phone number, I got it from tita." he answered. Base sa boses nito, nakikita ko ang imahe niya'ng nakangiti sa isip ko.
"Ah, okay."
Kailangan ko na'ng putulin ito'ng tawag, baka mahuli ako ni Tyrone. I'm talking to Alex for goodness' sake!
"Sige na Alex, ibababa ko na ito—" I'm about to end the call but then he interrupted me from talking.
"Wait, hindi mo manlang ba ako kukumustahin o sasabihang namiss ako? Kahit iyan man lang?", Natatawang wika nito na para bang nadismaya sa inakto ko.
"Oh, sorry. Look, nagmamadali kasi ako Alex, e—"
"Andito nga pala ako sa bahay niyo, can you come here, Sam?" he said. Napalunok naman ako sa kaba.
"W—What?"
"I'm with your mom, wanna talk to her?" he said.
"Sino 'yan, Alex?"
"Si Sam po, tita."
"Can I talk to her?"
"Sure po, here."
Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko nang makarinig ako ng nakakabingi'ng ingay na gawa sa kabilang linya
"Baby, Sam!" napangiti ako nang marinig ko ulit ang boses ni mommy. I missed her.
"Mommy, namiss po kita." I smiled.
"Me too, baby." she replied.
"Baby, Alex is here can you come and visit us?" my mom requested, my eyes widen.
"W-What? No, mom you know that—"
"Please, baby. Just this time, sabihan mo nalang si Tyrone. I know he would understand." she said. Mariin ako'ng napapikit nang maalala'ng. Wala palang ka alam-alam ang pamilya ko patungkol sa amin ng asawa ko.
Napahinga naman ako ng malalim, "Mom, pwede sa susunod na?"
"Huwag nalang." Ramdam ko ang pagtatampo sa boses nito. Goodness! Mahirap pa namang suyuin si Mommy lalo na kapag nagtatampo ito.
"M-Mom." I tried me very best to be sweet.
"Sa susunod nalang."
"Mommy naman, e." Hindi naman ito sumagot. Narinig ko na lamang ang pagbuntong-hininga nito.
"S—Sige na po, pupunta ako dyan mamaya." Napangiwi ako sa sariling sinabi.
"T—Talaga?!"
"Yes po."
"Thank you baby! I love you! We'll wait for you, alright?" natutuwang sigaw nito. Isang tipid na ngiti naman ang sumilay sa aking mga labi.
"Okay po, mom. I love you too." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang tinapos ang tawag.
Wala naman siguro'ng masama kung bisitahin ko si Mommy sa bahay. Hindi naman siguro malalaman ng asawa ko, uuwi naman ako ng maaga.
Mahigit isang oras ang lumipas bago matapos ang tawag. Nakabihis na ako, nakasuot ako ng pants at hoodie na pinailamnan ko naman ng puting tee shirt, baka lamigin ako nito mamaya, para narin matakpan ang mga pasa ko sa mga braso.
Susunduin daw ako ngayon ni Alex, at sinabi kong tawagan niya agad ako para makapaghintay ka agad ako sa labas ng bahay. Baka kasi makita ako dito ni Tyrone.
Matapos kong maisuot ang sapatos ko, mabilis akong lumabas ng bahay, hindi ko kinandado ang bahay. Sisiguraduhin ko namang maaga akong makakauwi hindi pwedeng maunahan ako ni Tyrone at baka magalit iyon.
Panay naman ang paglingon ko sa gilid, ang tagal niya. I tried to text him, and told him to hurry up.
Seven minutes passed, may pumaradang itim na kotse sa harap ko. Napatitig lang ako dito sa heavy tinted na bintana ng kotse na ito.
Narinig kong bumukas ang kabilang pinto ng kotse at nakita ko si Alex na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sa akin. Nang makita ko ang suot nito'ng damit, doon ko napagtantong, malaki ang pinagbago ni Alex.
Lumiko ito at naglakad papalapit sa aking direksyon. Nakapameywang lang ako habang nakataas ang kaliwang kilay ko.
"I missed you, Sam."
Umiling na lamang ako sa sinabi nito, "Tara na nga. Ayokong makita tayo ni Tyrone dito." putol ko agad sa sinabi nito. Walang mangyayari kung mag-uusap lang kami dito.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, agad naman akong sumakay. Pagkatapos ay lumiko ito at sumakay na sa driver's seat. He started the car's engine.
"So how are you, Sam?" he asked while driving.
"Okay lang ikaw ba?" pabalik kong tanong.
"I'm fine, thank you."
Ngumisi lang ito at pansamantala'ng inilipat ang tingin sa akin. Inirapan ko lang ito.
He stopped the car in front of our house. napatingin naman ako sa bahay na kung saan ko huli'ng naramdaman ang saya bilang isang bata at tinedyir.
Lumabas na ako sa kotse nang hindi tinatanggal ang aking paningin sa mansiyon na nasa harap ko na ngayon.
"Uy, baka matunaw yan. Andyan pa naman si tita sa loob." I heard him laughed. Tinapunan ko lang ito ng isang masama'ng tingin na nagpatigil sa kaniyang pagtawa.
Mayamaya'y lumapit na ako sa gate nang makita kong binuksan iyon ng mga katulong ng bahay.
"Salamat at bumalik din kayo dito, ma'am Samantha. Namiss ka namin." nakangiting sambit ni Manang Lourdes. Ang mayordoma.
I smiled "Oo nga po, namiss ko rin po kayo dito." nakangiti kong sagot, tumango naman ito kaya nagpatuloy na ako sa pagpasok. Nakasunod lang si Alex sa aking likuran.
Nang makalapit na ako sa pinto ng mansiyon, kinatok ko ka agad ito. Wala pa'ng tatlong segundo ay bumukas na ka agad ang malaking pinto ng bahay namin.
"Salamat po." pagpapasalamat ko sa mga kasambahay na bumukas ng pinto. Tumango lang ito at naglakad patungo sa gilid upang padaanin ako.
And there, nakita ko ulit ang loob ng bahay namin, ang lugar kung saan ako lumaki, at nakabuo ng masasayang alaala kasama ang mga magulang ko.
Marami'ng nagbago. Isa na doon ang iilang mga kagamitan ng bahay. Mas gumanda lang ito nang makita ko ang bagong aranya na nakasabit sa itaas na ngayo'y lumilikha ng kakaibang kulay sa loob ng mansiyon.
"Baby Sam!" Naputol ang aking pagninilay-nilay sa loob ng bahay nang marinig ko ang boses ni Mommy na nanggagaling sa itaas ng hagdan.
Dumungaw naman ako sa itaas, at nakita ko ang aking napakagandang ina na nagmumukhang reyna sa itaas ng hagdan.
"Mommy!" sigaw ko, halos takbuhin ko na makalapit lang sakanya at mayakap siyang muli. I missed her. So much!
She opened her arms as she walks towards me. Ka agad ko itong niyakap nang sa wakas ay maabot ko na ito, "I missed you, mom!"
"I miss you too, baby ko." mom replied.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa wakas ay tuluyan nang kumalas si mommy sa yakapan namin. She flashed me a smile.
"I'll prepare some snacks for you. Upo ka, baby. Tabihan mo si Alex" Tiningnan ko naman si Alex na ngayo'y nakaupo na sa sopa. Goodness! Feel at home 'tong baboy!
Nagsimula nang maglakad patungo sa kusina si Mommy, kaya nagtungo na rin ako sa sopa kung saan nakaupo si Alex.
"You didn't change, Sam." he commented.
Inirapan ko lang ito, "Well I don't need your comment. At isa pa, para saan at para kanino naman ako magbabago?" mataray na sagot ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, "Namiss ko yang katarayan mo babae ka. The last time I checked, you're a broken-hearted girl who wants nothing but the love of her life." natatawang wika nito pagkatapos ay ginulo ang buhok ko dahilan upang mainis ako.
"I missed you, bestfriend." he chuckled. Napatingin ako sakanya, I smiled.
Yes, he's my childhood friend so we considered each others as best friends, we're so close back then. Kami'ng tatlo nina Joy at Alex ang sinasabi'ng partners in crime noon.
"Me, too" sabi ko nalang.
"Kumusta kayo ng asawa mo?" he asked.
"Okay naman." I answered.
"Ah." tanging nasambit na lamang nito.
Mayamaya ay naghari ang buong katahimikan sa pagitan namin. Hindi naman kasi ganoon ka konportable'ng pag-usapan ang bagay na iyon. Lalo na't siya pa ang kasama ko noong gabi'ng iyon.
"By the way. Alex, nagtrabaho kana ba?", Pagbasag ko na lang sa nakakabinging katahimikan.
"Yep, you?" he intentionally popped the letter p. Napailing nalang ako.
"H—Hindi pa, e." nahihiyang sagot ko.
"Why?"
Hindi naman ako ka agad nakasagot sa tanong nito. Naubusan ako ng mga salitang isasagot ko sa kaniya. At isa pa, nakakahiya'ng sabihin sa kaniya'ng hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa nakaraang iyon.
Good thing. Dumating ka agad si Mommy to save me. "Here, enjoy your snacks!" Dumating agad si mommy habang dala-dala ang mangkok na naglalaman ng luto nito'ng mga galyetas.
Kahit na malayo pa si Mommy ay naaamoy ko pa rin ang napakabango'ng luto nito. My favorite cookie of all time. Masarap magluto si mommy, at minsan na rin niya'ng naikwento sa akin na hilig niya ang pagluluto. Lalo na ang pag-imbento ng panibago'ng mga ulam.
"Hinay-hinay lang, baby. Baka mabilaukan ka.", narinig ko naman ang pagtawa ni Alex sa tabi ko. Napanguso na lamang ako.
Habang kumakain kami, ay nagkukwento rin si Mommy like we used to do noong mga bata pa kami ni Alex at Joy. To be honest, I missed this guy, nawala siya ng tatlong taon. Tapos isa pa, isa siya sa mga taong malapit sa akin noon.
We talked, laughed and ate. Napasabay naman si mommy sa ginawa namin kaya mas lalong umingay ang buong bahay.
"I still remember when you two were still kids! And Adela and I are busy searching for you, kasi umalis kayo ng di nagpapaalam, alam niyo ba na halos mamatay na kami sa kaba? Mabuti na lang at hindi niyo kasama si Joy at baka atakehin ng puso si Susan. " natawa ako sa kwento ni mommy. I can still remember that day.
"Minsan na rin 'yang ikinwento sa akin ni mommy, tita. Nang mahanap niyo nga raw kami kinurot mo daw si Sam, samantalang ako hinampas-hampas ni mommy sa pwet. Tapos si Joy panay iyak sa gilid dahil naaawa sa amin.", Natawa ako sa narinig ko. Ang sarap ibalik ng mga alaala'ng iyon.
We're in the middle of talking about things but suddenly my phone rang inside my pocket.
Kinuha ko naman ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ni Tyrone dito.
"W—Wait po, sasagutin ko lang." sabi ko, tumango naman sila kaya lumayo muna ako saglit. Nanginginig ang mga kamay ko samantala'ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko habang patuloy pa ring nakatitig sa pangalan ni Tyrone na ngayo'y tumatawag sa akin. Bago pa man ito tuluyang matapos, ay sinagot ko na ito.
"H-Hello, Tyrone?", Kinabahan ako, ang bilis ng t***k ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko na tila ba'y nakagawa ako ng isang napakalaking kasalanan.
"Fck. Where the hell are you, Samantha?!", Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi nito. Gulat at kaba ang sumalakay sa aking buong katawan.
"S-Sorry andito ako sa bahay namin—"
"You want me to get you there, are you?!" tila ba nananakot nitong wika sa akin.
Napatingin naman ako sa suot ko'ng relo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita'ng alas tres na pala ng hapon.
"N-No. Wait, uuwi na ako don't worry." nauutal kong sabi, mabilis kong binaba ang tawag at tumakbo agad pabalik sa sala upang ipagpaumanhin ang aking sarili kina mommy.
"M-Mom, Alex. I need to go. My husband is already waiting for me. I'm sorry." I apologized.
"Oh sure, baby. Alex, will accompany you." mommy said.
Ka agad naman ako'ng napailing sa sinabi nito, "No, mom. Huwag na po." I rejected.
"I insist. Uuwi na rin kasi ako, I just came here to visit tita. Dadaan din naman ako sa bahay niyo—"
"No, Alex. I can manage, magco-commute na lang ako." I cut his words.
"Baby, huwag nang matigas ang ulo. It's not safe. Saka, magagalit ba si Tyrone kapag nagpapahatid ka?" my mom guessed. Yes! Tama nga ang hula nito.
Mabilis naman akong umiling, "No, of course not. A—Ayoko lang pong makaistorobo." I lied.
"Well, I'm not busy." Alex replied.
Sa huli, sila pa rin ang nasunod. Nagpahatid lamang ako kay Alex, like what my mother said.
Habang nasa kotse kami ay panay tingin ako sa daanan dahil sa katarantahan. Tahimik akong nananalangin na sana'y hindi ako sasaktan ng asawa ko.
"Wait. What's happening, Sam? May problema ba?" napansin yata nito na hindi ako mapakali. Umiling lang ako dito.
"N—No. Please pakibilisan nalang, Alex." sagot ko na lang dito. Katulad nga ng sinabi ko, binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan.
Hindi pa man kami tuluyang nakarating sa bahay namin ni Tyrone ay pinatigil ko na siya. Lalakarin ko na lang galing dito. Baka makita niya kasi si Alex at magkagulo na naman.
Nang tuluyan na akong makarating sa harap ng malaking gate, binuksan ko ka agad ito at dali-dali'ng pumasok sa loob ng mansiyon. Hindi pa ako tuluyang makapasok ng bahay, laking gulat ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkahawak sa aking buhok at hinatak ako patungo sa sopa na naroon.
"A-Aray, Tyrone! M-Masakit!" impit kong sigaw, naiiyak na ako dito. Pakiramdam ko ay matatanggal na sa aking anit ang mga buhok ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya.
"You deserve to be punished, b***h!" he shouted angrily, napaiyak ako lalo sa narinig ko.
"I saw you! With that guy. So, you're secretly seeing each other ah? Nagawa mo pang lumandi ng patago! Siguro kating-kati ka na talaga!" he shouted. Magsasalita pa sana ako, nang mauna'ng dumapo ang mga palad nito sa aking kaliwang pisngi na tuluyang nagpaiyak sa akin.
Malakas niya akong tinulak na sana'y pabagsak sa sopa, ngunit bumagsak ang katawan ko sa sahig dahilan upang mapadaing ako sa sakit.
"Did I interrupted you? Are you too making fun of me?!"
Namumula na naman ang mga mukha nito. Wala akong ibang magawa kundi ang gumapang paatras.
"N-No, Tyrone—"
"I'll punish you!" sigaw nito. With full of force, he gripped my left arm and pulled me up close to him.
He started kissing me. Aggressively, pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko sa diin ng pagkahalik niya. Minsan nito'ng kinagat ang labi ko dahilan upang mapadaing ako.
"You want this right?"
I was crying, nagmakaawa ako pero parang hindi niya ako naririnig. Patuloy lang ito sa ginagawa, hindi ko na siya magawa'ng pigilan at tila ba'y nag-iba ang Tyrone na nakagisnan ko.
"T-Tyrone, please stop."
•ohmy_gwenny•