Chapter 8

2553 Words
SHAIRA Halos hating gabi na ng matapos ako sa ginagawa ko. Pagod at masakit ang katawan na humiga ako sa kama para magpahinga. Dapat kong pilitin na makatulog agad dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Kailangan kong agahan dahil tinuturuan ko ang bagong hire na manager na siyang papalit sa akin sa main branch ng kumpanya. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang cellphone ko. Oo nga pala ipapasa ni Jasmine ang contact number at details ng pinsan nitong si Jordan. Kailangan ko nga palang tinganan iyon dahil malaking tulong sa akin kung sakaling tama ang sinabi ng kaibigan ko na maaaring matulungan ako ng pinsan niya. Agad na kinuha ko ito sa lugar kung saan ko ito na iwan kanina. Ilang message din ang dumating kabilang na doon ang screenshot ng picture ng account ng pinsan ni Jasmine na si Jordan. Tama nga siya mukhang nasa thirties pa lang ito dahil hindi pa siya mukhang may edad gaya ng inaakala ko. Agad na binuksan ko ang Ebook account ko at hinanap ito. Nakakahiya man pero lakas loob na nag-friend request ako. Laking gulat ko ng agad nitong in-accept at online pala siya sa mga oras na ito. Sinamantala ko na total ay online rin naman siya. Hanggang maaari sana ay ayaw kong basta na lang nag-se-send ng friend request sa social media lalo na at hindi naman kami personal na magkakilala. "Hello," agad na nag-pop out ang messenger ko. Ang bilis naman niya, parang hindi na yata ito natutulog kasi alam ko na sa mga oras na ito hating gabi na rin naman sa Pilipinas. Pareho lang kasi ang oras dito at sa pinas kaya hindi ako maaaring magkamali. "Hi, sorry kung nag-friend request ako sa'yo. Actually binigay ni Jasmine na pinsan mo ang Ebook account mo para kuntakin ka incase na magkasundo tayo sa bagay na gusto at kailangan ko," walang paligoy-ligoy na sabi ko. Isang naka-smile na emoji ang natanggap ko bago nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko inaasahan na tatawag ito lalo pa at bago ko pa lang siyang nakaka-chat ngayon. "Hello," alanganin na sagot ko. "Hi, pasensya na kung tumawag agad ako. Sinabi kasi ni Jasmine na ayaw mo raw nakikipag-chat kaya tinawagan na kita," mabilis na paliwanag nito. "Okay lang, na appreciate ko ang gan'yan. Mas mabilis at maayos tayong makakag-usap at tipid sa oras," derecho na sagot ko. "Anong kaso ang ipapagawa mo?" tanong agad nito. Mukhang makakasundo ko nga ang isang ito. Ganito ang gusto kong kausap straight to the point at walang pasikot-sikot. "May lalaki akong hinahanap, gusto kong malaman kung anong naging kaugnayan niya sa kapatid ko at kung siya ang nakabuntis dito dahilan ng pagkamatay niya matapos ipalaglag ang bata," paliwanag ko. "Iyan lang ba?" tanong nito. ''Anong iyan lang ba?" tanong ko dahil kung makapagsalita siya ay parang kay dali lang ng sinasabi ko. "I mean iyan lang ba ang gusto mong malaman? Ayaw mo bang alamin ang profile niya at mga bagay na tungkol sa kan'ya?" tanong pa nito. Nag-isip ako, kailangan pa ba iyon? Kung sabagay baka kakailanganin ko nga siguro 'yon kung sakali na lumapit ako sa kan'ya at isagawa ang plano ko. "Sige alamin mo ang lahat ng tungkol sa kan'ya, maging sa mga babae sa buhay niya. Kung magagawa mo iyon much better," sabi ko dahil plano kong sirain ang relasyon nito sa kung kaninong babae ito konektado. "Sige, walang problema. Kapag nakita ko na ang profile niya pag-aaralan ko muna at bibigyan kita ng feedback," straight to the point na sagot nito. "Okay, naiintindihan ko. Bago ko ipadala ang profile niya, gusto kong malaman kung magkano ang babayaran ko sa deal na ito?" tanong ko. Alam ko na may kamahalan ito pero si sige ako alang-alang kay Reign. Kaya nga ako masigasig na nagtatrabaho talaga para makaipon para pangbayad dito. Matagal ko itong pinaghandaan. Hindi ko panghihinayangan ang pera na pinaghirapan ko kung sa huli ay maigaganti ko si Reign at mabibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa kan'ya. "Saka na natin pag-usapan ang bayad kapag nakita ko na ang details ng profile ng ta-trabahuhin ko. Nakadepende kasi iyan sa expenses ng trabaho. Don't worry hindi kita sisingilin sa serbisyo ko. Sagot ko na iyon gaya ng pangako ko kay Jasmine. Alam mo kasi may utang ako sa kan'ya kaya sinisingil ako," mahabang paliwanag nito. Gusto kong natawa sa sinabi niya, typical na Jasmine, lahat talaga gagawin para makatipid. Kahit saan gumagana at ginagamit nito ang pagiging sales representative niya. "Willing naman akong magbayad, isa pa ayaw ko ng utang na loob," seryosong sagot ko. Totoo 'yon ayaw na ayaw ko sa lahat ng may utang na loob lalo na sa taong hindi ko lubos na kilala at tulad niyang lalaki pa na ngayon ko lang nakausap at nakilala. Sabihin ng masama ugali ko sa uri ng pananalita ko pero iyon talaga ako. Malimit kasi akong gamitan ng utang na loob kaya nagsawa na ako. Mas mabuting magbayad ng pera kesa magbayad ng utang na loob na hindi ko alam kung hanggang kailan kailangan na pag-bayaran. "Walang gano'n, kung ano man ang utang ko kay Jasmine labas ka na doon. Isa pa, magbabayad ka naman kaya 'wag mo ng isipin 'yan," natatawa na sagot nito. "Salamat, sige ipapasa ko sa iyo ang details. Paki-send na lang ng email address mo at doon ko i-send," sabi ko. Ayaw ko na rin kasing humaba ang usapan. Bukod sa estranghero pa rin siya sa akin ay kailangan ko na rin talagang matulog. Hirap pa naman akong gumising ng maaga kaya challenge sa akin ang pang-umagang duty. Mabilis akong nagpaalam at agad na pinatay ang tawag ni Jordan. Kahit paano ngayon ay nagkaroon na ako ng konting pag-asa. Agad na binuksan ko ang laptop ko ng makita ang email address na pinasa ni Jordan sa messenger ko. Agad na ipinasa dito ang lahat ng detalye na nakalap ko tungkol kay Don Montenegro. Nagkaroon ako ng pag-asa na sa pagbalik ko sa bansa ay magagawa ko na ang mga planong binuo ko. Pahihirapan ko ng husto ang lalaking 'yon at sisirain ko sa publiko ang pangalan na iniingatan niya. Sisiguraduhin ko na hindi na siya muling makabangon at aayawan siya ng mga taong parang mga bulag na humahanga sa kan'ya. Kuyom ang kamao na pinatay ko ang laptop ko matapos na ipasa kay Jordan ang lahat. Konting panahon pa, ilang araw na lamang at babalik na ako sa bansa. Siguro naman sa pagkakataon na ito ay hindi na magiging maramot sa amin ang katarungan. Sana talaga makakuha si Jordan ng mga importanteng detalye na kailangan ko para mapabagsak ang iresponsableng lalaking iyon. Tama, sisingilin ko siya sa paraang hindi niya inaasahan. Kung inaakala niya na habang buhay na matatakasan niya ang ginawa niya kay Reign nagkakamali siya dahil narito ako na handang singilin siya sa anumang paraan. Kinabukasan, pagod at hirap man gumising ay pinilit kong bumangon. Ilang araw na lang ang titiisin ko at uuwi na ako. Limang araw pa matatapos ko na rin ng tuluyan ang kontrata ko at makakauwi sa bansa. "Miss Shaira, can you please help me with one of our picky customer," magalang sabi ng Malaysian national na staff kong lumapit sa table ko. Agad na nilapitan ko ang taong sinasabi niya. Tama nga siya, isa ito sa pinakamahirap at maselan na customer ng shop namin. "Hi Miss Lee, I'm glad to see you here. How are you? You look so beautiful today," nakangiti na bati ko dito. Ngumiti ito sa akin gaya ng inaasahan ko. Isa siya sa masungit na top at vip client namin pero big time customer kaya kahit napaka-suplada nito ay ginawa ko ang lahat para manatili ang loyalty nito sa product ng kumpanya. "God, I'm glad you're here, Shaira. The staff who assisted me had no proper knowledge of the thing I'm asking. Maybe she didn't know that I am one of those long-time customers here. You see, I can assure you that I have more knowledge of the thing she was discussing with me. She keeps telling me the same thing. Anyway, where is the package deal that you, guys, mentioned online?" mahabang litanya nito. Kilala ko na siya, inaayawan talaga siya ng mga staff na nakasama ko dahil matanong ito. Lahat na lang ng mga bagay ay tinatanong pero napakamasungit ng awra na tila ang hirap kumbinsihin. "Well, here's the deal, Miss Lee," sabi ko sabay abot ng folder ko na nasa counter at mabilis na ipinakita dito. Marami at mahabang paliwanag ang nangyari pero matapos ang halos isang oras ay lumabas itong nakapag-sign up ng package sa amin na good for two years para sa cosmetic supply including salon and spa package services deals. Sa totoo lang mahirap ang ganitong trabaho. Kailangan na mahanap mo ang kiliti ng bawat kleyente. Mahirap din i-balanse lalo na at iba-iba ang ugali ng mga tao. Masyadong mabusisi ang Chinese-malaysian pero sila ang uri ng kleyente na willing gumastos ng bongga para sa sarili. Okay lang ang mga Malay, some of them ay may freedom gumastos sa sarili but minority ay hindi lalo na at mahal ang bilihin. "I xe tahu macam mana awake dapat sales tadi. Kaka tu, sangat garang. I selalu takot kalaw dia dah tempat nak masuk kat sini. Tadi I cepat lari masuk kat sana," natatawa na sabi ni Wendy ng lumabas mula sa staff room. ("Hindi ko alam kung paano mo nagawa na makuha ang sales kanina. Nakakatakot siya, parang laging galit kaya kanina ng makita ko siyang papasok dito, ang bilis kong nakatakbo papasok.") Translate in Tagalog. Alam ko na marami ang takot kay Miss Lee. Bukod kasi sa mukha itong mataray ay talagang uungkatin niya ang lahat-lahat ultimo kaliit-liitan na detalye ng bagay na gusto niyang malaman. Sadyang maikli lang ang pasensya ng mga Malaysian. Hindi sila gaya ng mga Pinoy na priority ang customer service. Sila kapag ayaw, kahit ngiti pinagdadamot at walang pakialam na nakatayo lamang sa sulok. Itong ugaling ito ang malimit na pagkakaiba ng Malaysian at pinoy na tulad ko. Bagay na nakikita ng mga big boss ko kaya ginagawa nila ang lahat para sana magbago ang isip ko at muling mag-renew ng kontrata sa kumpanya. Pero buo na ang desisyon ko, walang kahit ano ang nakapagpabago ng isipan ko kaya ilang araw na lang ay uuwi na ako. Malaki ang mawawala sa akin dahil alam ko na mahihirapan akong makahanap ng trabaho sa pinas na kayang tumbasan ang sahod na meron ako ngayon. Tama si Jasmine, mahal ang bilihin pero hirap ka namang makahanap ng matinong trabaho. Meron ngang available pero karamihan ay sakto lang para bumuhay ng pamilya at pag minalas ay kulang pa. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin doon pero hindi ako pinanghihinaan ng loob. Buo at matatag akong babalik ng Pilipinas kaya malakas ang loob ko na makakahanap din ako ng magandang trabaho. Hindi man iyon kasing laki ng sahod ko dito pero sigurado akong magiging maayos ang lahat lalo na at kasama ko si mama. Dahil abala ako sa training ng mga tauhan na iiwan ko ay nakalimutan ko ang oras. Saktong uwian na at naglalakad akong mag-isa ng maalala na tingnan ko ang cellphone ko. Halos maghapon ko nga pala itong hindi nasilip maliban kaninang alas onse. Kunot noo na binuksan ko ang message at nakita ko ang ilang missed call mula kay Jordan kaya tumawag ako sa Essenger nito dahil nakita ko naman siyang online. "Jordan napatawag ka kanina," bungad ko ng sumagot ito. "Ah, yes Shai, pasensya na kasi may tanong kasi sana akong importante sa'yo," sabi nito. Nagtataka ako kung anong itatanong niya at bakit Shai na lang ang tawag nito na akala mo ay close na kami pero hindi na ako nag-abala na magtanong pa. "Ano 'yun?" nasabi ko. "Are you sure na si Don Montenegro ang taong hinahanap mo hindi ang isa sa mga kapatid niya? I mean kakambal niya," tanong ni Jordan. "Kakambal?" ulit na tanong ko. Base kasi sa research ko ay wala naman akong nabasa o kaya ay napanood na nabanggit na may kapatid at kakambal ang lalaking 'yon. "Yes kakambal, hindi lang isa kun'di dalawa sila. Bali tatlo silang magkamukha kaya gusto kong makasiguro para alam ko kung sino talaga ang sa kanila ang taong i-imbestigahan ko," sabi nito. "Hindi ko alam na may kapatid si Don Montenegro lalo na ang tungkol sa mga kakambal niya," sabi ko. Iyon naman kasi ang totoo, wala akong ideya tungkol doon kaya nagulat ako sa impormasyon na nalaman ko. Kung totoong may mga kakambal siya bakit hindi man lamang nabanggit ng media ang tungkol doon? "Siguro kailangan mong alamin kung sino sa kanila ang totoong may kaugnayan kay Reign," seryosong sabi ko. "Sige, magsisimula na akong nag-imbestiga. I-update na lang kita kung ano ang kalalabasan nito. To be honest hindi madali ang gagawin natin Shaira dahil anak ng isang general ang mga taong i-imbestigahan natin. Bukod pa doon, masyadong pribado ang buhay ng pamilya kaya wala kang nakitang kahit anong balita na may kaugnayan kay Don Montenegro at sa mga taong malapit dito dahil kontrolado ng pamilya niya ang bawat balitang lumalabas sa media. Malaki at malawak ang koneksyon ng pamilya kaya para kang babangga sa isang matigas at bakal na pader," mahabang paliwanag ni Jordan. Hindi na ako ngayon nagtataka na wala akong makitang kahit anong ebidensya. Mukhang gano'n din ang ginawa nila kay Reign kaya walang kahit anong sinabi sa amin ang itinuturing kong kapatid. Naglihim siya sa lahat para sundin marahil ang kagustuhan ng pamilya. Ang nakakainis lang ay masyadong malinis ang ginawa nila at wala akong makitang kahit anong bakas na mag-didiin sa kung sino sa kanila ang nakabuntis kay Reign. "Jordan sandali, sabi mo tatlo sila. Magkamukha ba sila?" tanong ko kay Jordan dahil naging palaisipan ito sa akin. "Yes, kung mukha ang pagbabasehan talagang magkamukha sila," sagot nito sa tanong ko. "May nakuha ka bang larawan man lamang nila o kahit sino sa ibang kapatid ni Don Montenegro?" kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ka lakas ang kabog ng dibdib ko na parang may hindi magandang mangyayari. "Meron, i-send ko sayo. Sandali, off ko muna ang tawag," mabilis na sagot ni Jordan. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na message ang pumasok tatlong larawan ang nakita ko at talagang namangha ako sa bumungad sa akin. Iisa ang mukha na nakikita ko pero hindi maikakaila sa akin ang pagkakaiba ng mga mata nila. Tama 'yon nga, sa katititig ko sa mga mukha nila ay isang bagay ang nasiguro at napatunayan ko. Isa sa kanila ang match deskripsiyon ng larawang nakuha ko sa loob ng kwarto namin ni Reign. Ngayon sigurado na ako, kaya pala malaki ang pag-aalinlangan ko dahil hindi pala talaga si Don Montenegro ang taong hinahanap ko kun'di isa sa mga kapatid niyang matalim ang matang nakatitig sa akin na akala mo ay pasan ang mundo ayon sa hilatsa ng pagmumukha nito sa larawang nasa screen ng cellphone na hawak ko. "Finally, natagpuan na kita. Alam ko ikaw 'yan. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ka sa nangyari kay Reign at sa batang dinadala nito. Hintayin mo lang, malapit ng matapos ang maliligayang araw mo." Matalim ang mga matang nakatitig ako sa cellphone ko na akala mo ay kaharap ko ang taong kinakausap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD