29

1264 Words
"Happy birthday, Akihiro! Muntik na kaming ma-late." Bati ko kay Akihiro ng makarating kami sa Sofitel, dito kasi ginaganap ang birthday party niya. "It's okay, medyo malayo rin at traffic na sa labas." Ngumiti ako sa kanya at inabot ni Kyro ang regalo namin para sa kanya. Kasama ko si Kyro, hindi rin kasi ako papayagan kung 'di ko siya isasama. Saka, boyfriend ko na rin si Kyro kaya alam niya dapat kung saan ako pupunta at sino mga kasama ko. "Thank you rito, pare!" Nakipag-fist bump si Akihiro kay Kyro gano'n din si Kyro. Buti na lang talaga mabait itong si Kyro, kasi kung kagaya siya ni Kori paniguradong hindi siya papayag na pumunta ako rito. "Nandoon pala si Francheska, Bella. Puntahan mo na lang." Ngumiti ito sa akin at pumunta pa sa iba niyang bisita. Sinunod ko ang sinabi ni Aki, nakita ko roon sa isang table, ang bestfriend kong si Francheska na nakatunghay sa mga bisita ni Akihiro. "Hi, Fran!" Bati ko rito ng makarating kami sa table niya, nagulat pa nga siya. "Nagulat naman ako sa'yo, Bella. I'm so happy na dumating ka na rin, you know kanina pa kita hinihintay." Nagulat siya ng mapansin niya si Kyro. "Kyro o Kori?" Pagtatanong niya rito. "Kyro," tipid na sagot ni Kyro sa tabi ko. "Sorry, ha? Matipid talaga siyang sumagot. Mahal kasi per words niya." Mahinang sabi ko kay Francheska at nakita kong tumawa ito. Buti na lang 'di talaga narinig ni Kyro ang sinabi ko. "Si Cashel parang 'di ko pa napapansin?" Nilibot ko ang aking tingin pero walang Cashel akong nakita. "Sinundo pa yata iyong Nathalie." Nakita kong umikot ang kanyang mga mata pagkasabi niya sa pangalan ni Nathalie. "Seryoso ba siya roon? I mean, kakakilala lang niya roon and mas ahead sa atin iyong Nathalie." Napaglaman kasi namin na 3rd year college na pala niyon at kumukuha ng kursong Tourism. "Ewan ko. Siguro. Ano ba dapat kong gawin, Bella?" Napatakip siya ng kanyang mukha. Alam kong nasasaktan siya. "Who are you?" Sabay kaming napatingin ni Francheska ng may umupo sa table namin. Matangkad na lalaki, siguro nasa six-two ang kanyang height. Maayos ang kanyang pananamit - white shirt sa kanyang panloob, spring oversized long sleeve shirt, black pants and white sneakers, tumingin pa ako sa ilalim ng table namin para makita ang kabuuan niyang suot. May hikaw siyang silver sa kaliwang tenga niya and over all, ang linis niyang tignan. "I'm Conrad," May pagmamalaking pagpapakilala nito sa amin. Umupo ito ng maayos at tumingin sa mini stage kung nasa'n ang emcee ng birthday party ni Akihiro. "You don't remember me?" Lumingon siya sa amin at nakatingin siya kay Kyro. Kilala ba ni Kyro ito? Pero, ba't nagtanong siya kanina kung sino itong lalaking nasa harapan namin. Nakita kong kumunot ang noo ni Kyro, "Oh? Are you Kori's twin? I thought you were Kori. You look alike, gano'n siguro talaga kapag kambal." Sabay ngisi nito kay Kyro. "Guest po ba kayo ni Akihiro?" Napunta ang tingin ko kay Francheska ng magtanong ito. "Of course! Nice to meet y'all!" Aniya sa amin at kumuha ng isang basong wine sa dumaan na waiter. Masyado siyang mahangin. Ang yabang naman niya. Napatingin ako kay Francheska ng sikuhin niya ako. Nakita kong nagtype siya sa kanyang cellphone at pinabasa niya ito sa akin. "Ganyan ang type ko!" Nagtatakang tinignan ko siya at nakita kong nakanguso siya sa lalaking kaharap namin na may pangalan na Conrad. "Seryoso ka?" Bulong ko rito habang masama ang tingin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin nang ubod ng laki at tumingin siya sa kaharap namin. Napailing na lang ako kay Francheska. Kinalabit ko si Kyro na abala sa kanang kamay ko, hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang maka-upo kami. "Kumusta na pala si Kori? Ayos lang ba siya?" Naalala ko kasi kahapon, may pasa siya, may black eye at may sugat sa bandang labi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga iyon pero mukhang galing siya sa away. "Kori is fine, don't worry about him anymore." Pagpapagaan nito sa akin. Hindi pa rin ako mapakali kaya sabihin ni Kyro na ayos lang siya. "Saan ba siya naglalagi? Bakit may pasa siya kahapin?" Kahit galit ako sa isang niyon, concern pa rin ako sa kanya. Ito namang girlfriend niya este ex-girlfriend na niya yata ayon sa narinig ko kahapon, hindi man lang niya pinipigilan si Kori kung saan pumupunta. "I want to tell you what I know, sunshine but he'd better tell you about it." Hinimas niya ang aking hita at saka hinalikan ako sa aking buhok. "And, one more thing, can you two talk? He will tell you about what he is doing." Nag-aalinlangan man akong kausapin si Kori pero tumango pa rin ako sa gusto ni Kyro. "Sure! Kailan kami mag-uusap?" "Later, Sunshine. He is now waiting at home." Napahawak ako sa kamay ni Kyro na maramdamang malapit na ang kanyang kamay sa aking p********e. Alam naman niyang nasa party kami tapos katabi pa namin si Francheska. "Okay, pero baka saktan niya ulit ako?" Kinakabahan na sabi ko sa kanya. Natatakot na kasi ako kay Kori simula nu'ng mangyari ang sagutan namin sa restaurant. "He can't do that anymore. Trust me, because if he repeats that, he won't be able to come back to you." Naguguluhan ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako sa kanya. Nawala ang atensyon ko ng kalabitin ako ni Francheska. "They are already here." Malungkot nitong saad sa akin at nginuso ang dalawang taong bagong dating. Sina Cashel at Nathalie. "Nagluluksa siguro siya. All black from head to toe, like duh? Mas maganda ako sayo." Sumandal siya sa upuan habang masamang nakatingin sa dalawang taong kausap ngayon ni Akihiro. Nakita kong palapit dito sila Cashel kasama niyong Nathalie. Ngumiti ako sa kanila pero itong katabi ko 'di namansin, binati man lang hindi niya ginawa. "Uy, Francheska! Init ng ulo mo, ha? Hindi ka siguro nabusog sa party ng pinsan mo!" Inirapan lang ni Fran ang sinabi ni Cashel. "Sungit nga." "Hi, Bella!" Nabaling siya sa katabi ko. "Brod, good afternoon!" Bati rin ni Cashel sa katabi tumango lang naman si Kyro sa kanya. "Sino nakaupo d'yan?" Rinig kong tanong ni Cashel kay Fran pero tinarayan lang siya ng isa. "Si Conrad, friend yata ni Akihiro." Ako na ang sumagot sa kanya dahil itong kaibigan ko wala sa mood makipag-usap. Umayos ng upo si Francheska ng makita niyang papalapit na ulit iyong Conrad sa table namin, seryoso ba siya sa lalaking ito? "I really get it for you." Napamaang ako at maging si Cashel ay napahinto sa pakikipag-usap kay Nathalie ng iabot ni Conrad ang isang plato na puno ng pagkain kay Francheska. "Sa akin? Ito sa akin?" Nagtatakang sabi ni Fran sabay turo pa niya sa kanyang sarili. "Yeah, I don't like skinny women. So, eat a lot." Napamaang si Francheska at napatingin siya sa plato na nasa harapan niya. "Got to go! See you soon!" paalam na saad nito kay Francheska, nakita namin siyang pumunta kay Akihiro, kinausap niya ito at umalis na sa loob ng party. "He don't like skinny women? Tama ba rinig ko, Bella? Hindi naman ako payat, ha?" Saka tinignan ang kanyang braso, sinukat pa niya ang kanyang pulso. "See? Hindi nga nag-aabot ang gitnang daliri ko and my thumb! I'm not skinny!" Napailing na lang ako sa kanya. Gano'n na lang ang gulat namin ng tumayo si Cashel. "Kukuha lang ako ng pagkain mo, Nathalie!" Sabay lakad nito paalis sa table namin. Nagkatinginan kami ni Francheska at sabay na nagkibit-balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD