36

1283 Words
"Kyro, oh? Si Kori!" Tawag ko kay Kyro at sinumbong si Kori sa kanya. Panay kasi halik sa leeg ko. Hindi na lang niya tulungan si Kyro na kumukuha ng damit. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang sabi nila pupunta muna kami kila ate Bea kasi magpapaalam silang magbabakasyon kami. Pero, itong tamad na si Kori ayaw man lang tulungan si Kyro sa pagliligpit. Sana hindi kunan ni Kyro ng damit ang isang ito para wala siyang pamalit. "Kori, enough! Just help me here instead." Utos sa kanya ni Kyro. Binelatan ko nga. "Twin, We can't use that. Maybe we're always naked when we get there." Aniya kay Kyro at nagtaas-baba pa ito ng kilay niya. Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. "Paano kung maliligo kayo? Hindi kayo magpapalit ng damit? Yuck! Kadiri! Huwag kang tatabi sa amin, Kori!" Sabi ko sa kanya at tinulak siya. Pero, halakhak lang ang sinagot niya sa akin. "Don’t you really know what we’re going to do there, baby?" Pagtatanong nito sa akin at tumulong na kay Kyro sa pag-aayos. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Malamang magbabakasyon kasi wala kaming pasok ng ilang araw. Tsaka, magswi-swimming!" Proud na sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang ngumisi at umiling. "You are our baby. You're such a baby, baby!" Sabi niya sa akin sabay pa-cute. "Mas cute pa si Kyro sa'yo!" Dinilaan ko siya at niyakap si Kyro sa likuran niya. "Kambal kaya kami, baby. So, I'm cute also!" Pang-aasar niya sa akin. Sinipa ko nga siya. Nang matapos silang mag-ayos saka kami bumaba sa sala nila. Wala na roon sina Tita Kassandra and Tito Sebastian, sabi ni Kyro maaga raw umalis ang parents nila papuntang ibang bansa. Ginamit namin ang sasakyan ni Kyro, walang kotse si Kori kasi naka-ban siya sa Mommy niya. Buti nga sa kanya. "Masikip dito, Kori! Sa likod ka na!" Pang-aasar ko sa kanya at ni-lock ko pa ang pinto ng passenger seat para 'di siya makapasok pero ang isang ito dumaan sa gitna namin ni Kyro. "Sabi ko sayo masikip na rito!" Galit-galitan na sabi ko sa kanya at hinampas sa kanyang braso. "You can seat to my lap, baby, para 'di masikip." Bulong niya sa tenga ko kaya hinampas ko siya sa katawan niya. "Sexy." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa dibdib ko kaya pinalo ko ulit siya. "Bastos!" Sigaw ko sa kanya. "What? Nahawakan, nalamas at nasipsip ko na niyan, baby." Aniya sa aking tenga at nakita ko pang ginagalaw niya ang kanyang kanang kamay. "Kyro, si Kori nang-iinis!" Kalabit ko kay Kyro na abala sa pagdadrive papunta sa bahay nila ate Bea. "Kori, enough! Don't annoy her!" Babalang sigaw ni Kyro sa kanya kaya dinilaan ko siya. Buti nga sa kanya pero ngingisi-ngisi lang siya sa akin at humaplos sa aking bewang. Nang makarating sa tapat ng gate nila ate Bea. Sinalubong kami ng dalawa kong pamangkin. "Tita Bella! Tito Kyro and Tito Kori!" Masiglang bati sa amin ni Luigi at hinala pa ang aking kanang kamay. "Nasaan Mommy niyo, Luigi?" Pagtatanong ko sa kanya, magpapaalam ako kay ate Bea na magbabakasyon kami. Sana nga payagan ako. "Nasa taas po, Tita Bella! Bakit po ngayon ka lang po umuwi?" Pagtatanong nito sa akin ng makaupo kami sa sofa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa pamangkin ko. Sabihin ko bang nakipagbahay-bahayan ako sa dalawang tito niya? Pero, baka lalong magtanong si Luigi sa akin kung ano ang bahay-bahayan. "I asked your Aunt Bella to help me to my project." Napalingon ako kay Kyro ng magsalita ito at umupo sa aking tabi. Napabuga ako nang mahina at napatingin kay Kyro. Buti na lang siya ang sumagot kasi kung ako, hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Napaayos nang pagkakaupo sina Kyro and Kori ng makita namin bumaba si Mario kasama si Kuya Timothy kasunod niya sa likuran ay si ate Bea. "Ate," panimula ko ng makita si ate Bella. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi, tumango naman ako kay kuya Timothy. "Iakyat mo muna ang mga pamangkin mo, Bella. Mag-uusap muna kami." Napalingon ako kay kuya Timothy dahil sa kanyang sinabi kaya tumango ako sa kanya. Tinawag ko ang dalawang pamangkin ko at umakyat kami sa taas. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Kinakabahan ako. Gusto ko man bumalik sa sala para marinig ang usapan nila pero may bumubulong sa isipan ko na 'wag baka masaktan kung may marinig man ako. "Tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila, Mario?" Tanong ko sa pamangkin ko. Hindi ko alam ba't tinatanong ko siya, e, alam ko namang wala akong makukuhang sagot sa pamangkin ko. Napakamot ako sa aking buhok habang nakaupo ako rito sa kama ko at ang dalawang pamangkin ko ay nanonood sa television habang nakaupo sa bean bag. "For sure, Tita Bella, it's all about you po." Napatingin ako kay Mario ng magsalita ito. Napapikit ako at tumabingi ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi. "Tungkol sa akin?" Tumango siya sa sinabi ko. Tumayo siya at tumabi sa akin. "Opo," Magalang na sabi niya sa akin at ngumiti nang napakalaki. Napabuga tuloy ako dahil sa nerbyos ko. Tungkol sa akin? Iyon ba iyong pinag-uusapan nila kanina? Iyong pangako nila kay kuya Timothy. Napahawak ako sa aking dibdib ng bumukas ang pinto at niluwa nu'n ay sina Kyro at Kori. Tapos na sila mag-usap? "T-tapos na kayo mag-usap?" Mahinang tanong ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako. Tumango sila parehas sa aking tanong. "Yes, sunshine. We are asking permission from uncle about our vacation. They agreed." Masayang pahayag ni Kyro habang hindi maitago ang kanyang ngiti. Yes! Magbabakasyon kami! "Hindi sila nagtanong kung bakita tayo magbabakasyon?" I asked habang kumukuha na ako ng damit ko. Kinuha ko ang bodybag na ginamit ko nu'ng lumuwas ako ng Manila. Malaki na ito at kasya na ang anim na damit kasama pa ang mga underwear ko. "Yes, I just said what you told me." Sagot ni Kyro sa tanong ko kaya kahit nakatalikod ako sa kanya at busy ako magligpit ng damit ko sa bag na dadalhin ko tumango ako rito. Tumayo na ako sa pagkakasalampak ko sa sahig. Binuhat ang bodybag na dadalhin ko, hindi naman mabigat kapag binuhat. May space pa nga. Nakita ko si Kori na nilalaro si Luigi sa kanyang hita kaya napangiti ako. Pumasok ako sa bathroom ko upang kunin ang toothbrush, toothpaste, shampoo and sabon ko. Syempre, 'di mawawala ang PH Care, alaga sa ating perlas. Lumabas ako ng bathroom at nilagay sa maliit na pounch ang mga iyon. Nang makitang ayos na ang dadalhin ko, tinawag ko na sila Kyro. Tumayo na sila parehas. Kinuha ni Kyro ang bodybag ko at siya ang nagbitbit nito. Sumama na rin sa amin palabas ang dalawa kong pamangkin. Nang makababa, nakaupo sila ate Bea sa sofa ng makita ako ay tumayo si ate at niyakap ako. "Mag-iingat ka roon, huwag kang pasaway sa dalawa, Bella..." Tumigil siya sa pagsasalita, nakita kong tumingin siya sa likuran ko. "Binigay ko na ang oo ko sa dalawang niyan. Alam na rin nila Mama." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ate. Alam nila Mama? Magtatanong pa sana ako sa kanya pero sumingit sa usapan namin si Kyro. "Kami na po bahala kay Bella, Tita Bea." Magalang na sabi niya sa ate ko. Nagpaalam na rin ako kay kuya Timothy at sa dalawa kong pamangkin na nagpabilin ng pasalubong. May mabibilhan ba roon? "Sige, ate Bella and kuya Timothy! Alis na po kami!" Paalam ko kila ate at saka kami lumabas ng bahay. Bakit kinakabahan ako? Wala naman kaming gagawin doon diba? Magbabakasyon lang naman? Ano ba itong iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD