43

1248 Words
Tinignan ko ang aking sarili habang suot ang boho dress na kulay itim na nabili ko sa pi-shop. Maganda naman ang pagkaka-fitted nito sa akin, binaba ko ang see-through na manggas na suot ko para lumitaw ang aking balikat. Nang makitang maayos na ang suot ko, okay na rin ang buhok kong naka-hairbraid at saka ko kinuha ang sling bag kong black din. Hindi naman sa nagluluksa ako pero favorite color ko kasi ang black, ang elegant kaya tignan. Chineck ko ang phone ko ng makitang malapit na ang grab na aking binook. Bumaba agad ako sa sala hinanap ko si ate Bea pero wala ito roon kaya napagpasyahan kong lumabas na lang. Natanaw ko si ate Bea na nagdidilig ng mga tanim niyang orchids. "Saan ka pupunta, Bella?" tanong nito sa akin ng mapansing ayos na ayos ako. Ngumiti ako sa kanya. "Pupuntahan ko lang po sila Kyro, ate Bea," Napatingin ako sa phone ko na sobrang lapit na ni kuya Grab. "Alis na ako, ate Bella! Nandyan na iyong binook kong grab." Kaway ko sa kanya at saka lumabas sa gate. Alam ko kasing magtatanong pa si ate Bea. Minsan din talaga tsismosa siya. Nakahinga ako nang maluwag ng makita si Kuyang Grab, pumarada ito at saka ako sumakay. Hindi ko maitago ang ngiti ko, ngayon lang kasi ako makakapunta sa isang office company. Ano na kaya ginagawa nilang dalawa? Tapos na kaya iyong meeting ni Kyro? Sa malalim kong pag-iisip, nakita ko na lang na nakahinto na si Kuyang Grab at nasa tapat na kami ng isang building bago ako bumaba nagbayad muna ako rito. Ayon sa sinabi sa akin ni Kori na address at ang aking na-book sa grab ay nasa Pasig na ako. Tinignan ko ang kabuuan ng building na ito kung nasa'n ang company office ng mga Bautista. Ang taas, lahat kaya ng floor na ito ay sa kanila? Inayos ko muna ang laylayan ng boho dress ko at saka ngumiti nang malapad papasok sa loob ng building. Lumapit ako sa dalawang na nasa front desk. "Hi po, saan pong floor niyong office ng Bautista?" marahan na tanong ko sa babaeng nandito. Dalawa sila pero iyong isang medyo kulot ang buhok at may kausap na matandang lalaki. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa ko at bumalik ang tingin niya sa aking mukha. Napalunok tuloy ako sa tingin niya. Hindi ba maganda damit ko? "May appointment po ba kayo ngayon? Wala ho d'yan ngayon si Mr. Sebastian Bautista." aniya sa akin at bumalik ang tingin sa monitor. Napakamot ako sa aking buhok, "uhm... S-si Kyro Bautista po ang pakay ko, tapos na po ba meeting nila?" nahihiyang tanong ko ulit sa kanya. Mukha kasing busy siya palagi kasi siyang tumitingin sa monitor niya. "May appointment po ba kayo? Kung wala kayong appointment, magpa-schedule kayo ng appointment doon." Napalunok ako sa kanyang sinabi, medyo tumataas na kasi ang boses niya. Nakakatakot siya. Tumingin ako sa kanyang tinuro at may nakita akong dalawang tao na nandoon. "Doon po ba ako pupunta?" Nakagat ko ang aking ibabang labi ng makitang tumaas ang kanan niyang kilay sa akin. "Oo doon ka pumunta, may ginagawa ako ngayon. Istorbo," aniya sa akin at masama siyang tumingin sa akin. Humakbang ang aking mga paa papunta sa tinuro niya, may dalawang taong nandoon, isang babae at isang lalaki. Pareho silang napatingin sa akin ng makalapit ako sa kanila. "Hi po, tanong ko lang po kung tapos na po ba ang meeting nila Kyro Baustista?" mahinang tanong ko sa kanila. Ngumiti sila sa akin. "Hello rin po, kanina pa tapos ang meeting ni Sir Kyro. May appointment po ba kayo sa kanila?" magalang na sabi sa akin nu'ng babae. Buti pa rito mababait ang mga tao kaysa roon sa front desk. "Pinapapunta niya po kasi ako," sagot ko sa kanila. Nakita kong may binuklat silang malaking notebook na kulay blue. "Ma'am, ano pong pangalan niyo?" pagtatanong niya sa akin habang iniisa-isa ang page ng notebook. "B-bella Trinidad po," sagot ko sa kanya at tinignan din ang ginagawa niya. "Wala pong pangalan na Bella Trinidad dito, Ma'am. Ngayon po ba ang appointment niyo sa scholarship?" Napatulala ako sa sinabi niya. "Ah-eh, hindi po ako nag-a-apply bilang scholar ng Bautista. K-kaibigan po ako ni Kyro." nauutal na sabi ko rito. Imbis na boyfriend ang sasabihin ko, nasabi ko ang kaibigan lang. Sinarado niya ang notebook at tumingin sa akin. "Ma'am, hindi po kita mapapa-akyat, wala po kasing contact sa amin baka po tanggalan kami ng trabaho. Sumusunod lang po kami sa utos sa taas. Kung may number po kayo ni Sir Kyro p'wede niyo pong tawagan para tumawag sila rito. Naninigurado lang po, Ma'am." nahihiya niyang pahayag sa akin. Tumango ako sa kanya. Rules and regulations iyon sa office nila kaya naiintindihan ko baka talaga matanggal sila dahil sa akin. Kinuha ko ang phone ko sa sling bag at agad na di-nial ang number ni Kyro, tapos naman na raw ang meeting nila. "Kyro?" tawag ko sa kabilang linya ng sagutin agad nila. "Hello, sunshine? How are you?" Palihim na ngumiti ako ng marinig ko ang boses ni Kyro. "Hello, Kyro! Okay lang naman ako, nandito pala ako sa building niyo pero hindi ako maka-akyat kasi walang tawag galing sa inyo." mahinang sabi ko sa kanya. Lumayo ako konti roon sa kausap ko kanina. "Are you here, sunshine? Wait, I'm on my way there." Nataranta ako ng may marinig na ingay sa kabilang linya. "Teka, Kyro 'wag na! Ako na lang aakyat. Hindi ba nasabi ni Kori sayo? Siya kasi nakausap ko kanina." Napatingin ako roon sa front desk at nakita kong nakatingin sa akin niyong babaeng masungit kanina. "He didn't tell me, because he's in the meeting now. Are you sure na kaya mo ng umakyat dito, sunshine? Wait, I'll just call the one at the front desk." "Kyro, wala ako sa front desk... Nandito ako sa may mga appointment? Dito ako dinala nu'ng mga nasa front desk, e." paliwanag ko sa kanya baka kasi roon siya tumawag natatakot ako roon sa kumausap sa akin kanina. "Why did you go there? Okay, I'll call them so you can go up, sunshine." Tumango ako sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. Napatingin ako sa appointment desk bigla kasi nagring ang telephone sa kanila. Baka si Kyro na iyong tumawag. Rinig ko sa kabilang linya ang boses ni Kyro na nagbibilin kung sino man ang kausap niya roon. Napababa ako ng tingin sa sahig ng makitang napatingin sa akin iyong kausap kong babae. "Okay, sunshine, I've talked to them. Be careful up here. I love you." "Ms. Bella Trinidad, Ma'am?" Nagulat ako ng may magsalita sa harapan ko, napatay ko tuloy iyong call namin. Si ateng mabait lang pala. Tumango ako sa kanya. "Sorry, Ma'am, ha? Sumusunod lang po kami sa utos." pagpapaumanhin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po iyon. Ginagawa niyo lang po niyong work niyo." aniya ko sa kanya. "Hatid ko na po kayo, Ma'am kay Sir Kyro." Tumanggi ako sa alok niya. "Huwag na po, ate. Ako na lang po aakyat. Ano pong floor nila?" "Nasa 9th floor po ang office nila," May tinuro siyang elevator sa akin. "D'yan po kayo sasakay na elevator para lang po kasi niyan sa mga Bautista. Tatlong button lang din po ang mayro'n d'yan. Sorry po ulit, Ma'am Bella." Yumuko ito sa akin kaya yumuko rin ako sa kanya. Wow! May sarili silang elevator iba talaga kapag mayayaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD