39

1233 Words
Napabaling ako sa kabilang side ng kama ng biglang sumakit ang aking p********e. "aww," mahinang sabi ko sa aking sarili. Napakagat ako ng aking ibabang labi ng maramdaman niyon. Nakita ko sa aking gilid si Kori na tulog na tulog, nakanganga pa nga ito habang nakayapos sa aking bewang. Tinignan ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot, wala akong suot ni-isa. Nasaan kaya si Kyro? Pinisil ko ang kamay ni Kori na nasa aking kaliwang dibdib pero mali yata ang ginawa ko, sarili ko lang ang ginising ko. "K-kori..." mahinang tawag ko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Kori, wake up? I'm gonna pee, Kori?" Paulit-ulit na gising ko sa kanya at sa huli dumilat ang kanyang kanang mata at ngumisi lang ito sa akin. "Ano iyon, baby?" Umayos siya ng kanyang pagkakahiga at binigyan niya ako ng magaang halik sa aking leeg. "Naiihi ako," ungot ko sa kanya. "Hindi ako makakilos ang sakit ng gitna ko, Kori..." mahinang sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumayo, napaiwas pa ako ng tingin ng wala pa rin pala siyang saplot ni-isa. May kinuha siya sa sahig at nakita ko na lang na nagsusuot na siya ng kanyang boxer. Iyan yata iyong gamit niya kagabi. "Bubuhatin na lang kita, baby. Come on?" Tinanggal niya ang kumot na bumabalot sa aking katawan kaya lantad na lantad ang aking hubad na katawan sa kanya. "Sexy," aniya sa akin at sumipol pa ito kaya pinalo ko siya. Bumaba kami ni Kori dahil nandoon ang banyo, nakita namin si Kyro na sumilip sa kusina ng makita kami ni Kori. "What happened, Kori?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. "She's just peeing, Kyro. Do not worry." Sagot ni Kori sa tanong ni Kyro. Tumango ako sa sinabi niya. Binuksan ni Kyro ang pinto ng banyo at pati ang ilaw ay in-on niya. "Be careful, Kori!" Pagpapaalala ni Kyro sa kakambal. Dahan-dahan akong nilapag ni Kori sa toilet bowl. "Dito ka lang, baby. Kukuha lang ako ng damit mo, okay?" he kissed me at my forehead. Nakita kong lumapit siya sa bathtub, nilagyan niya ito ng tubig. "I'll be back, okay? Just stay here!" bilin niya ulit sa akin at lumabas na ng banyo. Nakatulala akong nakatingin sa pader ng banyo. Habang inaalala ang nangyari sa aming tatlo. Hindi na ako virgin. Paano kung mabuntis ako? Nakagat ko ang aking ibabang labi ng sumagi sa akin ang tungkol doon. "Sht!" usal ko sa aking sarili. Napahilamos ko ng aking kamay at malalim na bumuntong hininga. Mali niyong nangyari sa amin. Paano kung magbunga niyong ginawa namin kagabi? Paano iyong pag-aaral ko? Pinilit kong tumayo sa toilet bowl upang patayin ang gripo roon. Nakalimutan patayin ni Kori kahit masakit ang aking gitna kinaya ko pa rin. Lumusong ako sa bathtub na siyang nagbigay ginhawa sa akin buong katawan at maging sa aking p********e. Napasandal ako rito habang dinadama at iniisip pa rin ang nangyari kagabi. Kasalanan ko rin naman kasi 'di ako nakapag-isip nang maayos, sobra akong nag-init kagabi dahil sa halik ni Kori. "Baby, are do--" Napalingon ako sa pinto ng pumasok doon si Kori at hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. "Hindi ka ba nasaktan?" Nakatingin lang ako sa kanya, bakas sa kanyang boses ang pag-aalala. "Ayos lang ako, Kori. Hindi naman na gaano masakit." Ngumiti ako sa kanya at pinaglaruan ang tubig sa bathtub. "Are you sure, baby?" Tumango ako sa kanya. "Oo, Kori, you can go na. Kaya ko na ang sarili ko." aniya ko rito at saka siya binigyan nang malaking ngiti. "Okay, if you need help, Just say my name, baby. I won't close that door either." Ginawaran niya ako ng magaang halik at saka lumabas ng banyo. HALOS kalahating oras lang ang nilagi ko sa loob ng banyo ng magtawag na si Kyro sa labas. Tapos na pala siya magluto. Sinuot ko na ang dami na binigay ni Kori sa akin, isang loose shirt na kulay beige and isang lacey panty. Wala nga siyang binigay na short? Hanggang gitna ng aking hita ang loose shirt, wala rin akong bra na suot. Lumabas ako ng banyo at nakita ko roon si Kyro na naghihintay sa akin. Ngumisi siya sa aking suot. "Come on, sunshine? Alam kong gutom ka na." Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at dumiretso sa kusina. Nadatnan namin si Kori na naka-upo na roon habang nilalagyan niya ang tatlong pinggan ng mga kanin at ulam na niluto ni Kyro. "Baby, sit down? Let's eat! Niluto ni Kyro ito, favorite mong sweet and sour tilapia." Pinakita pa niya sa akin ang dish na iyon. Tahimik akong kumain at alam kong maging sila ay nakikiramdam sa akin. Hindi ako nagsasalita kapag may tinatanong sa akin si Kori. Ang dami kasing tumatakbo sa utak ko ngayon. Kung tama ba ang ginawa naming tatlong kagabi. "Are you okay, sunshine? You've been quiet before, we're worried about you. Didn’t you like what I cooked for you?" Napaangat ang aking tingin ng magsalita si Kyro. Bakas sa mata niya ang pag-aalala niya sa akin. Napabuntong hininga ako. Nilapag ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at tinignan silang dalawa. "Mali niyong ginawa natin... M-masyado pa akong bata and nag-aaral pa ako. Hindi ko p'wedeng ma-dissapoint sila Mama sa akin," mababang sabi ko sa kanila at binaba ang tingin sa kanilang dalawa. "Ayan ba pinoproblema mo kaya 'di ka nagsasalita, baby?" Hindi ako nagsalita sa tanong ni Kori basta nakatuon lang ang aking tingin sa pinggan kong paubos na ang pagkain. "Don't you trust us? We love you, sunshine. We will marry you in any church you want. We love you so much!" Umawang ang aking labi ng marinig ang sinabi ni Kyro. "P-paano kung mabuntis ako? Masyado pa akong bata..." nag-aalalang tanong ko sa kanila. "If you don't want to get pregnant yet, there are pills to take, baby. We will take pills so you don't have to worry and when we return to Manila, we will plan the wedding." Nagulat ako sa sinabi ni Kori. "I love you, Bella. We love you so please don't ask how much we love you. Because we love you so much, Bella." Napasinghap ako ng lumuhod silang parehas sa akin at sa kanilang mga kamay ay may tig-iisang pulang maliit na kahon. "I know you'll think too fast what's going on with the three of us but Bella we love you too much. It's too fast but we're just for you." Bakas sa boses ni Kyro ang pagiging seryoso nito. "Oh my gosh!" Napasinghap at napatayo ako ng makita ang laman ng box na hawak nilang dalawa. "We knew things were going well with the three of us. But, Bella Trinidad, We you marry me with Kori?" aniya sa akin habang ang mga mata ni Kori ay taimtim na nakatingin sa akin habang hinihintay ang kasagutan ko. Tumalikod ako sa kanilang dalawa. Alam kong sobrang bilis talaga para sa aming tatlo pero mahal ko sila, iniisip ko pa lang may kasama silang ibang babae parang mamamatay na ako. "Kasi naman, sinabi ko lang namang paano kung mabuntis ako? Pero, bigla kayong nagpo-propose!" tampong sabi ko sa kanila. Pinunasan ko ang aking luhang tumulo. "Suot niyo na nga niyan! Sayang 'din niyan mukhang mamahalin, e!" Nilahad ko sa kanila ang aking kamay at sabay nilang sinuot sa aking ring finger ang dalawang singsing. "Mahal ka namin, baby!" "I love you so much, Bella!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD