26

1493 Words
"Hi, ate Bea!" Bati ko kay ate ng madatnan ko itong nag-aasikaso sa kusina. Ngumiti siya sa akin at nilapag ang huling plato. "Good morning, Bella. Nakita mo ba sa sala si Kyro?" Tumango ako sa kanya at pinaupo na rin niya ako sa lamesa. Friday na pala ngayon at bukas ay sabado. Ilang araw na ring hindi nagpapakita si Kori sa amin. Simula nu'ng nagsuntukan silang magkambal 'di na bumalik si Kori sa bahay nila ate Bea. Tinanong ko nu'ng isa araw si Kyro, hindi raw siya kino-contact si Kori. Paano siya tatawagan o itetext ni Kori, baka ang alam pa ni Kori galit pa rin sa kanya ang kakambal niya. Kaya hindi kumukontact ang isa. After ng make up session namin nu'ng isang araw, sobrang hiyang-hiya ako kay Kyro nu'n. Pinauwi ko siya agad nu'n at sinabing 'wag muna ako kakausapin pero si Kyro panay tawag at text sa akin. Normal lang daw naman niyon sa mga mag-boyfriend-girlfriend, naalala ko 'di ko pa naman siya sinasagot. Ang reply niya sa akin, simula raw nu'ng nanligaw siya, matic na kami na raw nu'n. Gano'n ba niyon? Kaya napakamot na lang ako sa buhok ko nu'n. Binilisan ko ang pagkain ko, nakakahiya naman kay Kyro kung paghihintayin ko siya nang matagal. Buhay prinsesa talaga ako sa kanya. Naging mabilis ang pagkain ko maging si Kuya Timothy ay umiiling sa akin dahil sa bilis kong kumain. "Baka mabulunan ka, Bella. Dahan-dahan lang maaga pa naman." Isang malaking ngiti na lamang ang sinukli ko kay Kuya Timothy. "Traffic daw po kasi sa Quiapo, Kuya Timothy ayon sa balita kanina. Friday po ngayon and Nazareno day po ngayon. Maraming magsisimbang mga deboto." Ani ko kay Kuya Timothy para 'di ako pagalitan. Totoo naman kasi, nanood ako sa k'warto ko kanina habang nagbibihis, traffic na simula sa may Espanya. Kumuha ako ng dalawang pirasong tasty at pinalamanan ito ng Lady's choice Ham. Binalot ko ito sa paper tissue at saka umalis sa kusina. Nadatnan ko sa sala si Kyro habang kausap si Mario. Seryoso siguro usapan nilang dalawa, pareho kasi silang 'di nakangiti. "Kyro!" Tawag ko sa kanya, kaya nalipat ang kanyang tingin sa akin. Umalis naman sa sofa si Mario at binati ako ng good morning saka dumiretso sa kusina. Kung hindi ko lang pamangkin ko, aakalain kong matanda na iyon at naipit lang sa batang anyo. Tumayo na si Kyro sa kanyang pagkakaupo, kinuha ang aking bag at ngumiting humarap sa akin. "Sandwich? Ham flavor niyan!" Pakita ko sa tinapay na kinuha ko kanina. "Thank you, my Sunshine." Hinalikan niya ako sa aking labi, pinalo ko nga siya sa braso baka may makakita sa amin pero hinalikan niya lang ulit ako. Ang isang ito talaga pasaway. Bago pa siyang pumangatlo, hinila ko na si Kyro palabas ng bahay. Tatawa-tawa naman siyang sumunod sa aking sinabi. "Ikaw talaga, alam mo naman 'di ko pa sinasabi kay ate Bea na sinagot na kita 'di ba?" pagsusungit ko rito at tinarayan siya. "They already know." Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?" Kinurot ko nga ang kamay niyang humahaplos sa hita ko. "I said, They already know we're couple." Bumilog ang aking mga mata at napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka? P-paano nila nalaman?" Nag-stop ang sasakyan namin, red light pala. "I just said earlier. Para they know na we're couple, baka kasi hanapin ka nila, para alam nilang magkasama tayo dalawa." simpleng sabi niya sa akin. "Wow!" Iyon lang sinabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Teka, bakit naman ako hahanapin sa amin? Eh, 'di naman ako gumagala." "After your class, we will go to our house, there you will sleep for only one day. Don't worry nagpaalam na ako kay Uncle Timothy." aniya sa akin at binuhay ang makina nang makitang nag-green lights na ito. Pinaningkitan ko siya at inalis ang kamay niyang humahaplos sa aking hita. "Okay, pero, 'di ako tatabi sa'yo." "No way! Doon ka sa k'warto ko matutulog, My sunshine." Ungot nito sa akin habang binalik niya ang kanyang kamay sa aking hita. Pinandilatan ko na lang siya ng mga mata ko at pinabayaan na ang kanyang ginagawa sa aking hita. Nang makarating sa campus, nadatnan ko sa parking lot sila Francheska. Kaya agad akong bumaba at hindi na nagpaalam kay Kyro. "Francheska!" sigaw ko sa babae at kumaway sa kanila. "Bella! Magaling ka na ba?" Niyakap ako ni Francheska at hinaplos ang aking noo. "Ayos na ako. Magaling na ako. Nagkaroon ba quizzes sa ibang subject natin?" pagtatanong ko sa kanya. Imbis na sagutin niya ako, pinaharap niya ang aking mukha sa sasakyan ni Kyro, na lumabas pala. "Teka, ha?" Saglit ko sa kanilang tatlo at pinuntahan si Kyro sa kanyang p'westo. "Sorry, ingat ka, Kyro, ha? I love you!" Sabi ko sa kanya. Gusto ko man siyang halikan sa kanyang pisngi, nahihiya akong makita ng mga kaibigan ko. "I love you too, my sunshine. I'll pick you up later, okay? Wait for me. I love you most." Nilayo ko ang kanyang mukha kasi alam kong hahalikan na naman niya ako. "Mamaya na lang pagsundo mo sa akin." Tinaas-baba ko pa ang aking kilay. "Kahit dalawa pa, Kyro. Ingat ka sa pag-drive, ha?" paalam ko sa kanya at bumalik kila Francheska. Buong friday, nakipag-k'wentuhan lang ako kay Francheska. Nagkaroon kami ng long test sa dalawang major namin at pasado kaming apat doon. Highest pa nga si Akihiro. "Bella, free ka ba sa Sunday?" Napatingin ako kay Cashel, nasa likod namin sila ni Francheska. Napaisip ako kung may lakad ba ako sa Sunday, nang maalalang wala naman at free ako sa sunday, tumango ako sa kanya. "Oo, Cashel. Bakit? Anong mayro'n sa Sunday?" "Hindi pa pala niya alam?" pagtatanong ni Cashel kay Akihiro. "Bakit anong mayro'n?" naguguluhan akong tanong sa kanila at nagtatakang nakatingin kay Cashel at kay Aki. "Birthday ni Akihiro, Bella! Nahihiya siyang imbitahan ka." Sabay tawa ni Francheska kaya sinamaan siya ng tingin ni Akihiro. "Uhm, yeah. Are you free on Sunday, Bella?" Sabay haplos ni Akihiro sa kanyang batok. Napangiti naman ako sa kanya, "sure! Punta ako sa birthday mo, Akihiro!" Sabay ngiti ko sa kanya. Nang makarating sa parking lot, natanaw ko na agad doon si Kyro na nakatayo habang nakamasid sa akin. "Sige, una na ako, ha? See you sa Sunday, guys! Ingat kayo!" Kaway ko sa kanila at nilapitan si Kyro. "Bakit ang aga mo laging dumating, Kyro? Lagi ka tuloy naghihintay sa akin." aniya ko sa kanya ng makapasok sa passenger seat. Nagkibit-balikat lang siya sa akin. "Ganito talaga kapag gwapo, my sunshine." Napasimangot naman ako sa sagot niya. "Nagpapatawa ka na naman, Kyro! Didiretso na ba tayo sa bahay niyo? Talaga bang pinagpaalam mo na ako kina ate Bea at kuya Timothy?" paniniguradong wika ko sa kanya baka kasi hanapin ako sa amin. Pasaway pa man din ang isang ito. Pilyong tumingin siya sa akin. Nagtaas-baba ang kanyang makapal na kilay habang nakatingin sa kalsada. "Of course. I'm not lying when it comes to you, my sunshine." Tumango na lang ako sa kanya. Ang gwapo ni Kyro sa kanya clear glasses. Isama mo pa na naka-formal wear siya ngayon. Black coat, white long sleeves, black baston and black leather shoes. Sobrang gwapo and ang lakas ng appeal niya para sa akin. "We're here, my sunshine." Sumilip ako sa bintana ng kotse at doon ko lang napansing nandito na kami sa bahay nila. Natatandaan ko kasi ang bahay nila, dito kaya naganap ang party last Saturday. Hindi ko namalayang ang bilis ng byahe dahil sa kakatitig ko kay Kyro. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinapit niya ako sa aking bewang. Binati kami ng mga kasambahay nila. Naiilang ako sa ginagawa ni Kyro sa paghaplos niya sa aking bewang, naalala ko kasi iyong ginawa namin. "Why are you blushing?" Sabay tusok ng kanyang daliri sa aking pisngi. Pinalo ko ang kanyang daliri na pumipindot sa aking pisngi. "Stop! Mainit lang kaya namumula pisngi ko. Saka mapula naman ang pisngi ko." Kontra ko sa kanya. Pumasok kami sa sala nila. Sobrang aliwalas dito. Kitang-kita sa sala nila ang kanilang lawn. "Shall we go up to the bedroom? Change your uniform, I bought a dress for you." Hinawakan niya ang aking kanang kamay at sabay kaming umakyat sa taas nila. Hindi ko naman alam kung saan k'warto niya. Huminto kami sa tapat na kuya black na pinto. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang madilim na k'warto. "Sorry, sunshine. I turn off the light in my room. But, my room is clean." Pumalakpak lang siya nang isang beses and nagbukas na ang ilaw sa buong k'warto niya. "See? It's clean. When you clap twice, the light goes out." Sabi pa niya sa akin at tinanggal ang kanyang black coat. "Kyro! Sa banyo ka magpalit!" Matinis na sabi ko rito at tumatawa naman siyang pumunta sa bathroom niya. Urgh! Bakit kasi pumayag si ate Bea sa gusto nitong si Kyro!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD