Zaiden Malayo na ang dalawa, nakatitig pa rin si Oceane sa kanila habang papalayo. Bago ako tuluyang lumapit sa kanya, isang spell ang ginawa ko. "Magic forces, black and white I have , over the place, and by the light. And you, be ye far and near , One holds you in the clouds, is here meant by " Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pa rin umaalis si Oceane sa kinatatayuan niya kaya nilapitan ko na siya. Hinubad ko ang robe ko at ginawang pansangga sa ulan. "Hey umuulan na..tara na.." sabi ko Napalingon sa akin si Oceane, pagkatapos ay sabay kaming naglakad papalapit sa hallway. "Ayos ka lang ba? Nabasa ka ba?" tanong ko "Bakit bigla yata umulan? Kanina naman ang maganda ng sikat ng araw?" tanong ni Oceane habang nakatingin sa labas Hindi ko naman sinagot ang tan