Zaiden HINDI nagsasalitang naupo sa tabi ko si Castor. Nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa aking silid mula sa bintana. Kakatapos ko lang maligo, naghahanda na ako para sa klase ngayong araw. "Anong balita sa kanila?" tanong ko Huminga muna siya ng malalim saka tumingin sa akin. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "May itinatago ang babaeng Catlesnake pero sa palagay ko wala itong kinalaman kay Frost." Sabi niya "What do you mean?" tanong ko "Hindi pa ako sigurado kung ano, pero malakas ang kutob ko na bukod sa katauhan ni Frost, may itinatago pa siya at iyon ang kailangan kong malaman. " sabi niya "Paano mo gagawin 'yon? Hindi ka naman basta basta makakalapit sa mga Catlesnake lalo na't palagi nilang kasama ang Neverclaw." Sabi ko Bahagyang ngumi