❀⊱Kimie's POV⊰❀ Mabilis kong naibenta ang condo unit ko sa BGC, isang bagay na matagal ko nang pinag-iisipan. Pagkatapos ay bumili ako ng bagong unit, pero sa BGC pa rin... gusto ko pa rin kasi ang convenience ng lugar. Ang kaibahan lang, hindi ko ginamit ang pangalan ko sa pagbili ng bagong unit. Kinausap ko ang kaibigan kong si Lhezel na gamitin ang pangalan niya, at pumayag naman siya. Sa loob ng limang buwan, maisasalin rin agad ito sa pangalan ko. Iniisip ko nga, siguro naman sa loob ng limang buwang 'yon ay tuluyan ko nang makakalimutan si Rouge, kasama na ang lahat ng sakit na idinulot niya sa puso ko. Habang nakatitig ako sa screen ng computer ko, parang wala akong focus sa mga ginagawa ko. Wala sa trabaho ang isip ko, kahit pa nandito ako sa opisina ko. It’s been a week since w