CLINTON's POV
'Damn this fvckin' traffic.'
Halos kalahating oras na akong nakatingga rito sa kahabaan ng Ortigas Highway dahil sa matinding traffic sa mga oras na ito.
Kauuwi ko lang ngayon mula sa Paris dahil sa aking misyong hinawakan, na dapat ay isang buwan lang, ngunit dahil may panibagong kasong ibinigay si Mark ay tinapos ko na habang nando'n ako, kaya nang makauwi ako ay agad akong humingi ng bakasyon, para mabigyan ko na ng oras ang aking asawa.
Napangiti naman ako nang maalala ko si Sarah, ang aking asawa, lalo na sa tuwing makakausap ko ito through videocall ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti o tamang sabihing hindi ko maiwasang hindi kiligin, dahil sa tuwing maririnig ko ang paglalambing nito'y para bang bata, ngunit ang lakas ng epekto sa akin.
Inabot ko ang aking cellphone at sinubukan ko 'tong tawagan, upang alamin kung ano ang ginagawa, hindi pa rin nito alam ang pag-uwi ko ngayon, at talagang sinadya kong hindi ipaalam upang sorpresahin ito.
Subalit, napakunot ang aking mga kilay ng matapos ang aking tawag ay hindi nito sinasagot, muli kong sinubukan, nginit gaya ng una ay hindi pa rin nito sinagot, bumuntonghininga na lang ako at ibinalik ko na lang uli ang cellphone sa dashboard.
Ilang sandali pa'y nakarating na rin ako sa bahay ng aking mga magulang, dito ako dumiretso dahil alam kong nand'to ngayon ang aking asawa.
Sinundo ni Mom si Sarah kinabukasan nang makaalis ako, dahil gusto raw nitong makasama ang aking asawa at maka-bonding sa lahat ng bagay, natuwa naman ako sa bagay na 'yon.
At hindi rin naman lingid sa kaalaman ko ang malaking pag-ayaw ni Mom kay Sarah para sa akin, dahil ilang beses ko na rin iyong narinig kay Mom, kaya't nang sinabi ni Mom na gusto nitong makasama si Sarah ay agad akong pumayag, at naisip ko'y maaaring iyon na rin siguro ang way para magustohan ni Mom ang aking asawa.
Mabait si Sarah, at iyon ang higit kong nagustuhan dito, hindi mo mariringgan ng mga reklamo, bagkus makikinig lang sa lahat ng mga sinasabi mo at tatango, simple at ang pagiging tahimik nito at malawak ang pang-unawa'y daig pa ang mga edukadong babaeng nakilala ko.
Alam kong hindi rin nakatapos ng pag-aaral si Sarah dahil umpisa pa lang inalam ko na rin ang lahat-lahat tungkol dito, kaya't nang marinig ko sa pamilya nito kung anong klaseng babae o anong klaseng pagkatao nito'y hindi ko na lalo napigilan ang lalong pagkahulog ng loob kay Sarah, na para sa akin, edukasyon man ang kulang kay Sarah ngunit dahil sa halos perpektong pagkatao nito'y hindi mo na maiisip pa kung nakapag-aral ito o hindi.
At sa klase ng taong gaya ng aking asawa ay daig pa ang ilang mga edukadong tao, pagdating sa pakikipagkapwa-tao, na halos masasabing kong ideal perfect wife ang isang Sarah Crisostomo Clinton.
"Magandang umaga po, Sir Clinton," bati sa akin ni Josie, isa sa mga kasambahay ng aking mga magulang.
Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga halaman nang dumating ako at agad lumapit sa akin upang bumati.
Tumango namana ako, "Where's my wife?" seryoso kong tanong.
"Ah, alam ko po nasa kusina, narinig ko pong nagpapagawa si senyora ng tsa'a kay Ate Sarah," agad naman nitong tugon, na ikinakunot ng aking kilay, sa isiping bakit kailangang asawa ko ang gumagawa.
"Why is she doing that thing?" seryoso kong tanong, at hindi naman nakalitas sa aking pansin ang pag-iwas nito ng tingin.
"Ta-Tawagin ko na po ba si A-Ate Sarah?" imbes ay tanong nito at hindi pinansan ang aking sinabi, na lalo ko lamang ipinagtaka.
Napatango na lang ako at hindi na tumugon pa, kahit sa sarili ko'y 'di ko na maiwasan ang ilang mga katanungang nabubuo sa aking isipan.
May dapat ba akong malaman? Bakit parang may hindi ako nalalaman?
Napasunod na lang ako ng tingin kay Josie na nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon.
Umiling na lang ako at lumakad na rin papasok sa loob, subalit bahagya akong natigilan nang makita ko sa Mom sa sala habang nakaupo sa mahabang sopa, na waring gigil na gigil habang nakikipag-usap sa cellphone.
Hindi pa sana ako lalapit at wari bang mas gusto kong marinig pa ang mga sasabihin nito sa kung sino mang kausap ni Mom sa cellphone, lalo na nang marinig kong binanggit nito ang pangalan ng aking asawa na si Sarah, at hindi ko rin naman ugali ang makinig sa pinag-uusapan ng iba, ngunit sa pagkakataong ito ay waring iba at nararamdaman kong parang may mali.
Umikot ang tingin ni Mom sa aking direksyon, at kita ko sa itsura nito ang pagkagulat, 'tsaka nito mabilis pinindot ang cellphone, pagkatapos ay agad tumayo at sinalubong ako.
Iba man ang aking nararamdaman sa mga oras na 'to, subalit pinilit ko na lang balewalain, dahil aminado naman akong na-miss ko rin ang aking ina.
"Oh my God, son!" gulat nitong sambit. "Bakit hindi ka nagsabing ngayong araw ang dating mo, sana'y naipagluto kita ng paborito mo," malambing na sambit nito.
Ngumiti ako, 'tsaka ko ito niyakap pabalik, "Thank you, Mom, but don't worry, maybe next time. Susundoin ko lang si Sarah. And gusto ko na rin muna magpahinga, eh." nakangiti kong sagot, subalit napansin ko naman ang ginawa nitong pag-irap nang banggitin ko ang asawa ko.
Bumuntonghininga ito, "Okay, if that's what you want," Malaming nitong sambit, 'tsaka ito bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at muling naupo sa couch kung saan ito nakaupo kanina.
"May problema ba, Mom, sa asawa ko?" seryoso kong tanong, dahil hindi ko na rin napigilang hindi mag-usisa.
Bumuntonghininga ito 'tsaka ngumiti, ngunit sa paraan ng ngiti nito ay alam kong may mali, kilala ko si Mom pag may mga bagay itong itinatago, pero alam kong hindi rin ito magsasabi ng totoo, kaya iyon ang dapat kong alamin.
"Nararamdaman ko kasi, hijo, na hindi ako gusto ng asawa mo. Naglambing lang naman ako kanina ng isang tasang tsa-a, pero paglapit sa akin ibinagsak n'ya sa harapan ko," Bumuntonghininga ito, kasabay ng pagyuko, na waring naiiyak. "Sana naman bigyan pa rin ako ng respeto ng asawa mo, kahit ayaw niya sa akin," hanggang sa tuluyan na itong umiyak.
Napakunot naman ang aking mga kilay sa mga salitang tinuran ni Mom, dahil hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinabi nito o hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan, kilala ko ang asawa ko at alam kong malabong magawa iyon ni Sarah, at sa apat na taong pagkakakilala ko sa aking asawa ay kahit ang minsan hindi ko nakitang nambastos ito ng kahit sino, at kadalasan ay ito ang nakakatanggap ng pambabastos, at imbes na sumagot sa taong nambabastos ay tumutungo na lang at hihingi ng dispensa kahit hindi naman kailangan.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at lumapit kay Mom, 'tsaka ko 'to kinabig at niyakap, waring nakaramdam ako ng awa para dito.
"Let me handle this, Mom. I'm sorry." Seryoso kong sambit habang pinapatahan ko ito, pagkatapos ay bumitaw na rin ako at tumungo sa kusina para hanapin ang aking asawa.
Bahagya akong natigilan nang mapansin kong seryoso sina Manang Rosa at Josie habang may ginagawa sa kusina, na bago naman sa aking paningin, dahil sanay akong maingay at madaldal itong si Josie.
Mula pa kanina napansin ko ang pa-iwas ng tingin ni Josie nang tinanung ko si Sarah.
At bahagya pang nagulat ang dalawa nang masalita ako, "Where is Sarah, Manang Rosa?" seryoso kong tanong habang mariing nakatitig sa mga tao.
Pansin ko ang bahagyang pagkataranta ni Josie 'tsaka tuminging kay Manang Rosa, habang si Manang Rosa naman ay marahang tumango na waring naging signal naman kay Josie, at mabilis lumabas sa likuran ng kusina, kung saan nando'n ang mga tambakan ng mga lumang gamit at dating maid's quarters.
"Manang Rosa, kumusta po kayo?" tanong ko sa matanda, nag-angat naman ito ng mukha ngunit agad ring nagbawi.
Tumango ito, "Ayos lang naman, hijo, ikaw, kumusta ang trabaho mo? May gusto ka bang kainin? Ipaghahanda kita, kayong mag-asawa, at hindi pa rin kumakain 'yang asawa mo mula pa kanina," seryosong sagot naman ni Manang Rosa na ikinakunot ko pa lalo ng aking mga kilay.
"Kumusta po si Sarah, Manang Rosa?" imbes ay tanong ko rito.
Bumuntonghininga ito at bahagya pang lumingon sa aking likurang bahagi kung saan nando'n ang parti ng sala, na wari bang may kung anong sinisilip, kaya't sa mga oras na ito ay utay-utay na akong nakakaramdam ng galit, dahil pakiramdam kong nanghuhula ako sa ilang bagay na hindi ko makuha ang tamang sagot.
Humakbang ako ng dalawang hakbang papalapit dito, 'tsaka humarap kay Manang Rosa na nakapa-meywang.
"Where is Sarah, Manang Rosa?" medyo may kalakasan kong sambit, na hindi ko na rin kaya pang pigilan ang inis na aking nararamdaman.
Bumuntonghininga naman si Manang Rosa, at handa na sanang magsalita nang bigla kong marinig ang pagtawag sa ni Sarah sa aking pangalan, na waring nanginginig ang boses nito.
"C-Clinton," mahinang sambit ni Sarah ngunit pakiwari ko'y napakalakas pa rin sa aking pandinig at agad ko 'tong nilingon.
Subalit lalo lamang akong waring nangapa sa dilim nang nakita ko ang bahagyang pagbabago sa itsura nito, medyo namayat ito, at maputla na animo'y waring kulang din sa pahinga at hindi maayos na tulog dahil sa pangangalumata rin ng mga mata nito.
Bigla akong natauhan nang bigla itong dumamba ng yakap sa akin, "Sshhh.." pagpapatahan ko rito dahil naririnig ko ang mahihina nitong paghikbi. "That's enough, baby. I'm here and I'm sorry kung natagalan ako," mahina kong sambit.
"I... I miss you, hon. I miss you so much," imbes ay sagot nito na lalo ko pang naramdaman ang paghigpit ng yakap nito.
Napa buntonghininga ako ng ilang beses, 'tsaka ko 'to bahagyang inilayo at tinitigan sa mukha, subalit napansin kong agad naman itong napaiwas ng tingin at bumaling sa direksyon nina Manang Rosa at Josie.
"Pack your things. Let's go home." seryoso kong sambit, habang nananatili akong mariing nakatingin sa mukha nito, na para bang may nais akong gustong makita mula sa mga mata nito.
Pansin ko pang tumango ito at bumaling kay Josie bago ako tumalalikod at dumiretso na palabas ng kusina.
Bumalik ako sa sala kung saan nando'n si Mom, upang magpaalam. Naramdaman ko namang kasunod ko na si Sarah na walang imik, na para bang ingat na ingat na makagawa ng ingay, kahit ang simpleng paghakbang nito ay napakatahimik.
"Mom, we are leaving," sambit ko, at agad naman itong bumaling sa aming direksyon, 'tsaka tumayo.
"Hindi ba muna kayo kakain? Sayang naman, magluluto pa sana kami ni Sarah ng paborito mo, hijo," nakangiting sambit ni Mom, 'tsaka bumaling ng tingin kay Sarah.
Napasunod naman ang tingin ko sa aking asawa, at kita kong kasalukuyan itong nakatungo, habang magkaklob ang dalawang palad sa harapan.
Napaisip na lang ako tungkol sa mga sinabi ni Mom kanina tungkol kay Sarah, sa sinasabing ginawa nito kay Mom, at sa nakikita kong itsura ng aking asawa ngayon ay malayong-malayo na magawa o magagawa nito ang gano'ng bagay kay Mom, ngunit hindi ko naman maisip o masabing kayang magsinungaling sa akin ni Mom o ang sirain nito ang aking asawa, dahil alam kong hindi rin iyon kayang gawin ni Mom, o hindi magagawa.
Alam kong mahal ako ni Mom, at hindi nito hahayaang masaktan ako sa pamamagitan ng aking asawa.
Lumapit ako sa aking asawa 'tsaka ko 'to niyakap sa baywang at dinampian ng halik sa ulo, nag-angat ito ng mukha at tuminginh kay Mom at tumango, pagkatapos ay agad na ring umiwas ng tingin.
"Maybe some other time, Mom. Kailangan ko pang bumawi sa asawa ko," nakangiti kong sambit at pinipilit kong maging normal ang aking mood, kahit ramdam kong hindi na ako kumportable sa sitwasyon ng aking ina at asawa.
Bumuntonghininga si Mom at nagkibit balikat, "Fine. And next time hindi ka na puwedeng tumanggi, right, Sarah?" nakangiting sambit ni Mom, 'tsaka tumingin kay Sarah.
Agad namang nag-angat ng tingin si Sarah, "Opo, Maam Eloisa, I mean, Mom," mahinang sambit ng aking asawa kasabay ng pagtango nito.
Napakunot ang aking mga kilay, dahil sa narinig kong paraan ng pagtawag nito kay Mom.
"Ano ka ba naman, hija? Kailan ka ba masasanay na Mom ang itawag mo sa akin, manugang na kita at asawa ka na ng aking anak, kaya dapat lang hija na Mom ang itatawag mo sa akin. Ikaw talaga," nakangiting sambit ni Mom, na waring wala na sa itsura nito ang lungkot na nakikita ko kanina habang nagsusumbong ito sa ginawa umanong pambabastos ng aking asawa rito.
Seryoso lang akong nakikiramdam at palipat-lipat ng tingin sa dalawa, subalit tanging pagtango na lang ang naging tugon ng aking asawa.