"Istupida!!" sigaw ni Mommy Eloisa, este ni Maam Eloisa, sabay saboy sa aking harapan ng isang tasang tsa-a na umuusok pa, at ako rin mismo ang gumawa dahil iniutos nito.
Agad kong nailayo ang aking suot na damit nang maramdaman ko ang init ng likidong iyon na tumama sa aking balat.
Napatungo na lang ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha at hindi na umimik pa.
"Kailan mo ba makukuha ang tamang timpla ng aking t'sa-a?! Napakasimpleng bagay hindi mo makuha-kuha!! Ang bobo mo!! Ang bobo mo talaga, kahit kailan! Palibhasa, wala kang pinag-aralan! Isang muchacha at mukhang pera!!" halos umaalingawngaw na boses nito sa loob ng kabuuan ng mansyon. "Lumayas ka sa harapan ko!! Layas!!" muling sigaw nito sabay bato sa akin ng news paper na binabasa nito.
Napatakbo na lang ako sa kusina habang umiiyak at agad kumuha ng kamatis sa ref, t'saka mabilis na hiniwa-hiwa para ihaplas sa bahagi ng aking balat na napaso.
Hindi ko alam kung epektibo ang gan'to, nalaman ko lang ang mga gan'tong bagay kay Manang Sylvia na kasama kong naninilbihan kina Leizle at Luke.
"Hay, Diyos ko po!" gulat na sambit ni Nanay Rosa, ang katiwala dito sa mansyon ng mga magulang ni Clinton.
Mababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala, lalo na nang makita nito ang malawak na pamumula ng aking balat sa tiyan nang itaas nito ang aking suot na blusa.
"Ayy.." daing ko. "Ako na lang po, 'Nay Rosa," mahina kong sambit at agad pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mula sa aking mga mata.
"Eh, napaano ka bang bata ka? Diyos ko, mananagot kami niyan sa asawa mo, eh. Mahigpit ka pa namang ipinagbili sa amin lalo na kay Señora Eloisa." seryosong sambit nito ngunit mababakas pa rin ang pag-aalala.
"Ayos lang po ako, 'Nay Rosa. Natapunan ko lang po ng mainit na tubig, magtitimpla po sana ako ng gatas kanina," pagsisinungaling ko para hindi na humaba pa ang usapin.
Napa buntonghininga na lang ang matanda at ito na ang gumamot sa aking balat na nalapnusan nang may nakita itong ointment sa med kit.
Ganito ang buhay ko habang wala ang aking asawa, walang kaalam alam si Clinton sa lahat ng hirap na dinaranas ko sa poder ng ina nito o sa lahat ng pahirap sa akin ng aking beyanan.
Tatlong buwan na rin akong nagtitiis sa mga ginagawa sa akin ni Maam Eloisa. walang araw ang lumipas na hindi ko na naranasan ang pahirap nito.
Gustohin ko mang umalis hindi ko magawa, dahil ayaw kong dumating si Clinton na wala ako rito, kung saan ako iniwan.
At sa loob ng tatlong buwang iyon ay hindi pa uli kami nagkikita, oo, madalas itong tumawag sa akin through videocall pero iba pa rin talaga 'yong nand'to s'ya, 'yong lagi kong nakikita, nahahawakan at nakakatabi sa pagtulog.
Nakakatawa mang isipin pero tatlong buwan na rin kaming kasal pero wala pa ring nangyayari sa amin, dahil no'ng araw ng honeymoon sana namin sa France ay hindi nangyari.
Kadarating pa lang namin noon nang tumawag ang doktor ni Maam Eloisa at sinabing naka-confine ito dahil sa mild heart attack, na sobrang ikinabahala ni Clinton.
Nauwaan ko naman dahil iyon dahil magulang n'ya 'yon at kung sa aking din naman siguro mangyari ay mauunawaan din nito.
Subalit makalipas ang isang linggo'y nakatanggap ng misyon si Clinton sa labas ng bansa, kaya't ayaw man sana ako nitong iwan ay napilitan na lang dahil ako na rin ang may sabing kailangan pa rin nitong unahing ang trabaho nito.
At nang makaalis na ito'y kinabukasan dumating sa condo ni Clinton si Maam Eloisa at isinama ako rito sa mansyon, ayon na rin daw sa kagustohan ni Clinton, wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa mga kagustohan nito dahil ina ito ng aking asawa.
Ngunit nang makausap ko si Clinton kinabukasan ay nalaman kong si Maam Eloisa talaga ang may kagustohang mamalagi ako rito sa mansyon nila.
Noong una, hindi ko matukoy o maisip ang posibleng dahilan ni Maam Eloisa, dahil alam ko namang hindi ako nito gusto kaya't imposibleng naisin nito ang makasama ako sa iisang bubung.
Subalit nang lumipas ang mga araw ay saka ko naisip o napag-ugnay ugnay ang mga nangyayari at do'n ko naisip ang dahilan nito.
At sa loob ng tatlong buwang iyon ay walang araw akong hindi nakakaranas ng pahirap at pasakit nito.
At ang lahat ng iyon ay akin lamang binabalewala alang-alang kay Clinton at sa pagsasama namin.
Alam ko kung gaano kamahal ng aking asawa ang nito, at walang hindi gagawin para sa ina.
Hindi ko rin gugustuhing dahil lang sa akin ay masisira ang magandang relasyon ng mag-ina, ngunit kung para sa ama ni Clinton na si Sir Dimetrio ay wala akong masasabi, dahil sa sobrang bait at maayos na pakikitungo nito sa akin, isa rin si Sir Dimetrio na gaya ni Clinton ay walang alam sa mga ginagawa sa akin ni Maam Eloisa, o sa lahat ng aking nararanasan pag wala ang aking asawa.
Walang araw na hiniling kong sana'y dumating na ang aking asawa, nakakatawa mang isipin na para akong isang batang naghahanap ng kakampi, na sa kabilang banda'y iyon talaga ang aking kailangan ngayon.
"Aray.." daing ko na madiinan ni Nanay Rosa ang may malaking pinsala sa aking balat.
Agad namang napalayo ang kamay nito at agad hinipan ang aking nalapnos na balat.
"Ay, Diyos ko!" nagulat ito. "Pasensya ka na, ineng, at napadiin yata ang aking kamay," t'saka nito muling nilagyan ng ointment.
Subalit sabay kaming napalingon nang humahangos na pumasok sa kusina ang dalagang si Josie, na isa ring kasambahay rito sa mansyon ng mga Oxford.
"Oh? Ano'ng nangyayari sa 'yong bata ka?" naguguluhang tanung ni Nanay Rose.
Humihingal ito habang nakahawak sa dibdib, kaya't agad naman akong tumayo at inabutan ito ng tubig.
Ngumiti ito. " Salamat po, Ate Sarah," t'saka ito uminom. "Dumating na po si Sir Clinton, hinahanap po kayo," nakangiti nitong sambit.
Napatayo ako ng tuwid at waring hindi alam ang unang dapat gawin, halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon, na wari bang gusto ko itong yakapin ng mahigpit at umatungal sa dibdib nito at sabihin ang lahat.
Ngunit sa kabila no'n ay hindi ko kayang gawin, dahil alam kong lalaki lang ang pagkadisgusto sa akin ni Maam Eloisa pag nasira ang relasyon ng mag-ina.
Bahagya akong napapitlag nang tinapik ako ni Nanay Rosa at inulit nito ang sinabi ni Josie.
Waring nagising naman ako, t'saka ngumiti at nagdumaling lumabas ng kusina.
Narinig ko pa ang waring may sinasabi si Josie kay Nanay Rosa na hindi ko na pinansin pa dahil ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang pagkasabik sa aking asawa.
Samantalang agad akong napatigil sa bukana ng sala ng makita kong yakap nito si Maam Eloisa na waring hinang hina.
Napakunot naman ang aking kilay dahil alam kong hindi naman mahina si Maam Eloisa o wala naman itong sakit, at katunayan nga kanina'y halos lamunin na ako ng buo sa tindi ng galit at inis nito sa akin.
Saglit pa muna akong nanatili sa aking kinatatayuan ngunit waring wala namang planong lumingon si Clinton sa aking bahagi.
Bumuntonghininga na lang akong bumalik sa kusina ay dumiretso sa maids quarter kung saan ako namamalagi upang magpalit ng damit.
Sa bawat paghakbang ko'y hindi ko mapigilan ang bawat pagpatak ng aking mga luha.
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kirot sa aking puso, dahil wari bang hindi ako mahalaga kay Clinton na hindi man lang muna ako nito nagawang lapitan, kagaya nang nakasanayan ko noon, na agad akong hahanapin at bibigyan ng mahigpit na yakap at halik.
Samantalang ngayon'y ramdam ko ang malaking pagbabago, at pakiramdam ko'y lumalayo sa akin ang loob ng aking asawa o inilalayo ang atensyon sa akin ni Clinton.
"Oh, ineng?" waring nagulat na sambit ni Nanay Rosa. "Nagkita na ba kayong mag-asawa?"
Umiling ako, at pasimpleng pinunasan ang aking mga luha, "Papasok na po muna ako sa silid ko, 'Nay Rosa. Kailangan ko rin po kasi munang magpalit ng damit," mahina kong sambit at muling nagpatuloy sa paghakbang.
Subalit muli akong napatigil ng hinawakan ako ni Josie, kaya't napabaling ako ng tingin dito.
"Wala ka bang planong sabihin kay Sir Clinton ang mga nangyayari sa 'yo rito, Ate Sarah? malungkot nitong sambit.
Umiling ako, "Hayaan mo na lang ako, Josie. Alam ko kung ano ang tamang gawin o hindi. Salamat." Sambit ko 'tsaka ko 'to hinawakan sa balikat at marahang tinapik.
Pagpasok ko'y umupo ako sa simento upang kunin ang aking maliit na bag na nasa ilalim ng maliit na papag, 'tsaka ako kumuha ng pamalit na damit.
Kumuha lang ako ng pamalit na bestidang medyo maluwag upang kahit paano'y hindi ako mahirapan sa aking paltos.
Habang nagbibihis ay hindi ko na naman napigilan ang hindi mapaluha, hindi ko alam kung saan nga ba talaga ako lulugar o paano ako kikilos, asawa ako ni Clinton pero hindi iyon ang nararamdaman ko pagdating sa aking beyanan.
Katulong ang turing nito sa akin, mababang uri ng tao, at mukhang pera, hindi isang manugang.
Aaminin kong minsan gusto ko na lang umuwi sa amin, sa aking pamilya upang makahinga ng maluwag, ngunit pag maiisip ko si Clinton ay agad nagbabago ang aking isip.
Mahal ko ang asawa ko, at handa akong magtiis para dito, ang tanging hiling ko pa rin ay mas bigyan pa ako ng katatagan ng Panginoon.
Napapitlag ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan, kaya't kong pinunasan ang aking mga luha at tinungo ang pinto.
Bumungad sa akin ang waring nagagahol na itsura ni Josie. "Ate Sarah, magdumali ka, bilis. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Clinton, parang mainit ang ulo, eh," pabulong nitong sambit, 'tsaka ako hinila palabas ng silid.
"Where is Sarah, Manang Rosa?" rinig kong malakas na boses ni Clinton ma sa kusina, kaya't malalaking hakbang ang aking ginawa at iniwan na si Josie sa aking likuran.
Pagbungad ko sa kusina'y nakita ko itong nakapamaywang ang dalawang kamay na nakaharap kay Nanay Rosa, kaya't nakatalikod ito sa aking direksyon.
"C-Clinton," mahina kong bigkas, ngunit narinig pa rin naman nito at agad lumingon sa akin.
Nakikita ko sa mukha nito ang galit, galit sa hindi ko alam na dahilan, ngunit nang makita ako'y agad rin namang nagbago ang itsura nito.
Inilang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa at agad ko itong sinunggaban ng mahigpit na yakap at 'tsaka ako muling napaiyak.
Aminado naman akong sobra ko 'tong na-miss, sa tatlong buwang hindi ko ito nakita at nakapiling ay para ng ilang taon na rin ang lumipas.
Naramdaman ko naman ang pagganti nito ng mahigpit na yakap sa akin, t'saka nito marahang hinagod ang aking buhok at hinalikan ako sa ulo.
"Ssshhh.." pagpapatahan nito sa akin. "That's enough, baby. I'm here and I'm sorry kung natagalan ako," mahina nitong sambit.
"I... I miss you, hon. I miss you so much," imbes na sagot ko rito.
Naramdaman ko naman ang ilang beses nitong pagpapakawala ng malalim na paghinga 'tsaka ako bahagyang inilayo at tiningnan sa mukha.
Agad naman akong napaiwas ng tingin at napabaling kina 'Nay Rosa at Josie, pansin ko rin ang pag-iwas ng tingin ng dalawa, at agad ring itinuon ang pansin sa kaniya-kaniyang mga ginagawa.
"Pack your things. Let's go home." malamig nitong sambit.
Ramdam ko ang walang buhay nitong pananalita na waring may gustong sabihin na hindi naman masabi-sabi.
Tumango naman ako rito at bumaling kay Josie, kasabay naman ng pagtalikod ni Clinton.
"Josie, puwede bang pakikuha ang gamit ko sa aking silid?" pakiusap ko kay Josie.
Tumango naman ito at agad na ring lumabas ng kusina papunta sa maids quarter na nasa labas ng mansyon, ngunit tanging ako lang ang matutulog doon, dahil sina Nanay Rosa at Joise at nandito malapit sa kusina na nasa loob mismo ng mansyon ang mga tulugan.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit gano'n ang ginagawa sa akin ni Maam Eloisa, at 'yon ay upang umalis ako at iwan si Clinton, na hindi ko naman kayang gawin at hinding-hindi ko gagawin dahil mahal ko ang asawa ko.
Nangako ako sa harap ng altar, sa mga taong saksi sa aming pag-iisang dibdib, sa harapan ng Panginoon, lalong higit sa aking asawa, na hindi ako bibitaw at sasamahan ko ito sa hirap at ginhawa, sabay naming haharapin ang bawat hamon ng buhay, at kakapit ako hangga't nararamdaman ko ang pagmamahal nito sa akin.