"REALLY, Mr. Rutherford? Dito mo ako dinala sa isang turu-turo lang?!" bulalas ko kay Damon. What the, never in my entire life na kumain sa ganitong lugar. Napangiwi ako. I don't like the place. I am thinking kung malinis ba ang pagkakahugas ng ilang mga untensils. "Ayaw mo? Maghanap ka ng gusto mong kainan." "What?!" bulalas ko rito na tila hindi makapaniwala sa sinasabi nito. Mayamaya ay may lumapit sa akin ang ilang mga batang gusgusin dahilan para mapangiwi ako sa hitsura ng mga ito. But deep in my heart, nakaramdam ako ng awa sa mga ito. "Ate, bigyan niyo naman po kami ng pera." "Wait, huwag kayong lumapit sa akin. I am so sorry, gusto ko sana kayong bigyan kaya lang mas prefer ko na pakainin na lang kayo. Ate, pwede bang pakainin niyo ang dalawang batang ito," ani ko sa isang