NAGLAKAD ako patungo sa office table ni Damon. And I found a frame. Kasama nito si Mrs. Rutherford. Nakaakbay siya sa magandang Ginang at gano'n din ito rito. "Paano ka tinanggap ni Mrs. Rutherford bilang illegitimate child?" "Swerte ako sa kanya dahil buong-puso niya akong tinanggap sa pamilya." "I see," saad ko rito. "Kumusta na ang itlog mo, okay na ba?" nakangising tanong ko rito. "Shut up!" asik nito sa akin. Kasalukuyan itong nakaupo sa couch habang nire-relax ang sarili. Ewan ko ba, hindi ko magawang huminto sa pagngisi. Damon really makes my day today. Kasalukuyan kong nakalimutan ang problemang kinakaharap. "Ibang-iba ang awra mo ngayon, a? Sobrang seryoso. Malayo sa Damon na nakilala ko nang una tayong magkita. May iba't iba ka yatang personality." "Pag ako nakaraos dito