"ANO'NG plano mo ngayon, son?" Napasulyap ako kay dad. "Not to tell her the truth, dad. Hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring iyon." "Hijo, naaawa na ako kay Noraisa," malumanay na saad ng aking ina. Humugot ako ng isang marahas na hininga kasabay ng pag-igting ng aking panga. "Duke, pwede mo namang aminin siguro kay Noraisa ang totoo. Na hindi ikaw ang nasa naturang eroplano na sumabog kundi ang kakambal mong si Damon. And you can tell her also na si Damon ang totoong boyfriend niya at hindi ikaw," tugon ng pinsan kong si Yuri Cheng. "Honestly, hindi ko alam ang gagawin ko, insan. Ba't pa kasi pumayag pa ako sa request ni Damon na magpalit kami ng pangalan. Iniisip tuloy ni Noraisa na si Damon ay isang gago at ako na mabait at ang taong minamah