"ANO'NG problema?" Napasulyap ako kay Ate Dianah, ibinaling ang tingin sa pagkaing nasa aking harapan. "Hindi kasi ako naniniwalang si Damon ay hindi si Duke, ate." Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga. Kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant kami. Kumakain ng lunch. "Hindi ba't nagpa-imbestiga ka?" tanong nito. Nag-angat ako ng tingin dito, at sinalubong ang kulay brown nitong mga mata. Her angelic face seriously looking at me. "Oo, but it turns out na mali ako sa aking akala. Pero nagdududa parin akong sinabotahe ni Damon ang imbestigasyon ng P.I." "Paano mo nasabi?" kunot-noong tanong nito sa akin. "Basta, ramdam kong sinabotahe niya iyon para hindi ko malaman ang totoo. Kung anuman ang dahilan niya'y malalaman ko rin 'yon." "Sa totoo lang, ayoko mang sabihin ito.