Chapter 6
Matapos nilang kumain ng merienda sa ihaw-ihaw ay nag-aya naman si Leon na bumili sa convenience store. Pumayag naman si Mami dahil pagkakataon na niya para mapalapit kay Leon at kuhanin ang loob nito. Kapag nagtiwala na ito sa kanya ay mas mabilis na siyang makakakilos. Napangiti si Mami sa naisip niyang ideya.
Bumili lang naman ng alak at junkfoods si Leon sa convenience store. Napabili din tuloy si Mami ng soju dahil isa 'yon sa paborito niya na pangpatulog sa gabi.
"Soju? You like korean drinks, huh?" Tanong nito.
Napangiti si Mami. Englisherong masungit - 'yon ang naisip ni Mami.
"Slight. Mas masarap pa rin ang red horse pero pa-bebe muna ako ngayon," nakangiting tugon la g naman ni Mami sa kanya.
"Oh, heavy drinker. I see," komento pa ni Leon sa kanya.
Gustong umirap ni Mami pero nagpigil siya ng sarili. Kunwari na lang siyang natawa sa komento nito sa kanya. Hindi kasi niya matukoy kung papuri ba ito o pangungutya. Babae siya, oo. Pero sanay siyang uminom dahil gano'n naman kapag laking iskwater ka eh. Wala namang hindi marunong uminom ng alak sa kanila. 'Yong iba nga, tanghaling tapat pa lang ay nagsusunog na ng baga. Wala raw makain pero magtataka ka kung saan nakakakuha ng pangbili ng gin bulag.
"Pangpatulog lang," tugon na lang ni Mami para wala nang mahaba pang diskusyon.
Minsan talaga ay naiirita siya kay Leon. Mabait naman ito, kaso mukhang mas lamang talaga ang pagiging antipatiko. Spoiled brat siguro ang isang 'to? Mukhang anak mayaman na napag-aral sa all boys school kaya englishero eh. Pasalamat siya at nakapagtapos si Mami kaya kahit paano ay makakausap niya ito nang matino pagdating sa english-an. Paano na lang kung hindi nakakaintindi si Mami? Aarte na lang siguro siya na pipi at bingi. Natawa na naman si Mami sa naisip niyang kalokohan.
Nagtungo na silang dalawa ni Leon sa cashier at pinauna na siya nitong magbayad. Kaagad naman niyang binayaran ang soju, noodles at cornick na kinuha niya. Matapos niyang magbayad ay lumabas na siya sa store at doon na lamang niya hinintay si Leon. Nagulat pa siya nang biglang nag-ring ang android phone niya. Kaagad naman niya itong sinagot.
"Hello?" Tugon niya kaagad sa tumawag.
"What's up? How's the work so far?" Tanong naman ng tumawag sa kanya.
Alam na kaagad niya kung sino ito kahit na unregistered number pa ang tumawag sa kanya. Sino pa nga ba? Kundi si Blackie? Blackie ang tawag niya sa lalaking naka-itim na nagbigay ng weird na trabaho sa kanya. Tutal, ayaw naman nitong sabihin ang pangalan niya. Kaya siya na mismo ang nagbansag ng codename dito.
"Ayos naman. Nag-e-enjoy ako," tugon niya habang nagmi-make face pa.
Wala naman kasi siyang maibibigay na update dito. Wala pa naman siyang nalalaman na kahit ano o kung nagtagumpay nga ba siya sa ginawa niyang pagpigil kay Leon kanina.
"Good. Keep me updated. You can call or text me in this number," tugon nito at saka nito in-end ang tawag.
Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Leon. Muntik pa niya itong mabunggo buti na lang ay naka-atras siya kaagad.
"Boyfriend?" Tanong nito sa kanya.
Napakunot naman ang noo ni Mami sa tanong ni Leon sa kanya.
"Saan?" Tanong niya.
"Boyfriend mo 'yong kausap mo sa phone, I mean," tila paliwanag pa nito sa kanya.
Napanganga naman si Mami nang maintindihan ang sinabi nito sa kanya. Bahagya tuloy siyang natawa habang umiiling.
"No. Hindi ko boyfriend. Boss ko 'yon sa mga raket ko," mabilis na tanggi kaagad ni Mami.
"Raket? What kind of raket?" Tila nagtatakang tanong pa nito habang naglalakad sila papunta sa Apartment building.
"I think, you won't understand. Mukha kang rich kid eh. But let me try to explain it in the shortest way. Raket, meaning side jobs. Hindi stable, kung kailan lang mayroon, gano'n. Tapos babayaran ka, trabaho 'yon pero siyempre daily or per service mo ang bayad," paliwanag ni Mami kay Leon.
"Service? Do you mean, in the club or bar?" Tanong pa nito sa kanya.
Hindi alam ni Mami kung tanga talaga si Leon sa mga ganitong bagay o nagpapanggap lang na walang alam eh. Pero kailangan niyang habaan ang pasensya niya.
"Mukha ba akong pokpok? Sa liit ng boobs kong 'to? Tingin mo ba papasa ako sa gano'n? Uy, pero thanks, ha? I will take that as a compliment. Pero hindi ako sa club nagta-trabaho. Kung anu-ano ang trabaho ko pero marangal naman. Host sa birthday parties o wedding, make-up artist, taga-luto ng pagkain sa kahit na ano pang handaan, marami pa. Gano'n lang," mabilis na paliwanag ni Mami.
"Ah, okay. I got it. That's nice, you know how to do a lot of things and you make money out of it," komento pa nito.
Hindi na napigilan pa ni Mami. Napa-irap na talaga siya sa kaka-ingles nito habang kausap siya.
"May lahi ka bang foreigner? English ka nang english eh. Nanggigigil na ko sa'yo," tanong ni Mami kay Leon.
"Wala. Bakit ka naman nanggigigil sa akin? Galit ka ba? Nakakagalit ang pag-english ko? I'm using the correcr grammar. You should be mad if I'm speaking english but then my grammar is wrong," tila pinangaralan pa siya nito.
Napa-irap na namang muli si Mami. Pakiramdam niya ay malapit nang tumirik ang mata niya dahil sa kakairap niya sa lalaking ito.
"You know, it was just an expression. Di mo ba kilala si Vice Ganda? Sa kanya galing ang expression na 'yon. Nakakainis or malapit nang mainis. Kaya sinasabi naming nanggigigil kami," paliwanag niya pa.
"Vice Ganda? The gay comedian, right? I heard his name but I don't watch TV that much," tugon din nito kaagad.
Muli na namang umikot ang mata ni Mami.
"Okay, sige. Wala na akong sinabi," bulong na lang ni Mami.
"You look like you know a lot of things, Mami. Kalokohan man or kaalaman, I believe," sabi pa rin nito.
Inisip na lang ni Mami na papuri ito kahit na may nabanggit pa na salitang kalokohan si Leon.
"Thanks. Experience is your best teacher nga raw kasi. I may look young, but I can say, I have experienced a lot of things. Ayaw ko na lang magkwento kasi pang-Maalaala Mo Kaya ang buhay namin at baka hindi ka rin naman interesado. So, yeah. Elevator na pala tayo," nakangiting sabi lang ni Mami habang nagku-kwento.
"I can hear you out. Pwede kang magkwento sa akin," tugon pa nito sa kanya.
Napatingin naman si Mami nang tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Leon sa kanya.
"No, ayaw kong magkwento. You will get bored. And I will cry. And I don't want to cry. So, bye. Uwi na ako sa room ko," pagtakas naman na ni Mami kay Leo.
Hindi siya maaaring magkwento ng buhay niya rito. Dapat ito ang magkwento sa kanya. At kung mapa-amin niya ito ng mga mahahalagang detalye, sigurado siyang magiging magaan ang trabaho niya.
Pagkapasok niya sa apartment niya ay kaagad niyang tinawagan ang Nanay at mga kapatid niya.
"Ate, kumusta? Buti nakapagpaload ka?" Tanong pa ni EJ sa kanya.
Ito ang nakasagot ng cellphone ng ina.
"Ayos naman. Oo nagpa-load talaga ako para matawagan kayo. Baka namimiss niyo na ako eh. Si Nanay? Si MJ? Nandiyan ba? Kakausapin ko," tugon pa ni Mami sa kapatid na si EJ.
"Sandali. Ito, kakatapos lang magsampay ng mga palaba sa kanya. Nanay, si Ate Mami," sabi pa ni EJ.
"Hello, anak? Kumusta namanang simula mo riyan? Nakakapagod ba masyado ang trabaho?" Tanong kaagad sa kanya ng ina.
"Ayos naman, Nay. Mas madalas naman po ang pahinga ko. Hindi naman nakakapagod. Wala pa pong masyadong ginagawa," tugon din naman kaagad ni Mami sa ina para hindi na ito mag-alala.
"Bakit pala may pinadala ka na kaagad na pera sa amin? Wala ka pang isang buwan diyan ah? Saka ang laki naman yata no'n? Sampung libo?" Sunud-sunod na tanong sa kanya ng ina.
"Nay, bigay 'yan ng Boss ko. Bakit parang dudang-duda ka naman sa perang binigay ko? Para sa inyo 'yan. Pang-gastos niyo nila EJ at MJ. Huwag kayong magtipid, ha? Lalo na sa pagkain. Bilhin niyo ang mga gusto niyo. Madami kaming raket dito, Nanay. Tapos galante pa ang Boss namin. Kaya huwag po kayong mag-alala, ha?" Tugon naman kaagad ni Mami sa ina.
"Gano'n? Parang sa inuupahang bahay? May pa-advance at pa-deposit? Ang galing naman. Mabait nga ang amo mo. Basta huwag kang magpapa-api sa kanila riyan, ha? Kapag nalaman ko lang na inaabuso ka riyan, kahit mahirap tayo, idi-demanda ko sila," payo pa sa kanya ng ina.
"Nanay, kumalma ka lang. Wala po, hindi ako aabusuhin dito. Para namang hindi niyo kilala ang panganay niyo? Palaban po ito dahil mana ako sa inyo. Saka para po sa atin, kaya ako nagsisikap. Dasal lang tayo palagi, Nanay. Mahal ko kayo. Ingat kayo riyan ng mga kapatid ko. Sige na po," tugon naman niya sa ina na sobrang nag-aalala sa kanya.
Ibinaba na niya ang tawag. Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot dahil miss na niya ang pamilya niya. Pero kailangan niyang magtiis. Aanhin niya ang palagi nga silang magkasama kung barya lang naman ang kita niya? Hindi bale nang siya na ang magsakripisyo nang bahagya at malayo sa mga ito basta masiguro lamang niya ang kinabukasan ng mga kapatid niya. Wala na siyang ibang hihilingin pa sa buhay niya kung mapagtapos man niya sa pag-aaral ang dalawa pa niyang kapatid. Taas noo niyang mahaharap ang ama nilang namayapa kung sakali mang magkita sila sa hinaharap sa kabilang buhay. Wala siyang pagsisisihan na kumayod siya nang todo at inisantabi ang pride o hiya. Hindi uso sa kanya ang gano'n. Dahil kung saan may pera, kahit sabihin pa sa kanya na sumayaw, kumanta, tumambling o kung ano pa man, ay gagawin niya sa ngalan ng pera. Gano'n siya kadesperadong kumita. Para sa pamilya na mahal na mahal niya.