Prolouge

316 Words
Prolouge Leon is a secret agent. He secretly works undercover. Walang ibang nakakaalam sa kung ano man ang klase ng trabaho na mayroon siya, kahit na ang pamilya pa niya. He was doing fine with whatever work he has. Walang kahirap-hirap niyang natatapos ang kung ano mang misyon ang naka-atang sa kanya. Until one day, bigla na lang may sumulpot na babae na sumira sa plano na mayroon siya. Ang lalaking Mr. Perfect pagdating sa trabaho noon ay nagkanda-sablay-sablay.   Tahimik na namumuhay si Mami at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay sa araw-araw. Pilit niyang itinatawid ang kahirapan sa barya na kita niya sa mga raket na pinapasok niya, until one day, she met a man wearing a black outfit from head to toe. She was hired to mess up Leon’s work. Hindi niya alam kung bakit o kung sino ba ang lalaking ‘to. But all she knows is that she needed that large sum of money. Gipit siya at kasalukuyan siyang baon sa utang. Kaya kahit na alam niyang delikado at wala namang siyang experience ay pumayag siyang tanggapin ang ganitong klase ng trabaho. Wala nang tanung-tanong pa.   Kung anu-ano ang ginawa ni Mami para lang masabotahe si Leon. Ginawa pa niyang alay ang sarili niya para maging hostage ng kriminal na hinahabol ni Leon. She was crazy, but that’s the only way. Marami pang tumatakbong plano sa isipan niya. Pero paano kung sa isang iglap, sa kakasunod niya kay Leon ay magising na lang siya isang araw na nasa isla na silang dalawa at walang ibang kasama? Will she successfully ruin him? O baka naman iba ang mangyari? Baka imbes na masira niya ang buhay at trabaho nito, ay siya pa pala ang kumumpleto sa lalaking ito?   Pag-sabotahe nga ba talaga kay Leon ang tunay na misyon ni Mami? O ang pagligtas ng buhay nito mula sa kapahamakan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD