Chapter 19 Nagising si Mami nang alas dose nang madaling araw. Hindi na siya gaanong giniginaw. Sinubukan niyang bumangon at kaagad niyang nakita si Leon na nasa gilid ng kama niya. Nakaupo ito at nakasandal. Tila naka-idlip na ito sa gano'ng posisyon. Nagtataka naman si Mami kung bakit naroon ito. Wala naman siyang maalala na pinapunta niya ito o pinapasok man? Bumangon siya para sana magtungo sa kusina ngunit nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Leon sa braso. Tila nagising niya ito sa naging kilos niya kahit dahan-dahan naman na siyang humakbang. "Saan ka pupunta? Humiga ka muna, Mami," sabi nito habang inaakay siya pabalik sa kama. "Nagugutom ako, Bes. Hindi pa ako naghapunan," nanghihina na sabi naman ni Mami. "May lugaw sa kusina. Sandali, iinitin ko lang," tugon naman ni