Chapter Six
"Ara! Ara!" malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam.
"Hoy Trina, baka tulog pa 'yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito.
"Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! 'Wag mong sinasabihan ng ganyan 'yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa 'yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" ani nito saka dinilaan ang matanda.
"Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din 'tong loka-lokang ito eh.
"Eh kasi tong matandang 'to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat n'ya!" hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at hinila papasok.
"Pasaway ka talaga, pati matanda pinapatulan mo!" sabi n'ya rito na natatawa pa. Lumingon pa si Trina sa matandang natameme sa tindahan nito.
"Narinig mo 'yon? Matanda ka raw! Gurang!" pinalo ni Ara ang pwet ni Trina na napilitan ng pumasok. Pero panay pa rin ang bulong.
"Sino na naman ba 'yong naghatid sa'yo kagabi? Ha! Mamaya n'yan mapahamak ka pa!--- gusto mo ba sabihin ko kay Toto na sunduin ka?"
"Wait---Toto? Sinagot mo na ba? Akala ko ba 'di safe sumakay sa tricycle no'n? Oh baka s'ya ang sinakyan mo!" nakangising sabi ni Ara na tinusok-tusok pa ang tagiliran nito.
"Punyeta, hindi gano'n!" ani ni Trina ng ma-realize ang lumabas sa sariling bibig." Hindi ko sabi bet 'yon----tsaka ba't mo iniiba 'yong usapan ha?"
"Iyong naghatid sa'kin, costumer na nagmagandang loob na ihatid ako, tapos ang kwento!"
"Hoy, sa gano'ng klase ng lugar 'yang mga lalaking dipungal na pumapasok d'yan walang intensyon na magmagandang-loob, gusto nila 'yang nandyan sa loob!" sabay turo sa gitna ng mga hita ni Ara.
"Ito? 'Di naman, mabait naman si Zander! Kita mo 'yon?" sabay turo ng mga nakasampay na jacket. Daig pa niya ang nangongolekta ng mga designer na jacket na ipinapasuot ng lalaki.
"Oh ano 'yang mga 'yan? Plano mo na rin bang mag-online seller?"
"Baliw, hindi, galing 'yan sa costumer ko. Pinapasuot sa'kin!" humagalpak ng tawa ang kaibigan niya.
"Girl, baka 'di ka talaga bet! Juding ba?"
"Hindi naman!" aniya na tumalikod na at tinungo ang kusina. Kagigising n'ya lang, dahil na rin sa bunganga ng kaibigan na nakikipag away sa matandang pinuno ng mga tsismosa ng kanilang barangay.
"Ito nga pala, ulam! Sabi ni Nanay kumain ka raw ng marami!"
"Salamat!" sabi n'ya na lumawak ang ngiti.
"Ito rin oh!" may iniaanot itong pera sa dalaga.
"Bakit? Aanhin ko naman 'yan?"
"Ipadala mo sa tatay mo!"
"A---hhh hindi, ka-kapapadala ko lang ng pera! Itabi mo na 'yan, may extra pa ako rito! Kung kailanganin mo naman magsabi ka lang!" aniya rito. Hirap na hirap siyang magsinungaling sa taong napalapit na sa kanya.
Walang ka-ide-idea kung sino ba s'ya. Pero napakabuti sa kanya ni Trina at ng pamilya nito.
"May mga labahan ka ba d'yan? Gusto mo tulungan kitang maglaba?" ani ni Trina. Mukhang wala na namang magawa kaya gusto na naman s'yang tulungan ng kaibigan.
"W-ala na, nasa laundry shop na!"
"Hindi ka ba napapagastos ng mahal doon?" takang sabi nito. Sabagay magtataka talaga ang babae sa kanya.
"Hindi, konti lang naman!"
"Okay, ikaw bahala!"
"Rest day mo ngayon may lakad ka ba?" muling tanong nito.
"M--eron!"
"Saan? Sama ako?" excited nitong tanong.
"May aasikasuhin lang ako, baka mainip ka lang! Tsaka baka hindi rin ako makauwi!"
"Oh s'ya, ingat ka! Mamaya na lang ako uuwi pag-alis mo!" tumango siya rito. Napakabuti talaga nito.
---
"Ingat ka!" ani ni Trina ng sumakay s'ya ng tricycle ni Toto.
"Sige, mahal!" ani ni Toto na ikinatawa ni Ara.
"Ulol ka, kahit mamatay ka ng pangit ka! Siguraduhin mo lang na ligtas 'yang kaibigan ko---- friend kumapit kang mabuti baka matetano ka d'yan!"
"Uwi ka na rin!" utos n'ya rito. Kumaway lang ito.
"Bye, mahal!" ani ni Toto na nag-flying kiss pa. Inirapan lang naman ito ni Trina. Minsan naaawa na lang si Ara sa lalaking ito. May itsura naman kasi, 'Yon nga lang mahina lang talaga sa diskarte. Nagpahatid siya sa terminal. Naghihintay kasi roon ang sundo niya.
"Salamat Toto!"
"Sige Ara, ingat ka!" tumalikod na siya ng pinaandar na nito ang tricycle nito. Tumawid siya ng kalsada at mabilis na sumakay sa itim na kotseng naka-park doon.
"Gusto kang makausap ng personal ni Tori, tungkol doon sa taong pinaiimbestigahan mo!" tumango siya kay Islah. Naiintindihan n'ya ang ibig nitong sabihin.
"Ayos na ba s'ya?" tanong n'ya. Ang lakas ng loob i-monitor sila noong nasa mission sila ni Islah samantalang kasalukuyan pala itong nasa sariling misyon nito.
"Oo daplis lang naman, tsaka pinagpahinga na siya ni Teri!" tukoy nito sa kakambal ni Tori.
Bumyahe sila patungo sa lugar kung saan silang lahat nakatira. Isang malaking gusali iyon na condo type. Ilang buwan din niyang hindi nakita ang mga kaibigan kaya pagpasok pa lang nila Barbara ay dinumog na siya ng ilan sa kanila.
"Barbara, hinihintay ka ni Tori!" ani ni Teri na naka upo sa carpet may nakalapag na laptop sa lap nito. Naiwan na si Islah sa mga kaibigan niya. Tinungo niya ang elevator. Pagsakay niya pinindot agad niya ang numero ng floor ni Tori.
Pagdating niya sa floor bumukas agad ang pinto. Nilampasan niya ang pinto na katapat dahil unit iyon ni Teri. Nang makarating siya sa unit ni Tori nag doorbell siya.
"It's open!" ani ni Tori sa speaker na nasa pinto. Binuksan niya iyon at dere-deretsong pumasok.
"Where are you?" tanong niya. Nilakasan ang boses upang marinig nito.
" Here!" ani nito na nagmumula sa terrace ng condo unit nito.
Naabutan niya itong naka sandal sa railings at may hawak na baso ng juice.
Ang tingin nito ay nasa baba, sa field kung saan malayang nag-eensayo ang lahat. Minsan nagiging playground ng mga girls.
Tumabi siya rito.
"Nandyan na sa folder lahat ng kailangan mong impormasyon sa lalaking iyon!" sinulyapan niya ang folder na nakalapag sa mesa.
"Don't invest any emotions to that guy!" makahulugang sabi nito. Bahagyang bumungisngis si Barbara.
"You know me Tori, I'm into games. Playing is my thing. In every game I played--- no emotion involved and that guy? No worries Tori, his just a card in my own game!"
"In short your planning to use him?"
"Not literally use him---" sinulyapan niya ito."Reserba lang, baka kailanganin!"
"So cruel!" ani nito na bahagyang nailing. Pero sanay na ang dalaga rito. Sa kanilang lahat, isa si Barbara sa may pinakamapait na nakaraan. Hindi naman talaga ito dating ganito. Nabago lang ng panahon at ng masasakit na karanasan nito.