Ten

1110 Words
Chapter Ten Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori. Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya sa binata na kunwari'y galing sa B.K.O. Dahilan kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon. At 'yong halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang p********e niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission ng walang problema. Umalis ito ng makatulog siya, pero walang intercourse na nangyari. Para ngang unfair sa side nito dahil ng labasan siya ay nagkulong na ito sa banyo. "Ito ang mga taong bumisita kay Christopher Laurel sa ilang buwan na lumipas. May particular na babae na ang madalas bumisita sa kanila---si Inna!" iniharap nito ang laptop at plinay ang isang kuha ng cctv. "Sino 'yong lalaki?" tanong niya, nakaakbay ito sa babae. "Siya si Patrick Mor'le, kapatid ni Inna! At kung iniisip mo na may kaugnayan din itong si Patrick sa grupo, yes meron! Dahil isa siya sa may pwesto sa kanilang samahan!" tumango-tango si Barbara. "Salamat, alis na ako!" "Nagmamadali?" "May pinangakuan kasi ako na dapat bisitahin!" tumango na lang si Tori. Alam niyang trabaho ang tinutukoy nito. --- "Hi?" halos mapalundag sa gulat si Christopher Laurel sa babaeng nakaupo sa couch sa kanyang silid. Nakamaskara ito ng tukad sa isang tigre. "B--arbara?" bumungisngis ito at tumango-tango. "Ako nga, surprise?" aniya sabay dikwatro. Akmang aatake ito ng napansin ang kulay pulang marka na palipat-lipat ng pwesto sa kanyang katawan. "Oopps, nakalimutan ko nga palang sabihin sa'yo, I'm with a sniper waiting for my command!" aniya na sinabayan ng dikwatro. "Upo!" itinuro niya ang kama. May pagkaduwag din ang loko dahil agad na naupo. "Sino ba sa mag-ina mo ang gusto mong unahin kong itumba?" "'Wag, nagmamakaawa ako sa'yo! Ibibigay ko ang kailangan mo 'wag mo lang sasaktan ang mag-ina ko!" "Alam ba nila ang ginagawa mo?" "Hindi!" "Oh, really? Well, Alam mo bang kapag hindi mo ginawa ang gusto ko mararanasan--- ng anak mo ang ginagawa mo sa mga batang walang kamuwang-muwang? Or baka gusto mo ring mapanood?" "Sinabi kong gagawin ko lahat ng gusto mo!" "Ilan ang pinuno ng B.O?" hindi agad nakasagot ang lalaki sa biglaan niyang tanong. "Sagot!" "T--atlo!" ani nito. "Papatayin nila ako oras na malaman nilang sa akin nanggaling ang impormasyon!" "Pake ko? Ibili mo nga ako ng pake para naman makadama ako ng awa sayo!" narinig ni Barbara ang pagtawa ni Islah sa listening device na nasa tenga niya. Ito ang sniper na tinutukoy niya. "Sino-sino sila?" "Patrick Mor'le, Marlon Simoen at Uno!" ani nito na nanginignig pa ang kamay. "Marlon Simoen? 'Di ba siya ang negosyanteng nagbibigay ng tulong sa foundation?" "Pinapalabas lang niya na siya ang nagbibigay, pero siya talaga ang bumuo ng grupo at in case na magkabukuhan hindi madadawit ang kanyang pangalan!" "Sino si Uno?" "Walang nakakaalam kung sino ang taong iyon. Siya ang bumubuo ng plano sa bawat transactions na ginagawa ng mga myembro!" "Si Inna--- ano ang totoong nangyari sa kanya!" Nang nagsimulang magsalita ito hindi makapaniwala si Barbara. Napasinghap si Barbara sa mga narinig mula rito. Kahit ng umalis siya ng lugar na iyon ay tahimik siyang napapaisip. "Ano 'yang mga 'yan?" tanong ni Islah. May hawak kasi siyang papel. "Listahan ng mga susunod na transaction ng grupo, desperado rin itong si Christopher na mailigtas ang mag-ina niya!" "Sa tingin mo dapat nating paniwalaan ang sinasabi ng lalaking iyon?" "Oo, dahil sigurado na ako!" "Sigurado? Saan?" "Na habang naglalaro ako, ay may sumasabay sa mga laro ko!" "What do you mean?" --- "Zander!" aniya. Gegewang-gewang ang lakad na naupo sa tabi nito. Nagtataka namang nakatingin ang lalaki rito. Amoy na Amoy niya ang alak sa dalaga. "What happened to you?" ani nito ngunit ngumiti lang ang dalaga saka umusog para sumiksik sa katawan ng lalaki. Mabilis inagapan ni Zander ang kamay ng dalaga na humplos sa kanyang p*********i. Ang labi nito'y humahalik sa kanyang leeg. "Heay, wait! Stop Angel!" "Zander!'' lumapit si Cloe na nag-aalalang tumingin sa kaibigan. "Baka pwede mo ng iuwi 'yan! May problema ata kaya maagang nagpakalasing!" ani nito. Tumango na lang ang lalaki saka inalalayan si Angel na makatayo. Gegewang-gewang pa ito pero mahigpit ang kapit niya sa bewang nito. Ang isang kamay ay pumipigil sa malikot nitong kamay na kung saan saan humahaplos. "Stop!" frustrated na sabi ni Zander. Nakasakay na sila sa sasakyan nito. At kasalukuyan naka upo sa backseat. Wala namang imik ang driver. Halos umupo na ito sa kandungan niya at naglilikot ang mga kamay sa paghawak sa kanyang katawan. "I don't want to go home! P-upunta sila doon!" aniya na lasing na lasing ang tinig. "Sa bahay tayo!" ani ni Zander. Tumango lang ang driver at muling nag-focus sa pagmamaneho. Nanahimik ang dalaga at humihilik na nakasandig sa dibdib ng binata. Nakapulupot ang mga braso sa bewang nito upang hindi ito makawala incase na magpreno ang driver. "Sa'n tayo?" ani ni Angel na buhat-buhat ng lalaki. Paakyat sila ng hagdan."Sa'n tayo!" ani nito na isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Bahagyang napaigtad ang lalaki ng naramdaman ang dila ng dalaga na naglandas sa kanyang leeg. "Your drunk Angel, stop!" saway niya rito. Tulog na ang dalaga ng ilapag niya ito sa kama. Kumuha siya ng bimpo panglinis ng mukha nito na mayroon pa ring make up. Hindi niya maiwasang makadama ng pagkahabag dito. Iniisip niyang tulad din ito ni Inna na pinaglaruan ng organization ang buhay. "Z--ander, papatayin nila ako!" ani ng lasing na dalaga na nagsimulang humagulgol ng iyak."Papatayin nila ako!" "Shhh, I'm here for you! Hindi ko nagawang protektahan si Inna, sa'yo man lang magawa ko ito!" aniya sa natutulog pa ring dalaga. Na kahit sa pagtulog nito ay dala-dala pa rin nito ang takot at pangamba dahil sa black King organization na kinasasangkutan nito. "Dapat ng mabuwag ang grupong iyon!" ani nito saka hinalikan ang noo ng dalaga. Tapos na siyang linisan ito at palitan ang damit nito ng lisanin niya ang silid. Unti-unting nagmulat ng mata ang dalaga at napangisi. Hindi magiging madali kung siya ang papasok ng tuluyan sa organization, kaya gagamitin niya ito habang iniisa-isa ang kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD