Prologue

440 Words
KAHIRAPAN ang nagtulak kay Joy Margareth para tanggapin ang alok ng kaibigan niya na maging isang cam girl o taga-aliw ng mga lalaki sa isang sikat na website. Sa una nag-aalangan pa siya at puno ng takot ang katawan. Ngunit hindi naglaon nasanay na rin niya ang sarili sa ganoong trabaho. Lalo’t malaking halaga ang natatanggap niya sa tuwing nagli-live show siya sa harap ng camera. Ngunit sa ’di inaasahang pangyayari nabunyag ang pinakaiingatan niyang lihim. Sa dinami-daming tao sa mundo na puwedeng makatuklas sa kanyang lihim ay kung bakit ang childhood prince charming pa niya na si Jude Hesrael Medrano ang nakatuklas nito. “Paano ko masisigurong hindi mo ipagkakalat sa hacienda ang lihim ko?” kinakabahang tanong ni Marga sa binata. Sabay kagat niya sa pang-ibabang labi. Upang supilin ang nadaramang kaba sa katawan. Ngumisi sa kanya ang binata at inilapit pa nito ang bibig sa kanyang punong tainga at bumulong doon. “Be my bed playmate. At sisiguraduhin ko sa iyo na safe and secure sa akin ang sekreto mo.” Mapang-akit nitong sagot sa kanya. Na halos manginig ang kanyang mga tuhod. Dahil sa kakaiba ang dulot ng init ng mga labi nito sa kanyang katawan. Kahit kinakabahan nagawa niyang salubungin ang titig ng binata. Na ngayon ay puno ng pagnanasa sa kanya. Bahagya siyang umatras. Pakiramdam kasi niya hindi siya makahinga, dahil sa sobrang lapit ng binata. “Pumapayag ako. Ngunit sa isang kundisyon.” Naningkit ang mga mata ng binata at kasabay no’n ang pag-igting ng panga nito. “What condition? Say it.” Halos hindi makahinga si Marga nang makitang unti-unting lumalapit ang binata sa kanya. Umatras siya nang umatras, hanggang sa sumayad ang likod niya sa malamig na pader. Napasinghap siya nang ikulong siya ng binata sa matitigas nitong braso. “Ano’ng kondisyon ang nais mo? Tiyakin mo lang na magugustuhan ko iyon. Dahil kung hindi, ako ang gagawa ng kondisyon na hinding-hindi mo magugustuhan. Say it your fúcking dàmn condition!” Naramdaman ni Marga ang paghaplos ng binata sa kanyang tagiliran. Na tila pinapakalma siya nito. Ngunit mas lalo lamang nagrambulan ang t***k ng kanyang puso. Dahil sa ginagawa ng binata. Hindi siya makapag-isip kung ano ang nais niyang ikondisyon dito. “Wa-Wala pa akong maisip. Pag-isipan ko muna.” “Fúck!” Sa sobrang inis ni Jude sa dalaga. Siniil niya ng halik ang mga labi nito. Randam pa niya ang pagkabigla nito. Ngunit wala siyang pakialam. Mas nanaig sa kanya na maangkin ito. Tulad ng kung paano niya ito angkinin, kapag nagli-live streaming ito sa kanilang website. “Be my bed warmer, BlueButterfly and I give you everything.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD