Chapter 1 Not allowed

1533 Words
Chapter 1 “ITAY, kumusta po ang lakad ninyo? Pumayag po ba si Don Charlie, sa mungkahi ninyo?” masaya kong tanong kay Tatay. Kakauwi lang niya galing sa meeting. Hinubad ni Tatay ang suot na jacket at isinabit iyon sa likod ng pinto. Saka siya naglakad papunta sa aming maliit na sala. Umupo siya sa bangkong kawayan kaharap naming magkakapatid. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Tatay. Na tila nagpapahiwatig ng masamang balita. “Hindi anak eh,” mahinang sagot ni Tatay. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Nag-alala ako sa kalagayan niya. Matanda na ang Tatay, kailangan na rin niya ng pahinga. Mabilis akong tumayo at tinungo ang aming kusina. Ikinukuha ko ng tubig ang Tatay at mabilis ding bumalik sa sala. Iniabot ko iyon sa kanya at bumalik sa aking kinauupuan. “Ano po ba ang sabi ni Don Charlie, Tatay?” malungkot na tanong ng kapatid ko na si Dexter. “Hindi ka na niya puwedeng idgdag sa mga pinapaaral niya. Sinusunod lamang niya ang nakaugalian ng mga ninuno niya, na bawat pamilya dito sa hacienda ay tatlong bata lang ang papaaralin niya.” Kitang-kita ko ang dismaya sa mukha ni Tatay at kay Dexter. Kung puwede ko lang sana i-surender ang scholarship ko para kay Dexter ay gagawin ko. Ngunit mas kailangan ko iyon at wala na rin kaming ibang mapagkukunan ng dagdag income para makapag-aral kaming apat sa kolehiyo. Hinawakan ko ang kamay ni Tatay at magaang pinisil. Simula noong namatay si Nanay mag-isa na kaming itinaguyod ni Tatay. Naaawa ako sa kanya dahil matanda na siya at may iniinda pang sakit. Kailangan na niyang magpahinga. Ngunit dahil sa amin patuloy pa rin siyang naghahanapbuhay. “Hayaan n’yo po at magtatanong ako kay Ate Gigi, kung may bakanteng trabaho sa kanyang parlor. Magsa-sidline po ako, ’tay. Pagtulungan po nating paaralin si Dexter.” “Baka mahirapan ka lang ’nak. Hayaan mo ng ako ang magtrabaho para sa inyo.” Isang masayang iling ang isinagot ko kay Tatay. Pagsapit nang gabi nasurpresa kaming lahat nang biglang dumating si Alpa. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko dahil may mga dala siyang pagkain at grocery para sa amin. Pamangkin ko si Alpa at anak siya ni Ate Clara. Masuwerte siya at mayaman ang angkan ng kanyang Tatay. Si Don Charlie. Hindi naman nagtagal sa amin si Alpa. Ibinalita lang niya na tutulungan niya kami sa pag-aaral ni Dexter. Sa sobrang tuwa nga ng aking kapatid. Kaagad nitong sinabi ang kursong kukunin sa kolehiyo. Na malugod naman naming sinuportahan ang gusto niya. KINABUKASAN, muli kaming bumalik magkakapatid sa bayan. Tanging si Tatay na lamang ang naiwan sa aming bahay. Hindi naman kami natatakot na iwan siyang mag-isa doon. Dahil alam namin na hindi siya pababayaan ng aming mga kapitbahay. “Oh, siya mag-iingat kayo sa bayan. Jhon Lord, huwag mo ngang pabayaan ’tong kambal mo. Bakit ang laki ’ata ng ibinagsak niyang grado ngayon? Nag-aalala si Don Charlie. Ipinakita kahapon sa akin ang report card n’yo.” Narinig kong sermon ni Tatay sa kambal. Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin at inaayos ang suot kong uniporme. Maski ako nagulat sa ibinalita ni Tatay. Parang hindi ko alam ang balitang iyon. Magkakasama kaming magkakapatid sa inuupahan naming apartment sa bayan. Kinuha ko ang aking backbag at isinukbit iyon sa aking balikat at saka lumapit sa kanila. “Jhon Kenneth, ano’ng nangyari sa mga grades mo?” Nakita ko ang pagkamot ni Jhon Kennth sa kanyang ulo at yumuko ito sa amin. “Nahihirapan ako sa mga major subject, ate.” Nilapitan ko siya at magaang tinapik sa balikat. Ayaw kong magalit sa kanya. Baka iyon pa ang daan para magrebelde siya. Sa ngayon kailangan niya ang suporta namin. “Next time mag-aral ng mabuti. Hindi puro ML ang atupagin. Nakakahiya sa pera ng mga Medrano at lalong-lalo na kay Tatay. Matanda na siya at h’wag na natin siyang bigyan ng alalahanin.” Sabay-sabay namang umiling ang mga kapatid ko sa amin ni Tatay. Bilang pangalawang anak nais kong itaguyod sila at gabayan sa mabuting daan. “Naiintindihan n’yo ba ang sinabi ng Ate Marga, n’yo? Mag-aral ng mabuti at nakakahiya sa mga Medrano.” “Opo, Tatay.” Maya-maya nga at nagpaalam na rin kami kay Tatay. Bitbit ang basket na may lamang gulay. Lumakad na kaming magkakapatid palabas ng hacienda. Tulad ko kanya-kanya ring bitbit ang mga kapatid ko. May mga pagkain kaming dala para sa isang linggo naming pag-stay sa bayan. Habang naglalakad seryosong nag-uusap ang tatlo kung kapatid. Narinig ko ang mga pangarap nila sa buhay. Natutuwa ako at hinding-hindi nila nakakalimutang isama si Nanay sa kanilang pangarap. Kung saan man siya ngayon. Balang araw magiging proud siya sa amin at matutuwa. Saktong alas-siyete ng umaga narating namin ang malaking gate ng Hacienda Hesraelita. Pasakay na sana kami sa unang dyip na dumaan. Nang may bumusina sa aming likod. Nang tingnan ko iyon ay sasakyan ni Sir Jude ang nakita ko. Mabilis kaming tumabi sa gilid ng daan. Upang bigyan siga ng daan. Ngunit nagulat ako ng huminto ito sa aming harapan. “Good morning,” nakangiti niyang bati sa amin. Ang maamo niyang mga mata ay nakatitig sa akin. Bigla tuloy ako na-curious sa aking itsura. “Good morning po, Sir Jude,” nakangiting bati rin ng aking mga kapatid sa kanya. “Sumabay na kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa inyong school,” alok niya sa amin. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Kaya naging abnormal tuloy ang t***k ng aking puso. “Talaga po, Siir Jude?” masayang tanong ni John Lord. Nauna na itong lumapit sa sasakyan. Kasunod ang dalawa ko pang kapatid. Na parehong may mga ngiti sa labi. “Ikaw ’di ka ba sasakay? Oh, may hinihintay ka pa? Isusumbong kita kay Tatay Augusto,” banta niya sa akin. Kitang-kita ko pa kung paano niya ako bigyan ng masamang tingin. Kaysa makipagsagutan sa kanya ay naglakad ako at tinungo ko ang kabilang pinto ng sasakyan at binuksan. Ngunit wala ng bakante doon. “Dito ka sa tabi ko. Huwag mo na akong gawing driver saka na kapag nakapag-graduate ka na at may magandang trabaho.” Hindi ko alam kung pang-iinsulto ba iyon o sadyang inaasar lang niya ako. Ngunit masama ang dating no’n sa aking tainga. Tatandaan ko ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Balang araw makakaganti rin ako sa kanya. Habang sa biyahe tahimik lamang ako. Kahit naririnig kong nag-aasaran ang mga kapatid ko at si Sir Jude. Hindi ko sila pinakialaman. Itinuon ko lang sa magagandang tanawin ang aking mga mata. Paggdating namin sa bayan ay sa mismong apartment namin kami ibinaba ni Sir Jude. Pagkababa namin nagpasalamat ako at dire-diretsong tinungo ang maliit na gate ng apartment. Bastos na kung bastos. Naiinis talaga ako sa kanya at sinira pa niya ang araw ko. Pagkarating ko sa loob ng apartment. Kaagad kong inayos ang mga dala kong gulay sa maliit naming refrigerator. Pagkatapos no’n muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa maliit naming salamin. Naglagay ako ng powder sa aking mukha at nag-aplay din ako ng lipstick para sa aking namumutlang labi. Nang masigurong maayos na ang lahat. Nagpaalam na ako sa aking kapatid at nagmadaling lumabas ng apartment. Kinse minutos na lang ang natitira sa oras ko. Kapag hindi ko binilisan ang kilos siguradong mali-late ako. Pagkalabas ko si gate. Nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Sir Jude. Sa mismong harapan ng apartment. ‘Inaabangan ba niya ako?’ saad ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang kalsada. Ngunit nagulat ako nang biglang sumulpot ni Sir Jude sa aking harapan. Nakamamulsa ang isang kamay nito sa suot na denim pants at masungit akong tiningnan. Maya-maya pa at mas nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kanyang sasakyan. Hinila ko ang aking kamay. Ngunit mas hinipigtan niya ang pagkakahawak doon. Sa takot na takbuhan ko siya. “Bitiwan mo ako. Ano ba!” “Shut up!” Kaagad niyang binuksan ang passenger seat at bahagya pa akong itinulak sa loob ng sasakyan. Nang makaupo ako. Kaagad niyang ikinabit ang seatbelt sa akin saka isinara ang pinto. Mariin pa ang tingin niya sa akin habang naglalakad ito papunta sa driver seat. “Nag-iinarte ka pa. Mabuti nga at nakasakay ka rito sa aking sasakyan. Magpasalamat ka na lang,” singhal niya sa akin habang nagdri-drive. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng masamang tingin. “Bakit nagprisenta ba ako sa iyo, na sasakay sa iyong sasakyan? Ikaw nga itong basta na lang nahihila. Itigil mo ang sasakyan baba ako!” “Tumigil ka. Alam kong late ka na sa unang subject mo!” “Wala kang pakialam. Ibaba mo ako riyan sa tabi.” Ngunit hindi ako pinakinggan ni Sir Jude. Nagtuloy-tuloy siya sa pag-drive hanggang sa makarating kami sa school. Itinigil niya ang sasakyan sa mismong gate no’n at binuksan ang pinto sa pagkaka-lock no’n. “Mag-aral ng mabuti. Huwag sayangin ang pera ng mga Medrano.” Masakit man marinig. Pero iyon ang realidad. Pinoprotektahan nila ang perang ginagastos sa amin. “At ang pinakaimportante sa lahat wala kang tatanggaping manliligaw. Not allowed.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD