CHAPTER 8

1247 Words
Kinabukasan ay pumasok si Joshua sa company ni Marga dahil nagpatawag ng meeting si Don Alfonso formal na nitong i-turn over ang posisyon niya bilang CEO kay Marga. Natutuwa ang lahat at tinanggap nila ng buong puso si Marga. Nagtataka ang dalaga dahil hindi siya pinapansin ni Joshua. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso dahil hindi man lang siya magawang sulyapan nito. Kahit hi, hello ay hindi niya ito ginagawa kay Marga. Nagdurugo ang puso niya hindi kasi niya alam kung ano ang kasalanan niya kay Joshua. Pagkatapos ng meeting ay nagmamadaling lumabas si Joshua pero hindi na nakatiis si Marga tinawag niya ang lalaki at niyaya niya itong mag-lunch pero tumanggi ito. Nakaramdam nang lungkot si Marga dahil sa ginawang pagtanggi ni Joshua. Pakiramdam niya ay parang s*x toy lang siya nito. Hindi niya naramdamang mahal siya ni Joshua. Pero hindi na rin naman niya masisi si Joshua dahil wala naman silang relasyon dahil arrange marriage lang ang meron sila. Pagsapit ng tanghali ay lumabas si Marga para mag-lunch sa isang restaurant na hindi kalayuan sa company nila. Pagpasok niya sa loob ay nagulat siya nang makita niya si Joshua na may kasamang babae. Maganda at balingkinitan ang katawan nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at nakaramdam siya ng selos. Halos hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Hindi niya ito maihakbang at tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Pumasok siya sa rest room at humarap siya sa salamin. Nangingilid Ang kanyang mga luha at, hinawakan niya ang dibdib niya. “Anong nangyari sa akin? Nagseselos ba ako sa babaeng ‘yon?” bulong niya sa sarili. Pinunasan niya ang mga luha niya at naglagay siya ng press powder sa kaniyang mukha. Lumabas na rin siya sa restroom. At nagulat siya nang may biglang tumawag sa pangalan niya. “Marga, kumusta ka na? Mag-isang buwan nang hindi ka nagpapakita sa amin. Miss na miss na kita." nakangiting wika ni Franco at inakbayan niya si Marga sa balikat. “Franco, anong ginagawa mo rito? Pasensiya ka na Franco alam mo namang busy ako ngayon 'di ba? ” saad niya habang pinilit pakalmahin ang sarili. “Marga ayos ka lang ba? Parang wala ka yata sa mood. Umupo ka muna mag-order ako ng food para sa atin.” Saad ni Franco. Nakita ni Marga na tumingin si Joshua sa table nila. Nakita niyang nakapulupot pa ang babae sa braso ni Joshua, ang sweet nang dalawa kaya mas lalong nasasaktan si Marga sa nakita niya. Napansin naman ni Franco si Joshua at ang babaeng ‘yon. Nakita niya na nasasaktan si Marga. Lumapit siya kay Marga at hinawakan niya ang mukha nito at hinaplos ni Franco ang pisngi ni Marga. “Marga nagseselos ka sa kanila ‘di ba? mahal mo na ba siya?” seryosong tanong ni Franco kay Marga. “Franco nasasaktan ako eh. Hindi ako ‘to franco. Ayoko sa nararamdaman ko, ayokong makaramdam ng ganito.” malungkot na turan niya kay Franco. Niyakap ni Franco si Marga, tamang-tama ay lumingon si Joshua at nakita niya ang dalawa. Galit na galit ito at lumapit siya sa table nina Marga at Franco. Hinablot niya si Franco at sinuntok niya ito sa mukha, nagulat si Marga sa ginagawa ni Joshua. Bumawi naman si Franco, at binigyan niya ng isang malakas na suntok sa mukha si Joshua, dahilan sa pagdugo ng labi nito. “Hey! Joshua anong problema? Bakit kayo nagsusuntukan?” tanong ng babaeng kasama ni Joshua. Kumuha ng panyo ang babae at pinunasan nito ang labi ni Joshua. “Anong problema mo pare bakit mo ako sinusuntok?” tanong ni Franco. “Bakit mo hinahawakan ang asawa ko?!” tanong ni Joshua kay Franco. “Asawa? Hindi pa kayo kasal pare asawa na agad? At ikaw sino ang babaeng ‘yan? tanong ni Franco kay Joshua sabay turo sa babaeng kasama nito. “Girlfriend niya ako bakit?” sagot ng babae. “Franco lets go, maghanap tayo ng ibang restaurant ang init dito,” hinawakan ni Marga ang mukha ni Franco at pinunasan niya ng tissue ang labi nito. Dumugo kasi gawa ng pagsuntok ni Joshua. “Marga anong ginagawa mo? Hali ka sumama ka sa akin!" Sigaw ni Joshua. Pero hindi siya pinapansin ni Marga. “Joshua sino ba siya? Anong meron sa inyo? Siya ba ang dahilan kung bakit nagsuntukan kayo? At anong asawa?” tanong nito. “Jacky wala, halika na lumabas na tayo rito.” sabay talikod at lumabas sa restaurant. “Franco ayos ka lang ba? masakit ba?” tanong ni Marga. “Marga mas masakit ang naramdaman ni Joshua ngayon. Hindi niya ako sinuntok kong hindi siya nagseselos? Sinasadya kitang yakapin para makita niya at iganti kita sa kaniya.” paliwanag ni Franco. “Mag-order na tayo ng food para makabalik na ako sa opisina Franco. Maraming salamat nga pala sa tulong mo Franco. Totoo ka talagang tropa.” saad ni Marga habang nakangiti sa kaibigan. “Mahal mo na ba ang lalaking ‘yon Marga?” tanong ni Franco. “Hindi ko alam, pero nasasaktan ako at nagseselos.” seryosong wika nito. “Mahal mo na siya nahihiya ka pa sa akin. Ikakasal na kayo tapos may ibang girlfriend siya? Ano ‘yon kung mag-asawa na kayo may kabit siya? Ano ba ang ginagawa ng lolo mo? Tiyak na pagsisihan ng lolo mo kong maikasal ka sa hayop na ‘yon kapag malaman niyang babaero ang mokong na ‘yon.” galit na wika ni Franco. Nag-order na sila ng pagkain, pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sa opisina si Marga. Nagulat siya nang naabutan niya si Joshua sa loob ng opisina niya nakasimangot ito at lumapit sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Marga. “Ako ang dapat magtanong sa ‘yo Marga. may relasyon ba kayo ng lalaking ‘yon? Sagutin mo ako Marga. “Hoy Joshua! Wala akong panahong sagutin ang walang kuwenta mong tanong! At ikaw sino si Jacky? Girlfriend mo 'di ba? Wala kang karapatang magtanong sa akin, dahil hindi tayo magkatulad.” seryosong turan ni Marga kay Joshua. "Huwag na huwag mo akong lulukuhin Marga! Tulad nang sinasabi ko, akin ka lang. ayokong mahawakan ng iba ang katawan mo! Tandaan mo ang mga sinasabi ko! Huwag mong hintayin na magalit ako sa 'yo! Sundin mo ang utos ko sa 'yo. Layuan mo ang lalaking 'yon!" galit na sigaw ni Joshua kay Marga. "Hell, no! Ang kapal ng mukha mong utusan akong kalimutan ko si Franco. Best friend ko siya. Mas gugustuhin ko pa na mawala ka sa buhay ko kesa si Franco ang mawala sa akin. Hindi nga kita kilala nang lubusan eh! Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka! At ang babaeng 'yon girlfriend mo 'di ba? Wala akong pakialam sa gagawin mo Joshua. Kahit mag-girlfriend ka pa ng marami wala akong pakialam! Kaya huwag na huwag mo akong pakialaman!" galit na singhal ni Marga kay Joshua. Lumapit si Joshua sa kaniya at hinawakan nito ang balikat niya, pero mabilis niya itong itinulak. "Bakit Marga?" tanong ni Joshua sa kaniya. Hindi sinagot ni Marga ang tanong nito. Umiiyak na lang siya at umupo sa Sofa. "Marga, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na magalit sa 'yo." mahinahong saad nito. "Umalis ka sa opisina ko! Umalis ka na!" sigaw ni Marga. Hindi makapaniwala ang binata sa ginagawa ni Marga. Nasasaktan siya at naawa sa dalaga. Sinasadiya niyang magdala ng babae para saktan si Marga kasama iyon sa kaniyang paghihiganti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD