Naramdaman ni Joshua ang init ng katawan ni Marga at sa bawat pagbayo niya ay sumusunod ang katawan ng dalaga. Pareho nilang miss na miss ang isa't isa. Hindi maipaliwanag ni Joshua ang kanyabng naramdaman. Ang alam niya ay mahal na niya ang dalaga at nami-miss niya ang katawan nito. Ayaw man niyang aminin pero mahal na mahal na niya si Marga. Siniil niya ng halik ang labi ng dalaga naramdaman niya ang bawat pagsipsip ni Marga sa kanyang dila, pareho silang nakapikit at ninamnam ang kanilang sarap.
"Marga. . . I love you." seryosong saad ni Joshua kay Marga. Nanlambot ang buong katawan niya sa kanyang narinig, pakiramdam niya ay lumutang siya sa ulap. Ang sarap sa kaniyang pakiramdam at halos higupin na niya ang dila ng binata.
"Joshua. . .Joshua. . . I love you." malambing niyang sinabi sabay dila sa leeg ng binata. Sarap na sarap si Joshua dahil sobrang sarap ng ginawa ni Marga sa kanya. Ang dalaga na ang umupo sa kanyang hita at sinagad pa niya sa ari ni Joshua ang kanyang p********e. Sagad hanggang kaloob-looban ang ari ng binata. Sarap na sarap silang pareho sa kanilang ginagawa. Hinahabol na nila ang kanilang mga hininga. Nang maramdaman ni Joshua na malabasan na siya ay sinipsip niya ang s**o ni Marga.
"Ahh. . . I'm c*****g. . . " ungol ni Marga.
"Marga. . . sabayan kita. Ahh. . ." ungol ni Joshua. At sabay nilang inabot ang rurok ng kaligayahan. Pagdating ni Joshua sa kanila ay pinagtapat niya sa kaniyang ina ang kaniyang gustong mangyari. Galit na galit si Rebecca at hindi niya matanggap ang gusto ni Joshua.
"Joshua nasa tamang pag-iisip ka pa ba? ang sinasabi ko sa ‘yo, maghiganti tayo sa kanila!"
“Mommy, hindi ko alam pero hindi siya mahirap mahalin. Gusto kong kalimutan mo na lang ang paghihiganti mo sa kanila tutal okay na tayo 'di ba? Mahal ka naman ni daddy Tristan eh. Saka matagal na panahon na iyon mommy." saad ni Joshua sa kaniyang inang si Rebecca.
"Joshua, huwag na huwag mo akong biguin. Nandito na tayo hawak kamay na natin ang tagumpay, huwag mong sabihin sa akin na umatras ka na dahil mahal mo na ang babaeng iyon! Tandaan mong patay na sana ako ngayon kung hindi ako niligtas ni Tristan!" galit na turan ni Rebecca kay Joshua. Galit na galit ito at nagmadaling iniwan ang anak sa sala. Nakita siya ni Tristan na nakasimangot kaya lumapit ito sa kaniya.
"Rebecca, bakit nakasimangot na naman ang mukha mo? May problema ka ba?" tanong nito sa asawa. Kumuha siya ng wine at baso para malamigan ang ulo nito. Mula pa noon ang tanging gamot ni Rebecca kapag nagagalit ay wine lang naman. Nang inabot sa kaniya ang wine ay iniinom niya ito agad at kumuha siya ng sigarilyo at hinihit niya.
"Nasaan ang utak ng anak mo Tristan? Alam mo bang tumubo ang sungay ko kanina sa magaling mong anak, ang haba ng proseso bago natin narating ang tuktok ng tagumpay. Kung kailan isang step na lang ay biglang umatras si Joshua. Puwede ba Tristan pakihanap ng utak ng anak mo!"
"Relax ka lang Rebecca, hayaan mo na lang muna si Joshua. Bigyan mo siya ng chance para mag-enjoy siya kay Marga. Wala ka bang tiwala sa akin? Ako ang magpatuloy kapag panghinaan siya. Alam mo bang ang mahirap kalaban ay ang puso? Tulad ng gusto ni Alfonso noon patayin kita pero tinago kita at pinaniwala ko siyang patay ka na. Kaya huwag na huwag kang lumantad para hindi tayo malintikan ni Alfonso. Hayaan mo kaming kumilos ni Joshua." seryosong wika ni Tristan kay Rebbeca.
Kinabukasan ay kinakusap ni Tristan si Joshua, gusto niyang kombinsihin ang anak niyang kalimutan ang naramdaman nito para kay Marga. Dahil nakakasira ito sa kanilang plano laban kay Don Alfonso.
"Joshua gusto kitang makausap anak." turan nito kay Joshua.
"Daddy alam ko na ang kailangan niyo sa akin. Sinabi na ni mommy sa iyo 'di ba? Alam kong nagagalit siya sa akin pero mahal ko na si Marga dad. Hindi ko kayang makita siyang masasaktan balang araw."
"Wala akong pakialam kung mahal mo na siya Joshua, ito ang paraan natin para paghigantihan sila ng lolo niya. Alam kong mahal na mahal niya si Marga, kapag makita niyang masasaktan ang nag-iisang apo n'ya ay mas masasaktan si Alfonso. kapag makita ng ina mong magdurusa at masasaktan ang dalawa, ay kaligayahan ng ina mo." seryosong wika ni Tristan kay Joshua.
"Pero daddy, kaligayahan ba ni mommy kung may masaktan at mahirapan dahil sa paghihiganti niya? Puwede ba huwag mo na akong pakialaman sa mga dapat kong gawin, kasi nasa tamang edad na ako at ako pa rin ang masusunod kahit ayaw niyo sa mga ginagawa ko!” galit na saad ni Joshua.
"Joshua, nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit nasa loob ka ng opisina ni Alfonso? Gusto mo bang ipaalala ko pa sa iyo? Anak ayaw kong dumating sa puntong pati kami ng mommy mo ay kalabanin mo, dahil nabulagan ang utak mo diyan sa lintik mong puso!" galit na singhal ni Tristan kay Joshua pero wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng kaniyang ama.
“Dad, hindi namatay si mommy buhay siya. Hindi natin kailangang maghiganti sa kanila. Tama na tumigil na kayo. Saka hindi kasalanan ni Marga ang kasalanan ng mommy at lolo n'ya. Bakit ba kasi tinuruan ninyo ako ni mommy ng mali?
Masama ang plano natin. Paano kung malaman ng lolo niya na ikaw ang ama ko? At si mommy ko si Rebecca? Daddy, tigilan na natin habang maaga pa.” seryosong wika ni Joshua. Pero nakita niyang galit na galit ang kaniyang ama sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kaniyang braso.
"Umayos ka Joshua kung ayaw mong maagang paglamayan si Marga! Buo na ang desisyon ko, tapusin mo ang laro mo kay Marga. Paiyakin mo siya at durugin mo ang puso niya. Sila ang dahilan kung bakit nagtatago ang ina mo sa mahabang panahon! Kaya dapat lang na pahirapan mo silang pareho!" saad nito habang umiinom ng wine.
Walang nagawa pa si Joshua kung 'di sundin ang gusto ng kaniyang mga magulang .
Samantalang si Marga naman ay hindi maalis sa kanyang isip ang nangyayari sa kanila ni Joshua. Hinahanap-hanap nito ang mga haplos ni Joshua sa kanyang katawan. Hindi pa rin nagbabago si Marga tumakas pa rin siya sa lolo niya. Hinahanap ng katawan niya ang Wine, at ang kumanta sa bar ni Franco. Mag-isang buwan na rin pero hindi pa rin nagpapakita sa kaniya si Joshua. Hinahanap-hanap niya ang mga halik nito.