PART3

1039 Words
RAMDAM ni Michelle ang unti-unting pag-iinit ng kanyang mukha sa sinabing iyon ni Ace kaya minabuting niyang magyuko ng ulo para itago iyon sa binata. Tinanguan lang niya ito nang nasa loob na sila ng classroom at dumiretso siya sa pwesto niya at ganoon rin ito. Mathematics ang susunod nilang subject. Pagpasok palang ng isang babaeng guro na masungit ang tabas ng mukha ay mabilis nang nanahimik ang mga kaklase niyang kanina ay maiingay at malalakas ang tawanan.             “I’m Mrs. Gumabao” pakilala nitong hinagod ng tingin ang buong klase saka nagpatuloy. “at hindi ko gusto ang sitting arrangement ninyo” seryoso nitong dugtong.             Noon sila nagpalitan ng tingin ni Lhea na katabi niya habang sa hanay nila doon rin nakaupo sina Myka at Lyn. At gaya ng inaasahan, sinimulan na nga nitong ayusin ang kanilang sitting arrangement. Pero hindi iyon gaya ng ine-expect niya. Hindi alphabetically arranged at hindi rin niya alam kung anong tawag doon dahil nagtatawag lang ito ng sinumang estudyanteng magustuhan nito saka itinuturo sa isang seat.             “Ikaw” nilingon ni Michelle ang tinawag ng guro. “your name?”             “Ace Versola ma’am” sagot ni Ace.             “Dito ka” ani Mrs. Gumabao na itinuro ang bakanteng silya katabi ng kanya. Noon nagsimula nanamang kumabog ang dibdib ni Michelle. Para siyang nawala sa sarili kaya hindi na niya namalayang nasa tabi na pala niya si Ace. Nakaupo at nakangiting lumingon sa kanya.             “Favorite subject ko ang Math para lang sa kaalaman mo” pabulong nitong sabi saka siya kinindatan.             Nahigit ang paghinga niya dahil doon pero minabuti niyang kalmahin ang sarili at nagtagumpay naman siya roon. “Ako ayaw ko ng Math” pagsasabi niya ng totoo.             Amuse siyang pinagmasdan ng binata. “Sige ako nang bahala sa’yo, pero sa isang kundisyon.”             Nagsalubong ang mga kilay niya. “What?”             “Hatid kita sa inyo?”             “P-Pauwi?”             Tumango si  Ace. “Oo, kung pwede sana everyday? Para mas makilala kita? Gusto ko kasing mas makilala ka saka with that mas matagal kitang makakasama” anito kaya nalito siya.             “Seryoso ka?” sa kabila ng kalituhan iyon lang ang naisatinig niya.             “Mukha ba akong nagbibiro?” anitong tila nang-aakit pang umangat ang makakapal nitong kilay.             Napangiti siyang bigla dahil sa ginawing iyon ng binata. “O-Okay, kung iyon ang gusto mo” aniya.             Nangingislap ang mga matang binasa ni Ace ang lowerlip nito saka umayos ng upo. “Thank you” anito pa.             Tumango siya. “Thank you and you’re welcome.”             KINAGABIHAN mula sa loob ng kanyang aparador inilabas doon ni Ace ang isang lumang bote ng alak na maganda ang pagkaka-disenyo ng hugis. Napulot niya iyon sa labas na itinapon ng isang may-kaya sa buhay nilang kapitbahay na mahilig sa mamahaling alak. Kinuha niya at nilinisan saka pinatuyo. Matagal na iyon sa damitan niya at hindi niya itinapon dahil nga nagandahan siya sa style niyon.             Last year nang simulan niyang lagyan iyon ng laman. Maliliit na rolyo ng papel na sinusulatan niya ng mahahalaga at importanteng pangyayari sa buhay niya patungkol sa isang natatanging babae. Napangiti siya, walang iba kundi si Michelle.             Tama, at gaya narin ng inamin niya kanina sa dalaga. Lagi niya itong nakikita pero naging lingid lang iyon sa kaalaman nito. Hindi na niya sinabing sobra siyang sumasaya sa mga pagkakataong natatanaw niya ang maganda nitong mukha kahit sa malayo lang.             At sa kagustuhan niyang i-preserve ang lahat ng masayang oras na iyon tungkol kay Michelle ay naisipan nga niyang gawin ang ganito. Dahil sa ngayon, alam niyang sa klase ng kabuhayang mayroon sila ng tiyahin niyang si Susan hindi pa niya kayang aminin kay Michelle ang lahat.             Marangal na trabaho ang pagtitinda sa palengke kahit pa sabihing sa bangketa ang pwesto ng tiyahin niya. Pero sa klase ng pamumuhay ng dalaga, alam niyang magiging alangan siya rito kaya hangga’t kaya niya magkokontrol siya. Sana lang magawa niyang kontrolin din kay Michelle ang nararamdaman niyang paghanga para rito.             First day of school. Fourth year section one. Mathematics, naging seatmate kami ni Mahal. Pagkatapos niyon ay sinulatan niya ng date sa ilalim ang note sa papel, inirolyo at saka iyon inihulog sa loob ng bote. Naniniwala siyang balang –araw ay maibibigay rin niya iyon kay Michelle. At ang huling piraso ng papel na pupuno sa boteng iyon ay ang dalaga na mismo ang mahuhulog. Kung saan nakasulat ang mga salitang. I love you so much, will you marry me? Napangiti ang binata habang sa isip niya, hindi na niya mahintay ang araw na iyon. “PUPUNTA kami sa canteen, sama kayo?” si Lhea kasama sina Lyn at Myka. Umiling siya saka sinulyapan si Ace na nakaupo naman sa silyang katabi ng okupado niya. “Ikaw?” “Okay lang ako, salamat” anito sa tatlo. Tumango lang si Lhea saka siya nanunuksong nginitian. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon at totoong naaapektuhan siya. Tatlong buwan narin naman mula nang magsimula ang klase at sa barkada mula nang maging nobya ni Ronnie si Victoria na isang third year high school student ay si Ace na ang madalas niyang kasama. Mabait naman kasi ang binata at totoong gentleman. At isa iyon sa maraming dahilan kung bakit sa loob ng three months ay hindi niya napigilan ang sariling lihim itong hangaan. Gaya ng hiningi ni Ace, araw-araw sila ang magkasama sa pag-uwi. Inihahatid siya ng binata. At siya, mas pinipili niyang yayain itong maglakad nalang kaysa sumakay sila ng traysikel papunta sa kanila. Enjoy naman kasing maglakad dahil likas na maganda ang bayan ng Caringlan. Berde ang kapaligiran dahil narin sa maraming tanim na palay at mga puno ng mangga. Ilang sandali pa ay naiwan na silang dalawa sa loob ng classroom. Nang mga sandaling iyon pareho silang tahimik. Siya pilit na inaabala ang sarili sa binabasang pocketbook habang si Ace naman ay pirming nakaupo lang kaya lalo siyang nakaramdam ng pagkailang. Mayamaya pa ay narinig niya ang malalim na buntong hiningang pinakawalan nito. Napalingon siya kay Ace na tumayo naman saka siya nginitian. “Doon lang ako sa corridor sandali” paalam nito sa kanya na tinanguan naman niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD