PART 7

1382 Words
“KAMUKHANG-KAMUKHA mo talaga ang nanay mo” mula sa pagkakaharap sa salamin ay nalingunan ni Ace na nakatayo sa may pintuan ng kanyang silid ang tiyahin niyang si Susan.             “Hindi ba magkamukha kayo ni nanay? Kaya kamukha ko rin kayo” aniyang nilapitan ito at niyakap.             Tumango ang tiyahin niya. “Parang may inspirasyon kana ah? Halata sa kislap ng mga mata mo na masayang-masaya ka.”             “Ang totoo, mayroon na nga po Tita. Kaso hindi ko pa nasasabi sa kanya” pagsasabi niya ng totoo saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa harapan ng salamin.             Iyon ang gabi ng kanilang Junior-Senior Prom. At ang kaisipang si Michelle ang date at makakasama niya sa buong gabi ay nagdadala sa kanya ng matinding excitement.             “Pasensya kana at naging mahirap tayo hijo” nasa tono nito ang insecurity.             Nangalatak si Ace. “Masaya naman tayo at nakakaraos hindi ba? At isa pa marami tayong dapat ipagpasalamat dahil unang-una wala tayong gagastusin na kahit magkano sa pagko-kolehiyo ko sa susunod na taon.”             Totoo iyon. Isang buwan kasi matapos magbukas ang klase para sa school year na iyon ay dumating sa bahay nila ang isang sulat na nagsasabing nakapasa siya bilang isa sa mga full scholar ng foundation na in-apply-an niya. Ipo-provide ng foundation maging ang allowance niya kapalit ang pagme-maintain niya ng matataaas na marka.             “Kaya nga, nagpapasalamat ako at naging matalino ka.” nasa tono ng tiyahin niya ang pagmamalaki.              Ngumiti siya.“Mauuna na po ako.”             Tinanguan lang siya ni Susan saka inihatid sa tarangkahan ng kanilang bahay. “Naisip ko lang, ano kaya kung ibenta natin itong bahay at lupa para masamahan kita sa Maynila?”             Natigilan siya sa sinabing iyon ng tiyahin. “B-Bakit po?”             “Ayokong mag-isa ka sa Maynila Ace, mas mainam na iyong may kasama ka” sagot ng tiyahin niya.             Tila ba hinihiwa na sa maliliit na piraso ang puso niya. “O-Okay lang po ako.”             Ngumiti ang tiyahin niya. “Naisip ko lang naman iyon, hindi pa pinal” anitong hinaplos ang likuran niya. “mag-iingat ka.”             Tumango siya. Kung ibebenta ang bahay at lupa nila at sa Maynila na maninirahan, paano na silang dalawa ni Michelle kung sakali?             KANINA pa siya bihis pero hindi siya mapakali sa harap ng salamin. Ang usapan, susunduin siya ni Ace sa bahay nila at magsasabay sila papunta ng school. Ilang beses niyang paulit-ulit na sinipat ang sarili habang suot ang sleeveless off-white na bestidang lumampas ng two inches sa tuhod niya ipinasadya pa ng Mama niya para sa pasayaw na iyon. Ang buhok niya nakalugay lang habang pinahiran ng Mama niya ang simpleng make-up ang kanyang mukha. Ternong pearl red earrings and necklace ang tanging accessories na suot niya. At ganoon din ang kulay ng doll shoes na ipinares niya sa suot niyang dress.             Napakislot si Michelle nang marinig ang magkakasunod na katok sa mismong pintuan ng kanyang silid. “Mama!”             “Nariyan na si Ace? Tama ba ang pangalan niya?” nanunuksong tanong pa nito.             Umikot ang mga mata niya saka dinampot ang purse sa harapan ng tokador. “Opo, nasa sala siya?”             Tumango si Aida. “Kausap ng Papa mo.”             Noon tila pinasok ng maraming paru-paro ang kanyang sikmura. Bakit ba nawala sa isip niyang pwedeng magkaharap ang Papa niya at si Ace na ngayon ay nangyari na nga? “Mauuna na ho ako” aniya.             Sinundan siya ni Aida na mahinang tawa lang ang isinagot.             “ANO na nga ulit trabaho ng mga magulang mo?” seryoso ang tono ng pananalita ni Crispin, ang ama ni Michelle kaya hindi maiwasan ni Ace ang kabahan.             “U-Ulila na po ako sa ina sir, ang tatay ko naman hindi ko na po nakita mula pagkabata” pagsasabi niya ng totoo.             Malalim ang titig siyang pinagmasdan ng ginoo. “Sinong kasama mo sa buhay kung gayon?”             “Ang Tita Susan ko po” maikli niyang sabi.             “Anong trabaho niya?”             Noon siya nakaramdam ng unti-unting panliliit sa sarili. “N-Nagtitinda po siya ng gulay sa palengke” sagot ulit niya.             Nakita niyang nagbuka ng bibig nito ang ama ni Michelle pero napigil ang lahat ng iyon nang mula sa kanyang likuran ay narinig niyang tumawag sa pangalan niya ang isang pamilyar na tinig na siyang tanging nakapagpapatalon ng kanyang puso. Noon siya napatayo sabay pumihit paharap sa dalaga para lang mawala sa sarili nang mapagmasdan ang simple pero napakagandang pagkaka-ayos nito.             ANG traysikel na sinakyan ni Ace patungo sa kanila ang siya ring naghatid sa kanila patungo sa eskwelahan kung saan gaganapin ang prom.             “Give me your hand” ang binatang inilahad pa ang kamay nito nang makababa na ng traysikel.             Sandali muna niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa kamay ni Ace maging sa mukha nito saka kinakabahang tinanggap iyon. “P-Pasensya kana” aniyang ang tinutukoy ay ang panlalamig ng kanyang palad.             Nakangiti siyang niyuko ni Ace. “Sanay na ako sa’yo” anitong bahagyang kinurot pa ang tungki ng kanyang ilong kaya mabilis siyang pinamulahan.             Naramdaman niyang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya. Gustuhin man niyang bawiin iyon mula rito ay hindi rin niya magawa. Wala siyang lakas at pakiramdam niya kapag ginawa niya iyon ang bibigay ang mga tuhod niya at babagsak siya sa lupa.             Sa mismong quadrangle ginanap ang pasayaw. Kapapasok lang nila ng entrance ay mabilis na niyang namataan ang kumakaway na si Lhea. Nasa isang bilog na mesa ito kasama ang buong barkada.             “Bagay na bagay kayo!” ang bungad na bulalas ni Myka na sinundan pa ng kinikilig na hagikhik ang sinabi.             Napayuko siya bagaman nakangiti dahil sa sinabing iyon ng kaibigan nang makaupo siya. Nang hindi siya magsalita ay si Lyn naman ang narinig niyang kumibo. “Paanong hindi magiging bagay eh gwapo si Ace tapos maganda si Mitch, hindi ba? Alam niyo pag kayo ang nagkatuluyan siguradong maganda ang lahing kalalabasan” parang siguradong sigurado pang sabi nito.             Nahihiya at wala sa sarili siyang napasulyap kay Ace dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Para lang mapahiya at lalong mailing dahil nahuli niya ang binatang titig na titig sa kanya. Mabuti nalang at tamang pumailanlang ang isang maganda at pamilyar na kanta. Ang Always Be My Baby ni David Cook.             “May I?” si Ace nang magsimulang magkaroon ng laman ang dance floor. Nang mga sandaling iyon ay silang dalawa nalang din sa mesa dahil nagsitayuan na ang mga kasama nila. Parang wala sa sariling tumango si Michelle habang nakatingala sa napaka-gwapong mukha ng binata.             “Ace ano ba!” saway niya sa binata makalipas ang ilang sandali habang sinasabayan nila ang kanta. Hindi na kasi siya makatiis sa kakaibang magnet na mayroon ang mga titig nito kaya siya naiilang.             Mahinang tawa ang isinagot ng binata saka nito iginala muna sandali ang paningin sa paligid bago ibinalik sa kanya. “Ngayon pwede na ulit kitang titigan?” anito pagkuwan.             Inirapan niya ang binata bagaman nakangiti. “Oo nga pala, naalala ko lang, bakit hindi iyong babaeng nagugustuhan mo ang niyaya mong maging date mo ngayon?” naramdaman niya ang kurot ng sinabi niyang iyon sa kanyang dibdib pero minabuti niyang huwag pansinin.             Nagkibit ng balikat nito ang binata saka siyang kinabig palapit pa rito. Napasinghap siya dahil noon na nga tuluyang naglapat ang kanilang mga katawan. “Gusto ko mas malapit, okay lang ba?” ang sa halip ay isinagot nito.             Hindi parin bumabalik sa normal ang paghinga niya maging ang t***k ng puso niya kaya tumingala nalang siya kay Ace at tumango ng tila wala sa loob. Natapos ang kanta at nasundan iyon ng isa pa. Ang I Will Always Love You ni Michael Johnson. Pero hindi katulad ng iba, hindi siya pinakawalan ng binata. May palagay pa nga siyang wala itong planong bumalik sa kanilang mesa na siya rin namang gusto niya. Dahil kung siya ang tatanungin, mas pipiliin niyang malagay nalang sa ganoong sitwasyon at ayos habang buhay, makasama lang ang binata.             SANDALING pinasadahan ng basa ni Ace ang nakasulat sa maliit na piraso ng papel na hawak niya. Last Prom, first dance. Always Be My Baby, David Cook. You will always be my laham Mitch. Saka niya iyon inirolyo at muling inihulog sa bote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD