ONE YEAR LATER… “GOOD morning! Kain na, Nina, finish your milk okay?” aniyang inayos ang pagkain sa plato ng panganay na anak. “Mommy bakit ang tagal lumabas ni Baby?” tanong sa kanya ng bata saka pinaglipat-lipat ang tingin sa malaki niyang tiyan at sa kanyang mukha. Noon nakangiti niyang hinaplos ang mukha ng bata. “Ganoon talaga kasi kailangan pang mag-develop ng lahat ng parte ng katawan at isip niya. Para maging gwapo siya kagaya ni Daddy” paliwanag niya saka sinulyapan ang asawa niyang si Ace na abala narin sa pagkain ng agahan. Ganoon sila araw-araw, sa susunod na buwan ay kabuwanan na niya pero mas gusto parin niya ang inaasikaso ang mag-ama niya sa pagpasok ng mga ito sa trabaho at eskwela. Mula nang ikasal sila ni Ace ay minabut
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books